Pumunta sa nilalaman

Dyesebel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dyesebel (1953))
Dyesebel
Isang pagsasalarawan ni Dyesebel.
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaPilipino Komiks
Unang paglabasPilipino Komiks #1 (1952)
TagapaglikhaMars Ravelo
Impormasyon sa loob ng kwento
EspesyeSirena
Kasaping pangkatDarna
KakampiFredo
KakayahanNabubuhay sa ilalim ng dagat.

Dyesebel (pagbigkas sa Tagalog: [dʒɛˈsebɛl]) ay isang karakter sa komiks mula sa Pilipinas na halaw sa sirena ng mitolohiya. Unang nilikha ang karakter ni Mars Ravelo at ginuhit ni Elpidio Torres. Nagawa din ang Dyesebel bilang karakter sa pelikulang Pilipino at gayun din sa telebisyon.[1] Baha-bahagi itong nilathala sa Pilipino Komiks noong 1952 hanggang 1953, at naisapelikula sa parehong taon na ito'y natapos sa komiks. Ginawa ang pelikula sa ilalim ng Manuel Vistan Productions, Inc. at nilabas sa pamamagitan ng Premiere Productions. Dinirihe ito ni Gerardo "Gerry" De Leon.[2][3]

Lumabas din ang Dyesebel sa Kampeon Komiks noong 1975. Iba't ibang mga pelikula at palabas telebisyon ang nagawa patungkol kay Dyesebel. Ilan lamang sa mga gumanap bilang Dyesebel sa pelikula ay sina Eva Montes, Edna Luna (1953), Vilma Santos (1973), Alma Moreno (1978), Alice Dixson (1990), at Charlene Gonzales (1996). Sa telebisyon, ginampanan naman ito nina Marian Rivera (2008) at Anne Curtis (2014).

Mga pelikula tungkol kay Dyesebel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]