Debora

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang paglalarawan kay Debora (nasa gitna) ni Gustave Dore.

Si Debora o Deborah ay ang nag-iisang babaeng hukom ng Israel, ayon sa Aklat ng mga Hukom ng Lumang Tipan ng Bibliya. Bilang isang "babaeng pinapatnubayan ng langit"[1] o propetesa, iniligtas ni Debora ang kanyang mga tao mula sa paniniil ni Haring Habin ng Hazor. May kaugnayan sa kanya ang pag-awit ng Awit para kay Debora o Awit ni Debora tuwing ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagtatagumpay ng mga Israelita laban kay Sisera at mga hari ng Canaan. Ang Awit para kay Debora ang pinakamatandaang piraso o kumposisyon sa panitikang Hebreo.[2]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Salin ng Ingles na: "inspired woman".
  2. "Deborah, Song to Deborah at ang mas tamang pamagat na Song to Deborah". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., pahina 379.



TalambuhayBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.