DZXL

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
DZXL 558 AM Radyo Mo Nationwide!
Lungsod ng lisensiya Lungsod ng Makati
Lugar ng pagsasahimpapawid Kalakhang Maynila
surrounding areas
Tatak DZXL Radyo Mo Nationwide! 558 AM
Islogan Tatak RMN
Kasama Mo!
Unang sumahimpapawid 1963
Kadalasan 558 kHz
Pormat balita, serbisyo publiko, pang-aliw, pang-relihiyon
Lakas 40,000 watts
ERP 100,000 watts
Kahulugan ng tatak pantawag DZ
EXtra
Large
Dating mga tatak pantawag DZHP (1963-1975)
DWXL (1980-1990)
Mga kasanib Radyo Mo Nationwide!
May-ari Radio Mindanao Network
Websayt http://www.rmn.ph/


Ang DZXL (DZXL 558 kHz Kalakhang Maynila) ay isang himpilang pangradyo sa (AM) na pinamamalakad at pagmamay-ari ng Radio Mindanao Network sa Pilipinas. Ang istasyon ng studio ay matatagpuan sa Ground Floor ng Guadalupe Commercial Complex (GCC) Building, EDSA Guadalupe, Makati City, habang ang kanyang transmitter ay matatagpuan sa Barangay Taliptip, Bulacan, Bulacan, Pilipinas.

24 oras ang pagsasahimpapawid ng DZXL Radyo Mo Nationwide! 558 AM sa Mega Manila maliban sa Linggo, kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi hanggang 4:00 ng madaling araw, at maliban sa Semana Santa ng Bawat Taon, kung saan hindi ito sumasahimpapawid mula 12:00 ng hating gabi sa Huwebes Santo hanggang 4:00 ng madaling araw sa Linggo ng Pagkabuhay.

Sa kasalukuyan, Ang DZXL Radyo Mo Nationwide! 558 AM sa Mega Manila ay isa sa mga nangungunang himpilan sa AM band sa Kalakhang Maynila at isa sa mga pinakapinaparangalang himpilan ng radyo sa Pilipinas. mula sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).