Don Walsh

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Don Walsh at si Jacques Piccard habang nakalulan sa Bathyscaphe Triste.

Si Don Walsh (ipinanganak noong Nobyembre 2, 1931) ay isang Amerikanong osyanograpo at manggagalugad. Noong Enero 23, 1960, na kapiling si Jacques Piccard, naabot niya ang pinakamalalim na dako sa lahat ng mga karagatan ng buong mundo, ang kailaliman ng Trintsera ng Mariana (Lumbak ng Mariana). Nagtagal sila ng 20 mga minuto sa ilalim, ngunit hindi nila nagawang makakita ng anumang bagay dahil sa nagambalang putik ng sasakyang bathyscape.[1] Sila lamang ang dalawang mga taong nakagawa nito hanggang sa pagsapit ng Marso 26, 2012, nang naarok ni James Cameron ang kailaliman.[1] Naiulat na si Don Walsh ay nasa pangkat na nangasiwa sa paglalakbay ni Cameron. Ang naitalang lalim ay 35,798 ft (10,911 m).

Mga sanggunian[baguhin]


Talambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.