Cebu (lalawigan)

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lalawigan ng Cebu
—  Lalawigan  —

Seal
Bansa Pilipinas
Rehiyon Gitnang Visayas (Rehiyon VII)
Pagkatatag Abril 7, 1521 at Abril 27, 1565
Kabisera Lungsod ng Cebu
Dibisyon Lungsod (mataas na urbanisado)—2,
Lungsod (bahagi)—4,
Bayan—47,
Barangay—1,203,
Distrito—8†
Government
 - Gobernador Gwendolyn García (2004 - Kasalukuyan)
Pook(ika-19 pinakamalaki)
 - Total 5,088.4 km2 (1,964.6 sq mi)
Populasyon (2000)
 - Kabuuan 3,356,137
 - Kasinsinan 660/km2 (1,709.4/sq mi)
  pinakamalaki sa populasyon, ika-6 pinakamataas sa densidad
Wika Cebuano, Ilonggo, Waray, Tagalog, Ingles, at Espanyol
Kasama ang dalawang distrito ng Lungsod ng Cebu

Ang Cebu ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Visayas. Ang kabisera nito ay ang Lungsod ng Cebu. Isang mahabang mapayat na pulo ang Cebu na may habang 225 kilometro (140 milya) mula sa hilaga hanggang timog, at napapalibutan ng 167 na kalapit na maliliit na mga pulo, na kinabibilangan ng Pulo ng Mactan, Pulo ng Bantayan, Pulo ng Malapascua, Pulo ng Olango, at ang mga Pulo ng Camotes. Sa daan-daang mga pulo nito, ang iba dito ay hindi tinitirhan na naging dahilan upang maging tanyag ang mga ito sa mga turista.

Kilala ang Cebu dahil sa mga pook nito na may katangian ng isang pulong tropikal gaya ng mga talampas, mga malalawak na dalampasigan. Karamihan din sa Cebu ay maburol, at mabundok hanggang patungo sa hilaga, at patimog ng pulo. Ang pinakamataas na pook sa Cebu ay umaabot sa 1,000 metro. Matatagpuan ang mga kapatagan sa lungsod Bogo at sa mga bayan San Remigio, Medellin, at Daanbantayan, at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.

Ang Lungsod ng Cebu ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng [[Kalakhang Cebu[[ kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng Lungsod ng Carcar, Lungsod ng Danao, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Bogo, at Lungsod ng Talisay, at anim pang mga bayan.

Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga otel, casino, mga beaches, at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.

Mga nilalaman

[baguhin] Pangalan

Ang katutubong pangalan para sa lugar ay Sugbo. Ang pangalang Cebú ay isang pagka-Kastila ng orihinal na katutubong pangalan, na sinimulang gamitin noong pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas. Ang unang ipinangalan ni Legazpi sa Cebu ay San Miguel ngunit ito ay muli niyang binago nang nakita niya ang Santo Niño na ibinigay ni Fernando de Magallanes sa mga Sebwano kaya ginawa niya itong La Ciudad del Santísimo Nombre de Jesús.

[baguhin] Demograpiya

[baguhin] Panitikang Cebuano


[baguhin] Mga Wika

Katutubong wika sa Cebu ang Wikang Cebuano. Sinasalita ito sa halos lahat ng bahagi ng mga kapuluan sa Gitnang Bisayas, kasama ang mga lalawigan ng Bohol, kanlurang Leyte, Negros; sa ilang bahagi ng sa katimugang Pilipinas kasama ang Bukidnon, Agusan, Surigao, Davao, Cotabato, at Zamboanga del Sur. May mga pagkakaibang makikita sa mga salita sa maraming bahagi subalit ang pagkakakaiba ay bahagya lamang.[1] May tinatayang 20 milyong tagapagsalita ng Cebuano.[2] Mahusay din manalita ang mga Cebuano ng ibang katutubong wika sa Pilipinas gaya ng Tagalog at iba pang mga wikang Bisaya gaya ng Hiligaynon, at Waray-Waray.

Sa mga Pulo ng Camotes, isang katutubong wikang kaugnay ng Waray-Waray ang tinatawag na Porohon ang sinasalita doon.

sa Santa Rosa, Ang Bisayang Bantayan ang sinasalita.

Ang Wikang Kastila ang kadalasang sinasalita ng mga mestizo, at sa mga pamayanang Kastila. Ang lalawigan ng Cebu ang kauna-unahang lalawigan naimpluwensyahan ng mga Kastila bago inilipat ang kabisera sa Maynila. Ang Wikang Ingles ang salitang ginagamit sa larangan ng edukasyon, media, komersyo, kalakalan at pamahalaan; at ang Wikang Intsik ay sinasalita naman sa mga pamayanang Tsino.

[baguhin] Relihiyon

Ang Nuestra Señora de Guadalupe ang patron ng Cebu. Subalit karamihan sa mga Cebuano ay nagsasabing ang Santo Niño de Cebu, Ang Banal na Batang Jesus ang kanilang santong patron Ang Estatwa nito ay matatagpuan sa Basilica Minore del Santo Niño. Ang San Nicholas de Tolentino ay ang pinakalumang simbahan ngunit bahagyang nasira noong panahon ng digmaan. Ito ang orihinal na pook kung saan unang dumaong at itinayo ng mga Kastila ang Krus bago ito inilipat sa kasalukuyang pook nito sa Basilika.

[baguhin] Pulitika

[baguhin] Mga Lungsod

[baguhin] Mga Bayan


[baguhin] Tingnan din

[baguhin] Mga Sanggunian

  1. Resil Mojares, Cebuano Literature: A Survey of Bibliography with Finding List (Cebu City: University of San Carlos, 1975), p. 5.
  2. "Languages Cebuano language of Philippines". Ethnologue.com. http://www.ethnologue.com/show_language.asp?code=ceb. 


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Mga pansariling kagamitan
Mga ngalan-espasyo
Naiiba pa
Mga gawain
paglilibot
pakikihalubilo
Mga kagamitan
Sa ibang wika