Derbe

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Derbe ay isang sinaunang lungsod na nasa loob ng pangkasalukuyang Turkiya. Ang lungsod na ito ay nabanggit sa aklat ng Bibliya na Mga Gawa ng mga Apostol - (Mga Gawa 14:6; Mga Gawa 16:1) at nakalagak na malapit sa sinaunang Lystra (Listra).[1]

Lokasyon[baguhin]

Bagaman isa pa ring paksa ng kontrobersiya, ang pinaka malamang na pook ng Derbe ay nakahimlay sa humigit-kumulang na 15 miles (24 km) sa hilagang hilaga-kanluran ng lungsod ng Karaman, Turkiya (sinaunang Laranda) na nasa ibabaw ng isang punso o tambak na nakikilala bilang ang Kerti Hüyük.[2][3][4] Mayroong mga simbahan ditong itinayo upang alalahanin ang pagdalaw ni San Pablo (Mga Gawa 14:20-21). Ang isang natatanging guho ng simbahan ay pinaniniwalaang naging ang tahanan ng panghuling Obispo ng Derbe noong humigit-kumulang sa AD 1001. Mayroong ilang mga barya at mga inskripsiyon ng Derbe ang umiiral pa.[5]

Kasaysayan[baguhin]

Noong sinaunang mga kapanahunan, ang Derbe ay isa sa ilang mga lungsod na Kristiyano, at ginamit bilang kanlungan para sa mga Kristiyanong naglalakbay. Ang simbahan nitong Kristiyano ay sinunog at pinatabunan ng Emperador ng Romang si Diocletiano ng isang bundok ng lupa noong Pag-uusig na Diocletiano (Persekusyong Diocletiano), isang kaganapang naganap bago ang taong 300 AD. Pagkaraan ng pagkawasak ng Derbe, nagkaroon ng malakihang paglisan ng populasyon. Maraming mga tao ang nagpunta sa kanlurang Europa, na humintil sa pangkasalukuyang Pransiya. Noong panahong ito nang ang apelyidong "Derbes" ay naipahayag na mayroong pahiwatig na kahulugang "tao mula sa Derbe". Ang pangalan ay ipinapahayag pa rin bilang isang apelyido magpahanggang sa kasalukuyang panahon.[kailangan ng sanggunian]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]


Mga koordinato: 37°26′20″N 33°09′50″E / 37.4388888889°N 33.1638888889°E / 37.4388888889; 33.1638888889