Caraga

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Region XIII
Mapa ng Pilipinas na nagpapakita ng kinaroroonan ng  Region XIII
Sentro ng rehiyon Lungsod ng Butuan
Populasyon

 – Densidad

2429224
{{{density_km2}}} bawat km²
Lawak 21471 km²
Dibisyon

 – Lalawigan
 – Lungsod
 – Bayan
 – Barangay
 – Distritong pambatas


5
6
70
1,310
7
Wika Surigaonon, Cebuano, Butuanon, Manobo, at iba pang mga wikang katutubo

Ang Caraga ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang silangang bahagi ng pulo ng Mindanao. Nabuo ito sa bisa ng Republic Act No. 7901 noong 23 Pebrero 1995 na inaprubahan ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ang Rehiyon ay binubuo ng lima (5) na lalawigan: Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands; tatlong (3) lungsod: Butuan, Surigao at Bislig; pitumpong (70) bayan at 1,346 na barangay. Ang Lungsod ng Butuan ang Sentrong Pang-Rehiyon.

Heograpiya[baguhin]

Matatagpuan ang rehiyon ng Caraga sa hilagang silangang bahagi ng pulo ng Mindanao, sa pagitan ng 8 00' to 10 30' N. latitude and 125 15' to 126 30' E. longitude. Naghahanggan ito sa hilaga sa Dagat Bohol; sa mga lalawigan ng Davao, Compostella Valley at Davao Oriental ng Rehiyon XI sa katimugan; sa Bukidnon at Misamis Oriental ng Rehiyon X sa kanluran; at sa Dagat Pilipinas at Karagatang Pasipiko sa silangan.

May kabuuang 18,846.97 km² sakop na lupa ang rehiyon na kumakatawan sa 6.3% ng kabuuang sukat ng bansa at 18.5% ng pulo ng Mindanao. 47.6% ng kabuuang sukat ng rehiyon ay sakop ng lalawigan ng Agusan del Sur. Sa kabuuang sukat ng lupa, 71.22% dito ay kagubatan.

Klima[baguhin]

Ang Rehiyon ng Caragay ay may Kauriang II (Type II) klima. Tuwing buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero, madalas nararanasan ang malalakas na ulan sa rehiyon.

Wika[baguhin]

Surigaonon ang pangunahing wika sa rehiyon, at sinasalita ng 33.21% ng mga mamamayan na sinundan ng Butuanon na sinasalita ng 15% ng mga mamamayan. Katutubong wika sa rehiyon ang Surigaonon na sinasalita sa mga lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao del Sur at sa ilang bahagi ng Agusan del Norte partikular sa mga bayan malapit sa Lawa ng Mainit.

Relihiyon[baguhin]

Ayon sa senso noong 1995, Katolisismo ang pangunahing relihiyon sa rehiyon, na may populasyon na 1,397,343 o 79% ng kabuuang populasyon ng Caraga.

Pagkakahating Pampolitika[baguhin]

Mapang pampolitika ng Caraga

Nahahati ang rehiyon ng Caraga sa limang lalawigan at ng Lungsod ng Butuan.

Lalawigan/Lungsod Kabisera Populasyon
(2010)[1]
Area
(km²)
Pop. density
(per km²)
Agusan del Norte Lungsod ng Cabadbaran 332,487 1,773.2 187.5
Agusan del Sur Prosperidad 656,418 8,966.0 73.2
Dinagat Islands San Jose 126,803 3,009.27 42.1
Surigao del Norte Lungsod ng Surigao 442,588 1,936.9 228.5
Surigao del Sur Lungsod ng Tandag 561,219 4,552.2 123.3
Lungsod ng Butuan ----- 309,709 817.3 378.9

¹ Ang Lungsod ng Butuan ay kabilang bilang isang pambansang entidad dahil ito ay isang mataas na urbanisadonog lungsod; ang mga datos nito ay nakahiwalay mula sa Agusan del Norte.

Ang kasaysayan ng Caraga ay nagsimula noong ika-15 ng siglo, nang ang mga maglalayag ay matuklasan ang mga "Kalagan", na pinaniniwalaang Visaya ang pinanggalingan, na mula sa isa sa tatlong distrito ng Mindanao. Nabuo ang pangalang Caraga sa salitang Bisaya na kalagan na mula sa kalag na nangangahulugang "kaluluwa (soul)" o "tao (people)" at An na ngangahulugang "lupain (land)". Ang mga "Kalagan" ay may mahabang kasaysayan ng katapangan at walang kinatatakutan. Kaya ang Rehiyon ay tinawag ng mga unang mga tagapag-tala na "Lupa ng Matatapang at Walang Takot."

Ang mga "Kalagan", na tinawag na "Caragan" ng mga Kastila ay namuhay sa bahagi na binubuo ng dalawang lalawigan ng Surigao, hilagang dako ng Davao Oriental at Silangang Ozamis Oriental. Ang dalawang lalawigan ng Agusan ay huling binuo sa ilalim ng pangangasiwa ng Surigao at nag-sarili bilang Lalawigan ng Agusan noong 1914. Noong 1960, ang Surigao ay nahati sa Norte at Sur, at noong 1967, ang Agusan ay sumunod na rin. Samantalang ang Butuan noon ay isa pa lamang bayan ng Agusan, ang paglago ng industriya ng pag-totroso ay humikayat ng pangangalakal at mga mangangalakal sa lugar na ito. Noong 2 Agosto 1950, sa bisa ng Republic Act 523, ang saligan ng pagka-lungsod ng Butuan ay pinagtibay.

Mga sanggunian[baguhin]