Choose Your Own Adventure

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang pabalat ng The Cave of Time na isinulat ni Edward Packard. Ito ang pinaka-una sa mga serye ng mga pamagat ng mga aklat na Choose Your Own Adventure.

Ang Choose Your Own Adventure[1][2], na sa literal na salin ay "Piliin ang Iyong Sariling Pakikipagsapalaran", "Piliin ang Iyong Sariling Abentura", "Pumili ng Iyong Sariling Pakikipagsapalaran", "Piliin ang Iyong Sariling Kapalaran", o "Pumili ng Sarili Mong Kapalaran" ay mga serye ng mga aklat na pambata o laruang-aklat (Ingles: gamebook) na unang inilimbag ng Bantam Books mula 1979 hanggang 1998. Sa kasalukuyan, muling nililimbag ito ng Chooseco. Nasusulat ang bawat salaysayin sa pananaw ng pangalawang tauhang tagapagsalita, kung saan aktibong gumaganap na bida ang bumabasa. Dahil dito, nakapipili ng mga desisyon at pahinang tutunguhan ang mambabasa na nagiging sanhi ng pagwawagi o pagkabigo ng pangunahing tauhan o protagonista. Maraming mga anyo ng pagtatapos o wakas ang mga aklat na ito. Nakabenta na ang mga aklat na ito ng may 250 milyong mga kopya, dahilan ng pagiging isa nito sa mga pinakakilalang mga serye ng mga aklat ng ating panahon. Ang The Cave of Time (Ang Kuweba ng Panahon) ni Edward Packard ang pinakauna sa serye ng mga aklat na Choose Your Own Adventure, na nalimbag ng Bantam Books noong 1979.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Demian Katz, Which Way Books, Webpage ng Demian's Gamebook, nakuha noong Hunyo 22 2007
  2. Chooseco Embarks on Its Own Adventure - Enero 18, 2007, Publishers Weekly


Kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikipedia-logo-en.png
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.