Dalagang Bukid

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Dalagang Bukid, ay ang kauna-unahang Pelikulang Pilipino sa Pilipinas na ipinalabas sa diresiyon ni Jose Nepomuceno sa pamamagitan prduksiyon ng Malayan Movies noong 1919, isa sa mga pinakapopular na sarsuela na sinulat ni Hermogenes E. Ilagan, ang tinaguriang Ama ng Zarzuelang Tagalog. Ang Dalagang Bukid ay orihinal na sarsuela at ito'y unang ipinalabas sa Teatro Zorilla noong 1917, mahigit isang taon bago ito isalin sa pelikula. Ang mga nagsiganap nito sa salin sa pelikula ay ang Reyna ng Kundiman na si Atang de la Rama at si Marcellano Ilagan. Ang sinopsis ng "Dalagang Bukid" ay halintulad sa pangunguna ng pag-ibig laban sa lahat, na kung saan ay binigyang diin ng may-akda ang kahalagahan ng pagsusuyong tapat at wagas. Ipinakita sa tema ni Ilagan na hindi lahat ng kaligayahan ng tao sa mundo ay nakukuha sa silaw ng salapi.

Dahil ang Pelikulang ito ay naunang likhain bago ang paglalapat ng musika at tunog, hinahayaan ni Jose Nepomuceno na kantahin ni Atang de la Rama ang mga awitin para sa pelikulang ito ang Nabasag ang Banga, kasabay ang saliw ng tutugin ng organista.

Sinopsis[baguhin]

Sina Angelita at Cipriano ang magkasintahan sa Dalagang Bukid. Tutol ang mga magulang ni Angelita kay Cipriano, bilang kaniyang mangingibig dahil mas gusto nila para sa dalaga si Don Silvestre. Nang pinilit ng mga magulang ni Angelita na ipakasal kay Don Silvestre, ay kanyang ibinunyag na siya ay nauna nang magpakasal kay Cipriano, na lingid sa kaalaman ng karamihan ay tapos pala ng abogasya. Kaya, bilang isang maginoo ay binati rin ni Don Silvestre ang dalawa.

Tagapagganap[baguhin]

Dereksiyon[baguhin]

Panulat[baguhin]

Produksiyon[baguhin]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.