Clarence Thomas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Clarence Thomas


Kasalukuyan
Panunungkulan
23 Oktubre 1991
Hinirang ni George H. W. Bush
Sinundan si Thurgood Marshall

Panunungkulan
12 Marso 1990 – 23 Oktubre 1991
Hinirang ni George H.W. Bush
Sinundan si Robert Bork
Sinundan ni Judith Rogers

Panunungkulan
6 Mayo 1982 – 12 Marso 1990
Pangulo Ronald Reagan
George H.W. Bush
Sinundan si Eleanor Holmes Norton
Sinundan ni Evan Kemp

Kapanganakan 23 Hunyo 1948 (1948-06-23) (edad 66)
Pin Point, Georgia, U.S.
Asawa Kathy Ambush (1971–1984)
Virginia Lamp (1987–present)
Mga anak Jamal Adeen Thomas
Alma mater Conception Seminary College
College of the Holy Cross
Yale Law School
Relihiyon Roman Catholicism[1]

Si Clarence Thomas (ipinanganak noong 23 Hunyo 1948) ay isang hukom sa Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos. Isa na siyang hukom mula pa noong 1991. Siya lamang ang nag-iisang Aprikanong Amerikanong kasalukuyang kasapi sa hukumang nabanggit. Siya rin ang ikalawang Aprikanong Amerikanong natatanging naglingkod sa hukumang ito. Si Thurgood Marshall ang isa pang Aprikanong Amerikano. Ipinanganak siya sa Pin Point, Georgia, na isang maliit na pamayanang nasa labas ng Savannah. Iniwan ng kanyang ama ang kanilang mag-anak noong isang taong gulang pa lamang si Thomas, na naging sanhi ng pag-iwan sa ina ni Thomas upang mangalaga sa pamilya. Nagkaroon si Thomas ng paghihirap bago napahintulutang hukom sa Punong-Hukuman ng Estados Unidos dahil sa dating reklamo ng kanyang dating tauhang si Anita Hill. Ayon kay Hill, nakagawa si Thomas ng mga birong seksuwal at . Ayon kay Thomas hindi patas ang naging pagturing sa kanya at tinawag itong isang "lynching" o ang pagpatay ng mga taong kulay puti ang balat sa taong may itim na balat, dahil hindi gusto ng mga puti ang kulay ng mga itim na tao.

Mga sanggunian[baguhin]



TalambuhayEstados UnidosKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.