Chris Kaman

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Christopher Zane Kaman (ipinanganak noong ika-28 ng Abril 1982 sa Grand Rapids, Michigan) ay isang Amerikanong propesyonal na manlalaro ng basketbol para sa koponan ng Los Angeles Clippers sa NBA.

Si Kaman ay may taas na pitong talampakan (213 cm) at may timbang na 265 libras (120 kilo) Si Kaman ay naglaro ng basketball sa kolehiyo para sa Central Michigan University. Pinili siya ng Los Angeles Clippers mula sa sixth pick sa 2003 NBA Draft. Si Kaman ay naglaro ng 145 games sa kanyang unang dalawang NBA seasons na may karaniwang puntos na 7.4 kada laro, 6.1 rebounds kada laro at 1.1 assists kada laro. Sa kanyang pangatlong season, siya ay nagkaroon ng karaniwang puntos na 11.9 at 9.6 rebounds kada laro na kung saan ang Cliffers ay nagkaroon ng playoffs..

Si Kaman ay nagtaglay ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder. Nagugol ang panahon ng kanyang kabataan sa isang chicken farm at noong kabataan niya, madalas niyang pakiaalaman ang bubungan ng kanilang kapitbahay at madalas din siyang manggulo sa eskwelahan. Malaki ang naging epekto ng ADHD sa kanyang paglalaro sa eskwelahan. Binigyan siya ng gamot na Ritalin para sa kanyang kondisyon ngunit nagdulot ito ng masamang epekto sa kanyang gana sa pagkain. Dahil dito siya ay namayat ng husto.

Si Kaman ay nag-aral sa Tri-unity Christian School sa Wyoming, Michigan kung saan pinangunahan niya ang kanyang koponan sa high school sa state Class D quarterfinals nuong 2000. Sa kabila nito o marahil dahil sa maliit lamang ang bilang ng kanyang klase (ang magtatapos na klase ay mayroon lamang 47 estudyante), siya ay kinuha lamang ng dalawang eskwelahan: Hope College ( isang Division III na eskwelahan) at ang Central Michigan University. Siya ay naglaro ng tatlong seasons sa Central Michigan kung saan ito ay pinangunahan niya sa paligsahan sa NCAA tournament nuong 2003 kung saan siya ay nagkamit ng Associated Press Honorable Mention All America na parangal bago siya nadeklara para sa 2003 NBA Draft kung saan siya ay pinili ng Clippers mula sa pang-anim na kabuuan.

Si Kaman ay isang ambidextrous at kinilala dahil sa kanyang matatag na Kristiyanong paniniwala at dahil din sa kanyang blond hair.

Sa kanilang laban nuong Abril 2006 sa Denver Nuggets, ang kalabang manlalaro na si Reggie Evans ay sinunggaban at hinatak ang bayag ni Kaman matapos makipag unahan sa rebound. Si Evans ay pinagmulta ng halagang $10,000 dahils sa kanyang ginawa. Subalit si Kaman ay napabalitang hindi nasiyahan sa hindi pagkakasuspindi ni Evans.

Pinapirma ng Clippers si Kaman ng karagdagan pang taon sa kontrata na nagsimula ng 2007-08

Notes[baguhin]


External links[baguhin]

Padron:2003 NBA Draft