E. Nesbit

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Edith Nesbit.

Si Edith Nesbit (15 Agosto 1858 – 4 Mayo 1924), na naging Edith Bland nang magkaasawa, ay isang Inglesang awtora, nobelista[1], at makata. Nalimbag ang kanyang mga aklat-pambata sa ilalim ng pangalang E. Nesbit. Nagsulat siya at nakipagtulungan sa pagsusulat ng mahigit sa 60 mga aklat na pampanitikang pambata, na naging mga pelikula at mga palabas sa telebisyon ang ilan. Isa rin siyang aktibistang pampulitika at isa sa mga tagapagtatag ng Samahang Fabiano, ang ninuno ng modernong Partidong Pangmanggagawa sa Nagkakaisang Kaharian.

Talambuhay[baguhin]

Ipinanganak si Nesbit sa Londres.[1]

Bilang manunulat[baguhin]

Bilang manunulat ng mga kuwentong pambata, tinanggihan niya ang tanyag na gawi ng pagbibigay ng leksiyong moral; at lumikha siya ng kapanipaniwalang mga tauhan para sa mga kalagayan o sitwasyong batay o nakaakma sa tunay na buhay.[1]

Mga akda[baguhin]

Kabilang sa kanyang mga inakdaan ang The Treasure Seekers, The Bastable Children, at ang The Would-be Goods.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Edith Nesbit". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa titik na N, pahina 438.

Mga kawing palabas[baguhin]

Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito:



TalambuhayPanitikanNagkakaisang Kaharian Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Nagkakaisang Kaharian ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.