Doppelganger

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang doppelganger /do–pel–ga–nger/ (sa German: doppelgänger na ibig sabihin ay "kadobleng naglalakad") ay isang kababalaghan kung saan ang isang taong nabubuhay ay may mala-multong kapareho[1] na karaniwang tinataglay ang kasalungat o masama nitong ugali. Sa kasalukuyang gamit, ito ay tumutukoy sa isang tao na may kamukha o kaya'y kapag naaaninagan ang sarili sa gilid ng kanyang paningin, kung saan ito'y imposibleng maging sariling repleksiyon lamang.

Sa ibang kultura, pinaniniwalaan naghahatid ng kamalasan o naghuhudyat ng karamdaman o panganib ang doppelganger kapag nakita ito ng nakakikilala rito, samantalang pangitain naman ng kamatayan kapag nakita ng sarili ang kanyang doppleganger.[2]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. doppelgänger. Merriam-Webster.[1]. Hinango 2011-10-03. (Ingles)
  2. Doppelgangers. Monstrous.com. [2]. Hinango 2011-10-03. (Ingles)