Eat Bulaga!

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Eat Bulaga!
250px
Eat Bulaga!
Uri Variety, Game Show, Comedy
Gumawa Television and Production Exponents (TAPE) Inc.
Nagsaayos TAPE Inc.
Direktor Bert de Leon
Poochie Rivera
Mark A. Reyes V (tuwing Sabado)
Pinangungunahan ni Tito Sotto
Vic Sotto
Joey de Leon
at iba pa
Pambungad na tema Eat Bulaga! Theme Song
Bansang pinagmulan Pilipinas
Wika Tagalog at Ingles
Paggawa
Gumawang tagapagpaganap Antonio P. Tuviera
Malou Choa-Fagar
Gumawa Antonio P. Tuviera
Lokasyon GMA Broadway Centrum (New Manila, Quezon City)
Oras ng pagpapalabas 2.5 na oras (Lunes - Biyernes)
3 oras (Sabado)
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilan RPN(1979-1989)
ABS-CBN(1989-1995)
GMA Network(1995-present)
Banghay ng larawan 480i SDTV
Orihinal na pagtakbo 30 Hulyo 1979 – kasalukuyan
Mga ugnay
Opisyal na websayt

Ang Eat Bulaga! ay isang palabas pantelebisyon sa Pilipinas na ginawa ng Television And Production Exponents Inc. (TAPE) ni Malou Fagar at Tony Tuviera. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal na palabas na sari-sari (variety show) sa telebisyon sa Pilipinas. Hinahawakan din nito ang tala ng bilang ng mga buhay na mga kabanata sa telebisyon sa lahat ng panahon sa Pilipinas.

Ito ay ipinapalabas tuwing tanghaling tapat, anim na araw isang linggo. Ang kanilang istudyo ay nasa Broadway Centrum, New Manila, Lungsod Quezon (malapit sa San Juan, Kalakhang Maynila).

Kasaysayan ng Eat Bulaga![baguhin]

Nagsimula ang Eat Bulaga! noong 30 Hulyo 1979 sa Radio Philippines Network na matatagpuan sa Broadcast City, Diliman, Lungsod Quezon. Kinuha ang tatlong komedyanteng sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at si Chiqui Hollman. Napasama din dito si Coney Reyes na galing sa Student Canteen ng GMA Network.

Tema ng Eat Bulaga![baguhin]

Eat Bulaga logo noong 2001-2003

Ang orihinal na tema ay nagsimula noong 1979 at isinulat ni Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at inayos ni Homer Flores. Nang sumali si Aiza Seguerra sa palabas noong 1988 at nalipat sa ABS-CBN noong 1989, ang ikalawa at ikatlong linya ng ikalawang saknong ay naging "Si Aiza at si Coney/Silang lahat ay nagbibigay". Ang ikalawa at ikatlong linya ng saknong ay ginagamit pa rin kahit na si Coney ay umalis sa palabas noong 1991 at may kaunting artista na nadagdag tulad ni Jimmy Santos, Christine Jacob, Ruby Rodriguez, Lady Lee at si Rio Diaz ay madagdag sa mga tauhan sa palabas ng "Bulaga".

Nung ang Eat Bulaga! ay nalipat sa GMA noong 28 Enero 1995, pinalitan ang ikalawang linya sa ikalawang saknong at tinanggal ang pangalan ni Aiza at Coney sa liriko, at sa tugon sa lumalaking grupo ng Eat Bulaga. Ganito ang naging linya: "Barkada'y dumarami". Gayon man noong 2003, pinalitan ang linya ng SexBomb Girls ay gumawa ng sariling salin ng ng tema ng Eat Bulaga!. Ang linya ay naging "Buong tropa ay kasali". Noong ika-25 taong annibersaryo noong 2004, umaawit lahat ang naging kasapi Eat Bulaga! at ang linyang "Barkada'y dumarami" ang isinama sa liriko.

Pinangungunahan nina[baguhin]

Co-Hosts[baguhin]

Kasama sila[baguhin]

  • EB Babes (2006-present)
  • Ha & Ho (2007-present)
  • Boom Boom Pow Boys (2009-Present)
  • Boy Katawan (2011-present)
  • Mr. Pogi Hunks/Heartthrobs (2012-present)

Dating mga Tagapag-Aliw[baguhin]

SexBomb Girls[baguhin]

  • Grace Nera
  • Mhyca Bautista
  • Louise Bolton
  • Jovel Palomo
  • Danielle Ramirez
  • Mia Pangyarihan
  • Jacky Rivas
  • Cherry Ann Rufo
  • Aifha Medina
  • Sunshine Garcia
  • Johlan Veluz
  • Cynthia Yapchiongco

EB Babes[baguhin]

  • Marbelynne "Belle" Rivera
  • Kimberly "Kim" Guevarra
  • Mergene Maranan
  • Madelyn "Madel" Palma
  • Mae dela Cerna
  • Rochelle "Angel" Coronel
  • Saida Diola
  • Ann Boleche
  • Lian Paz
  • Joanna "Joyce" Burgos

Boom Boom Pow Boys[baguhin]

  • Ryan
  • Sky
  • Anthony
  • Micheal
  • Dominic
  • Deney

Ang kontrobersiyal na pagtatalo ng Sexbomb Girls 2006 at Eat Bulaga![baguhin]

Ang SexBomb Girls ay isang grupo ng mga kababaihan na sumikat sa pagsasayaw. Noong Marso 2006, sila ay natanggal sa palabas dahil sa pagtatalo ng manidyer at ng mga prodyuser.

Ang mga Sexbomb Girls ay naghimagsik at umalis sa show ng Eat Bulaga nung ang isang producer ng palabas ay kinuha ang miyembrong si (Sugar) at itinaguyod siya sa mataas na posisyon. Si Manedyer Joy Cancio ay nagpasya na tanggalin ang sikat na babae sa grupo nila at nagprotesta din sa palabas. At tinanggal din ng mga prodyuser ang grupo sa Eat Bulaga!, marahil dahil sa usapan sa sahod.

At ang resulta, ang mga midya ay nag-ulat na binayaran ang SexBomb Girls ng kalabang estasyon na ABS-CBN para sumayaw sa kanilang palabas sa tanghali na Wowowee, pero si Cancio ay tumanggi na mali ang sinasabi ng midya dahil mayroon pa ring mahabang kayarian ang kontrata nila sa GMA Network, lalo na sa kanilang palabas sa hapon na Daisy Siete.

Ang prodyuser ng Eat Bulaga ay tinanggap ang tekstong paumanhin ni Cancio, pero sinabi niya din noong oras na iyon na tama ang din ang kanilang ginawa. Ang Sexbomb Girls ay ayaw bumalik sa Eat Bulaga kaya pinalitan ng EB Babes.

Ang pagbabalik ng Sexbomb[baguhin]

Noong 16 Disyembre 2006 ang grupong Sexbomb Girls ay muling lumabas sa Eat Bulaga! sa unang pagkakataon pagakapos ng siyam na buwan habang ang bahagi ng "Give Love on Christmas Day" ay inilalabas at maganda ang kanta at ang sayaw na kanilang ginawa. Ang dating Sexbomb na si Sugar Mercado ay sumali sa kanila sa pagsayaw at ang ibang mga namumuno ng Eat Bulaga ay masaya na makita ulit silang sumayaw. Ito ay nagsasaad na ang problema sa pagitan ng grupo at ng palabas ay tapos na.

Ang hidwaan sa pagitan ng manedyer ng Sexbomb Girls at ng taga-pamahala ng palabas ang nagbigay ng daan upang magdesisyong ang huli na bumuo ng panibagong grupo ng mga kababaihan, ang EB Babes. Ang grupo ay binuo upang punan ang naiwang puwesto ng Sexbomb Girls sa programa. Isang patimpalak upang maghanap ng mga kabataang may angking talento ang isinagawa sa programa, ang mga nagwagi ay binigyan ng kontrata ng estasyon at ngayon ay bahagi na ng naturang palabas.

Mga kasalukuyang Bahagi[baguhin]

  • PNV: Pambato ng Videoke
  • Kaliwa o Kanan? Wave! Wave! Wave! Win! Win! Win
  • Pamilyang Pinoy Henyo
  • Pinoy Henyo High
  • Juan for All, All for Juan: Bayanihan of d' Pipol
  • Barangay Bayanihan
  • Bulagaan
  • EB Concert Stage

Mga parangal[baguhin]

  • Panalo, Best Variety Show - PMPC Star Awards for Television (1989-2009)
  • Panalo, Best Entertainment Program Winner "Eat Bulaga Silver Special" - 2005 Asian Television Awards sa Singapore

Tingnan din[baguhin]

Mga ibang tulay[baguhin]