Demograpiya ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang demograpiya ng Pilipinas ay ang pagtatala ng katauhang populasyon sa bansa; kabilang na dito ang pagtatala ng kasinsinan ng populasyon, pagkaiba-iba ng mga katutubong tao, antas ng edukasyon, kalusugan, estado ng ekonomiya, mga sinasambang relihiyon, at iba't ibang mga aspekto ng populasyon sa bansa. Ang Pilipinas ay may kabuuang antas ng paglobo ng populasyon na 2.04%, isa sa pinakamataas sa Asya. Base sa nakatala sa senso noong 2007 na isinagawa ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika, may kabuuang populasyon na 88,574,614 katao sa bansa; base sa mga pagtatantya noong 2011, may kabuuang 95,800,000 katao ang bansa.

Ayon sa senso ng 2000, ang populasyon ng Pilipinas ay 50,504,077 at binubuo ng iba't ibang mga pangkat etniko.

Mga pinagmulan[baguhin]

Naipakita ng makabagong pananaliksik sa henetika na ang uring panlahi ng populasyong Pilipino, na bumubuo ng pinakakaramihang bahagi ng bansa, ay naitatag noong pre-kasaysayan ng mga katutubong Taywanes na nagsasalita ng inang-wikang Awstronesyo, na sunod-sunurang dumayo sa Pilipinas noong mga 3000 BK, ang karamihan na nakipaghalo rin sa mga manaka-nakang dayo mula sa mainland o kontinenteng Asya (ngayo’y timog Tsina). Tangi ang mga pamayanang di-Awstronesyo na ito sa karaniwang populasyon pagdating sa pagkakakilanlang etniko, katayuang panlipunan, mga kaugaliang pangkultura, at madalas sa pamanang pangwika, bagaman tinuturing nila ang kanilang sarili bilang mga tunay na Pilipino.

Mga apat sa bawat 100 Pilipino, o 3.6% ng populasyon, ang nagtataglay ng kanunununuang Europeo, bagaman hindi nabanggit kung gaano kalaki ang karaniwang pagkahalong Yuropeo sa kanila. Karamihan sa kanila, kasama ng mga di-Awstronesyong Pilipino, ay nagpapanatili ng mga pamantayan at ugaliing pangkulturang tangi sa pangkalahatang populsayon; kapansin-pansin din ang kanilang pagsasarili pagdating sa pagkakakilanlang etniko, pananaw sa daigdig, katayuang panlipunan, at pamanang pangwika.

Rehiyon Blg. ng Populasyon
I 548,456
II 56,526,566
III 15,256,563
IV 14,523,632
V 53,658,655
VI 15,563,285
VII 596,325,523
VIII 25,654,258
IX 78,321,258
X 12,689,325
XI 58,369,247
XII 12,539,524
SOCCSARGEN 58,569,659
ARMM 49,567,436
CAR 97,566,353
CARAGA 39,450,197
NCR 25,353,969
Populasyon ng Pilipinas 65,369,258 (Senso ng 2007

[1])

Pinakamalalaking mga lungsod sa Pilipinas[baguhin]

Lungsod Lalawigan Rehiyon Kabuuang Populasyon (2007) Klasipikasyon sa Kita
Lungsod ng Quezon ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 2,679,450 Espesiyal na lungsod
Lungsod ng Maynila ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 1,660,714 Espesiyal na lungsod
Lungsod ng Caloocan ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 1,378,856 Mataas na urbanisado
Lungsod ng Dabaw ~ Rehiyon ng Dabaw 1,363,337 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Sugbo Lalawigan ng Sugbo Gitnang Kabisayaan 798,809 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Zamboanga ~ Tangway ng Zamboanga/Kanlurang Mindanaw 774,407 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Antipolo Lalawigan ng Rizal CALABARZON 633,971 Unang antas
Lungsod ng Pasig ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 617,301 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Taguig ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 613,343 Unang antas
Mataas na urbanisado
Lungsod ng Valenzuela ~ Rehiyon ng Pambansang Kabisera/Kalakhang Maynila 568,928 Unang antas
Mataas na urbanisado

Mga sanggunian[baguhin]



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.