Dagupan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Dagupan
—  Lungsod  —
Mapa ng Pangasinan na nagpapakita ng lokasyon ng Dagupan.
Bansa Pilipinas
Rehiyon Rehiyon ng Ilokos (Rehiyon I)
Lalawigan Pangasinan
Distrito Pang-apat na Distrito ng Pangasinan
Mga barangay 31
Ganap na Lungsod 20 Hunyo 1947
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Alipio Fernandez, Jr.
Lawak
 • Kabuuan 37.23 km2 (14.37 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 163,676
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 2400
Kodigong pantawag 75
Kaurian ng kita Pangalawang klase
PSGC 015518000

Ang Lungsod ng Dagupan (Pangasinan: Lunsod na Dagupan, Ilokano: Ciudad ti Dagupan) ay isang ika-isang klase ng lungsod sa Pilipinas. Ito ay isang independiyenteng bahaging look ng lalawigan ng Pangasinan. Batay sa senso ng 2000, ang Lungsod ng Dagupan ay may populasyon ng 130,328 mga tao sa 25,921 kabahayan. Nakalagak sa Gulpo ng Lingayen sa pulo ng Luzon, ang Dagupan ay ang pangunahing daungan at pangkalakalan (commercial) at sentrong pang-pananalapi ng Hilagang Luzon; isang masiglang pakikipagkalakan ang nagaganap para sa mga produktong tubo, mais, bigas, kopra, asin, at mga inuming alak na gawa mula sa palmang nipa. Kilala ang lungsod bilang ulung-bayang pamilihan ng mga bangus sa Pilipinas dahil sa kasaganahan ng sariwang bangus. Hinango ang pangalan ng lungsod mula sa salitang pandaragupan ayon sa katutubong wika ng Pangasinan, na nangangahulugang 'pook ng pagtitipon' dahil ang look ay isang sentrong pamilihan ng rehiyon sa loob ng maraming mga dantaon.

Ang pinakamahabang barbekyu na may sukat na 1,007.56 metro (3,305.64 talampakan) —ginawa ito ng mga mamamayan ng Lungsod ng Dagupan noong 3 Mayo 2003 bilang bahagi sa Pista ng Bangus ng lungsod.

Dagupan Pangasinan 1.JPG
Dagupan Pangasinan 2.JPG

Mga sanggunian[baguhin]



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.