Charles Bell

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Charles Bell (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Batas ni Bell (paglilinaw).
Si Gat Charles Bell.

Si Gat o Ginoong Charles Bell (ipinanganak noong Nobyembre, 1774, sa Doun ng Monteath, Edinburgh - namatay noong Abril 28, 1842[1] sa North Hallow, Worcestershire) ay isang Eskoses na anatomo, maninistis, pisyologo, at teologo ng likas na teolohiya. Siya ang mas nakababatang kapatid na lalaki ni John Bell (1763-1820) na isa ring kilalang siruhano at manunulat.

Kay Charles Bell ipinangalan ang karamdamang pasma ni Bell o pamamanhid ni Bell, isang uri ng pamamanhid ng mukha, sapagkat siya ang unang nakapaglarawan ng kalagayang ito. Tanyag din si Bell dahil sa kanyang Batas ni Bell (kilala rin bilang Batas Bell-Magendie) na naglalarawan sag dalawang uri ng mga nerbyos (nerb) o "ugat" ng gulugod: na ang pangharap o anteryor na mga ugat ay mga ugat-panggalaw o mga "ugat na nagpapagalaw" ng masel ng katawan (mga motor neuron, parang "motor" o makinang nagpapaandar), samantalang mga pandama o sensoryo (sensory neuron) naman ang mga panlikod o posteryor na mga "ugat".[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Charles Bell (1774-1842), mula sa Bell's Palsy, Bell's Law". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 92.




Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.