Diariong Tagalog

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sipi ng Diariong Tagalog

Ang Diariong Tagalog ay isang makabayang pahayagang nasa wikang Tagalog at Espanyol noong panahon ng pananakop ng España sa Pilipinas. Itinatag ito ni Marcelo del Pilar noong 1882 at tinustusan naman ni Francisco Calvo ang pagpapalimbag ng pahayagan.[1] Ang Diariong Tagalog ang unang naglathala ng mga kaisipang nag-uudyok ng reporma sa pamahalaan at tumuligsa rin sa pang-aabuso ng mga prayle. Tumagal lamang ng limang buwan ang pahayagan magmula nang lumabas ang unang sipi nito noong Hulyo 1 ng natura ring taon.[2]

Sanggunian[baguhin]

  1. Almario, Virgilio S., ed. Filway's Philippine Almanac. First ed. Quezon City: Filway Marketing, 1992. (Ingles)
  2. Kintanar, Thelma B. Cultural Dictionary for Filipinos. Second ed. Quezon City: UP, Kalayaan College and Anvil, 2009. (Ingles)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.