Dionysos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Dionysus (paglilinaw).
Dionysus
2nd century Roman statue of Dionysus, after a Hellenistic model (ex-coll. Cardinal Richelieu, Louvre)[1]
Diyos ng alak, pagsasaya, teatro at ekstasiya
Tahanan Bundok Olympus
Simbolo Thyrsus, grapevine, balat ng leopardo, panther, tigre, leopardo
Konsorte Ariadne
Mga magulang Zeus at Semele
Bundok Bundok Olympus
Katumbas na Romano Bacchus, Liber

Sa mitolohiyang Griyego, si Dioniso, Dionysos, o Dionysus ang itinuturing na diyos ng alak at diyos ng mga baging. Anak na lalaki siya ni Zeus kay Semele, isang babaeng tao. Si Dionisio ang huling diyos na pumasok at nanirahan sa Bundok ng Olimpo. Kilala siya sa mitolohiyang Romano bilang si Baco o Bacchus.[2][3]

Paglalarawan[baguhin]

Bilang diyos ng alak, nagagawa niyang maging masiyahin ang tao sa pamamagitan ng pag-aalok at pagpapainom ng alak. Ngunit nagagawa niya ring mabangis ang tao dahil sa pagkalasing. Dahil sa kanyang mga inumin, nabibigyan niya ng tapang ang tao, gayundin ng kakayahang makagawa ng nakatatakot na mga bagay. Iniaalay ang ilan sa mga sinaunang drama para sa kanya, dahil nakapagbibigay din siya sa tao ng malikhaing inspirasyon.[3]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Another variant, from the Spanish royal collection, is at the Museo del Prado, Madrid: illustration.
  2. Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya. (2005). "Dionysos, Bacchus". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907., pahina 107.
  3. 3.0 3.1 "Dionysus, God of the Vines, God of Wine". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., pahina 360.


MitolohiyaGresyaRoma Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya, Gresya at Roma ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.