Ebolusyon ng tao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ebolusyong pantao)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pagpapakita ng mga pagkakatulad ng mga bakulaw at ng tao.

Ang ebolusyon ng tao o ebolusyong pantao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng mga modernong tao. Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasakop lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang henus na Homo at sa paglitaw ng homo sapiens bilang natatanging species ng mga hominid(dakilang bakulaw). Ang pag-aaral nito ay kinabibilangan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang pisikal na antropolohiya, primatolohiya, arkeolohiya, embryolohiya at henetika. Ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa Silangang Aprika kung saan ang modernong tao ay nagebolb.[1][2][3][4][5]

Mga nilalaman

Kasaysayan ng pag-aaral [baguhin]

Bago ng kapanahunan ni Darwin, si Carl Linnaeus at iba pang mga siyentipiko ay tumuring sa mga dakilang bakulaw o apes na mga pinakamalapit na kamag-anak ng mga tao dahil sa mga pagkakatulad sa morpolohiya at anatomiya. Ang salitang homo na pangalan ng genus sa biolohiya na kinabibilangan ng mga tao ay salitang Latin para sa tao. Ito ay orihinal na pinili ni Linnaeus sa kaniyang sistema ng klasipikasyon. Ang salitang "human" ay mula sa Latin na humanus na anyong pang-panguri ng homo. Ang salitang homo naman ay hinango sa ugat na Indo-Europeo na *dhghem, o lupa. Ang posibilidad ng pag-uugnay ng mga tao sa mga mas naunang bakulaw o apes sa pamamagitan ng pinagmulan ay naging maliwanag lamang pagkatapos ng publikasyon noong 1859 ni Darwin ng On the Origin of Species (Sa Pinagmulan ng mga Espesye). Ang unang mga debate tungkol sa kalikasan ng ebolusyon ng tao ay lumitaw sa pagitan nina Thomas Huxley ay Richard Owen. Nangatwiran si Huxley para sa ebolusyon ng tao mula sa mga bakulaw o apes sa pamamagitan ng pagpapakita ng maraming mga pagkakatulad sa pagitan ng mga tao at bakulaw sa kanyang 1863 na aklat na Evidence as to Man's Place in Nature (Patunay sa Puwesto ng Tao sa Kalikasan). Gayunpaman, ang maraming mga sinaunang tagasuporta ni Darwin (gaya nina Wallace at Lyell) ay hindi umayon na ang pinagmulan ng mga kakayahang pang-isip at mga sensibilidad na moral ng mga tao ay maipapaliwanag ng natural na seleksiyon. Inilapat ni Darwin ang kanyang teoriya ng ebolusyon at seksuwal na seleksiyon sa mga tao nang kanyang ilimbag ang The Descent of Man (Ang Pinagmulan ng Tao) noong 1871. Ang isang pangunahing problema sa panahong ito ang kakulangan ng mga pagitang posil. Sa kabila ng pagkakatuklas noong 1891 ni Eugène Dubois ng Homo erectus sa Haba, noon lamang mga 1920 nang ang mga fossil ay natuklasan sa Aprika at ang mga pagitang espesye ay natipon. Noong 1925, inilarawan ni Raymond Dart ang Australopithecus africanus. Ang type specimen nito ang batang taong sanggol. Ang mga labi nito ay isang mahusay na naingatang munting bungo at endocranial na cast ng utak.

Bagaman ang utak ay maliit, ang hugis ay bilugan hindi tulad ng mga chimpanzee at gorilya at mas tulad ng utak ng tao. Ang specimen na ito ay nagpapakita rin ng maikling ngiping canine at ang posisyon ng foramen magnum ay ebidensiya ng lokomosyong bipedal. Ang lahat ng mga katangiang ito ay kumumbinsi kay Dart na ang taung baby ay isang bipedal na ninuno ng tao na isang anyong transisyonal sa pagitan ng mga bakulaw at tao. Noong mga 1960 at 1970, ang daang daang fossil ay natagpuan partikular na sa Silangang Aprika sa mga rehiyon ng Olduvai gorge at Lake Turkana. Noong mga 1980, ang Ethiopia ay lumitaw na mainit na lugar ng paleoantropolohiya kung saan si "Lucy" na pinakakompletong kasapi ng Australopithecus afarensis ay natagpuan. Ang lugar na ito ang naging lokasyon ng maraming mga natuklasang fossil na hominin noong mga 1990 gaya ng Ardipithecus ramidus.

Ang rebolusyong henetiko sa mga pag-aaral ng ebolusyon ay nagsimula nang sukatin nina Vincent Sarich at Allan Wilson ang lakas ng immunological cross-reactions ng blood serum albumin sa pagitan ng mga pares ng mga species kabilang ang mga tao at aprikanong bakulaw. Ang lakas ng reaksiyon ay maihahayag ng numerikal bilang distansiyang immunological na proporsiyonal sa bilang ng pagkakiba ng asidong amino sa pagitan ng mga homologous proteins sa iba't ibang espesye. Sa paglikha ng isang calibration curve ng ID ng mga pares ng species na may alam na panahon ng paghihiwalay sa fossil record, ang data ay magagamit bilang isang orasang molekular upang tantiyahin ang mga panahon ng paghihiwalay ng mga pares ng mababang uri o hindi alam na mga fossil. Sa kanilang papel noong 1967 sa magasing Science, sina Sarich at Wilson ay nagbigay ng estimasyon ng paghihiwalay ng mga tao at bakulaw na apat hanggang limang milyong mga taong nakakalipas. Ang paglalapat ng orasang molekular ay nagpabago sa pag-aaral ng ebolusyong molekular. Ang ebidensiya ng ebolusyon ng tao ay batay sa maraming mga larangan ng natural na agham. Ang pangunahing mga pinagkukunan ng kaalaaman sa prosesong ebolusyon ay tradisyonal na fossil record ngunit sa simula ng pag-unlad ng henetika noong mga 1970, ang mga analysis ng DNA ay nagkaroon ng katumbas na kahalagahan. Ang pag-aaral ng ontoheniya (ontogeny), piloheniya (phylogeny) at biyolohiyang ebousyonaryong pampagpapaunlad (evolutionary developmental biology) sa parehong mga may-gulugod (vertebrate) at invertebrate ay nagbibigay ng mahalagang kabatiran sa ebolusyon ng lahat ng buhay kabilang ang ebolusyon ng tao.

Ebolusyon ng tao [baguhin]

Fossil Hominid Evolution Display sa The Museum of Osteology, Oklahoma City, Oklahoma, USA

Ang mga primado ay humiwalay mula sa ibang mga mamalya noong mga 85 milyong taong nakakalipas. Ang pinakamaagang mga fossil nito ay mula 55 milyong taong nakakalipas. Ang Hominidae ay humiwalay sa Hylobatidae 15-20 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae ay humilaway mula sa Hominidae. Ang pinakamaagang hominin na bipedal ang Sahelanthropus o Orrorin. Ang Ardipithecus ang kalaunang unang buong bipedal na hominin. Ang gorilya at chimpanzee ay naghiwalay noong 4-6 milyong taong nakakalipas at ang Sahelanthropus o Orrorin ang pinagsasaluhang ninuno ng mga tao, gorilya at chimpanzee. Ang mga sinaunang bipedal ay nagebolb sa mga Australopithecines at kalaunan ay sa genus na Homo. Ang pinakamaagang kasapi ng Homo ang homo habilis na nagebolb noong mga 2.3 milyong taong nakakalipas. Ang homo hablis ang unang species na gumamit ng mga kasangkapang bato. Sa sumunod na mga milyong taon, ang proseso ng ensepalisasyon ay nagsimula sa paglitaw ng Homo erectus. Ang homo erectus at homo ergaster ang unang mga hominina na lumisan sa Aprika. Ang mga ito ay kumalat sa Aprika, Asya at Europa sa pagitan ng 1.3 hanggang 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang mga ito ang pinaniniwalaang ang mga species na unang gumamit ng apoy at mga komplikadong kasangkapan. Ayon sa Recent African Ancestry theory, ang mga modernong tao ay nagebolb sa Aprika at posibleng mula sa Homo heidelbergensis at lumisan sa kontinenteng Aprika noong 50,000 hanggang 100,000 taong nakakalipas. Ang mga ito ang pumalit sa mga lokal na populasyon ng homo erectus at Homo neanderthalensis. Ang mga sinaunang homo sapiens na nauna sa mga modernong tao ay nagebolb sa pagitan ng 400,000 at 250,000 taong nakakalipas. Ang mga modernong tao ay nagebolb mula sa mga sinaunang tao mga 200,000 taong nakakalipas. Ang paglipat tungo sa pag-aasal na moderno ay nangyari pagkatapos nito. Ang tumaas na sopistikasyon ng paggawa ng kasangkapan at pag-aasal ay mula 80,000 taong nakakalipas. Ang buong modernong pag-aasal na kinabibilangan ng sining, musika, paghihiyas sa sarili, kalakal, mga libingang ritwal at iba pa ay ebidente noong 30,000 taong nakakalipas. Ang pinakamatandang mga halimbawa ng mga prehistorikong sining gaya ng mga pigurinang Venus at pagpipinta sa kweba sa kwebang Chauvet ay pinetsahan sa panahong ito.[6]

Mga genus [baguhin]

Genus Australopithecus [baguhin]

Rekonstruksiyon ng babaeng Australopithecus afarensis

Ang genus na Australopithecus ay nagebolb sa silangang Aprika noong mga 4 milyong taong nakakalipas bago kumalat sa kontinente. Ito ay naging ekstinkt noong 2 milyong taong nakakalipas. Sa panahon ng pag-iral nito, ang iba't ibang mga anyo nito ay lumitaw kabilang ang Australopithecus anamensis, Australopithecus afarensis, Australopithecus sediba, at Australopithecus africanus. Ang fossil record ay tila nagpapakita na ang Australopithecus ang karaniwang ninuno ng natatanging pangkat ng mga hominid na tinatawag ngayong Paranthropus(ang matipunong australopith) at pinakamalamang ng genus na homo na kinabibilangan ng mga modernong tao. Bagaman ang katalinuhan ng mga sinaunang hominid na ito ay malamang na hindi mas sopistikado kesa sa mga modernong bakulaw, ang stature na bipedal nito ang mahalagang ebidensiya na nagtatangi ng pangkat na ito mula sa mga nakaraang primado na mga quadruped.

Genus Homo [baguhin]

Ang homo sapiens(modernong tao) ang tanging kasalukuyang umiiral na species ng genus na homo. Bagaman ang ilang mga species ng genus na homo ay maaaring mga ninuno ng homo sapiens, ang marami sa mga ito ay malamang na mga pinsan ng homo sapiens na kapwa humiwalay sa linya na pang-ninuno. Ang homo habilis na itinuturing na unang kasapi ng genus na Homo ay maaaring nagpalitaw sa homo ergaster. Gayunpaman, ito ay pinagtatalunan dahil ang ilang mga natuklasang fossil ay nagmumungkahi na ang parehong species ay sabay nabuhay.[7] Ang ilang homo ergaster ay lumipat sa Asya kung saan ang mga ito ay pinangalanang homo erectus at sa Europa na homo georgicus. Ang homo ergaster ay pinaniniwalaang humiwalay mula sa homo habilis sa pagitan ng 1.9 at 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang linya na lumisan sa Aprika at ninuno ng homo erectus ay humiwalay mula sa linya ng homo egaster. Ang homo ergaster sa Aprika at ang homo erectus sa Eurasya ay nagebolb nang hiwalay sa halos 2 milyong mga taon at pinagpapalagay na naghiwalay sa dalawang magkaibang species. Ang homo rhodosiensis na nagmula sa homo ergaster ay lumipat mula sa Aprika tungo sa Europa at naging homo heidelbergensis at kalaunan noong mga 250,000 taong nakakalipas sa homo neanderthalensis at denisova hominin sa Asya. Ang unang homo sapiens na mga inapo ng homo rhodisiensis ay lumitaw sa Aprika noong mga 250,000 taong nakakalipas. Noong mga 100,000 taong nakakalipas, ang ilang homo sapiens sapiens ay lumisan sa Aprika tungo sa levant at nakatagpo ang mga homo neanderthalis na may ilang mga admixture. [8] Kalaunan noong mga 70,000 taong nakakalipas marahil pagkatapos ng katastropiyang Toba, ang isang maliit na pangkat ay lumisan sa levan at pumuno sa Eurasya, Australya at kalaunan ay sa mga Amerika. Ang isang subgrupo ng mga ito ay nakatagpo ang mga denisovan[9] at pagkatapos ng karagdagang admixture, ay tumira sa Melanesia. Sa scenario na ito, ang mga hindi Aprikanong taong nabubuhay sa kasalukuyan ay halos may pinagmulan sa Aprika. Gayunpaman, may ilang admixture ang mga tao sa mga neanderthal at denisovan na nagebolb ng lokal. Ang resulta ng pag-aaral ng genome ay nagpapakita na noong mga 30,000 taong nakakalipas, ang tatlong mga pangunahing subspecies ng genus na homo ay sabay umiral: ang mga denisovan, ang mga neanderthal at ang mga anatomikal na modernong tao.[10] Ngayon, ang tanging H. sapiens sapiens ang tanging species na natitira ng genus na ito.

Paghahambing na talaan ng mga species ng genus na Homo
Species Nabuhay (milyong taong nakakalipas) Lugar kung saan nabuhay Taas ng matanda Masa ng matanda Cranial capacity (cm³) Fossil record Pagkakatuklas/ publikasyon ng pangalan
Denisova hominin 0.04 Altai Krai 1 site 2010
H. antecessor 1.2 – 0.8 Spain 1.75 m (5.7 ft) 90 kg (200 lb) 1,000 2 sites 1997
H. cepranensis 0.5 – 0.35 Italy 1,000 1 skull cap 1994/2003
H. erectus 1.8 – 0.2 Africa, Eurasia (Java, China, India, Caucasus) 1.8 m (5.9 ft) 60 kg (130 lb) 850 (early) – 1,100 (late) Many 1891/1892
H. ergaster 1.9 – 1.4 Eastern and Southern Africa 1.9 m (6.2 ft) 700–850 Many 1975
H. floresiensis 0.10 – 0.012 Indonesia 1.0 m (3.3 ft) 25 kg (55 lb) 400 7 individuals 2003/2004
H. gautengensis >2 – 0.6 South Africa 1.0 m (3.3 ft) 1 individual 2010/2010
H. habilis 2.3 – 1.4 Africa 1.0–1.5 m (3.3–4.9 ft) 33–55 kg (73–120 lb) 510–660 Many 1960/1964
H. heidelbergensis 0.6 – 0.35 Europe, Africa, China 1.8 m (5.9 ft) 90 kg (200 lb) 1,100–1,400 Many 1908
H. neanderthalensis 0.35 – 0.03 Europe, Western Asia 1.6 m (5.2 ft) 55–70 kg (120–150 lb) (heavily built) 1,200–1,900 Many (1829)/1864
H. rhodesiensis 0.3 – 0.12 Zambia 1,300 Very few 1921
H. rudolfensis 1.9 Kenya 700 2 sites 1972/1986
H. sapiens idaltu 0.16 – 0.15 Ethiopia 1,450 3 craniums 1997/2003
H. sapiens sapiens (modern humans) 0.2 – present Worldwide 1.4–1.9 m (4.6–6.2 ft) 50–100 kg (110–220 lb) 1,000–1,980 Still living —/1758

Paglisan ng mga modernong tao mula sa Aprika [baguhin]

Ang kanyang pakikipag-ugnayan sa mga katutubo ng Tierra del Fuego sa Paglalakbay ng Beagle ay nagpaniwala kay Darwin na ang sibilisasyon o kabihasnan ng tao ay nagebolb sa paglipas ng panahon mula sa isang mas primitibong estado.
Pagtawid sa Pulang Dagat

Sa kanyang aklat na Descent of Man, and Selection in Relation to Sex, iminungkahi ni Darwin ang mga tao ay nagmula sa mga bakulaw o apes na may mga maliliit pa ring mga utak ngunit naglalakad ng patayo na nagpalaya sa mga kamay nito para sa mga paggamit na pumapabor sa katalinuhan. Ang paghulang ito ni Darwin ay nag-aangkin ng kabatiran dahil noong 1871, wala pang mga anumang fossil ng mga sinaunang hominid na nakuha. Pagkatapos ng halos 50 taon mula kay Darwin, ang mungkahi ni Darwin ay sinuportahan nang ang mga antropologo ay nagsimulang makapaghukay ng maraming mga fossil ng mga sinaunang may maliit na utak na mga hominid sa ilang mga lugar sa Aprika. Ito ay karagdagang sinuportahan sa pag-unlad ng henetika at sa pagkakatuklas noong mga 1980 na ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa isang babae(o Mitochondrial Eve na umiral sa Aprika) sa panig ng ina ng lahat ng mga tao.

Ang ebidensiyang fossil at henetika ay nagpapakita na ang mga sinaunang homo sapiens ay nagebolb tungo sa mga modernong tao sa Aprika sa pagitan ng 200,000 at 150,000 taong nakakalipas[11] . Ang mga kasapi ng isang sangay ng homo sapiens ay lumisan mula sa Aprika sa pagitan ng 125,000 at 60,000 taong nakakalipas at sa paglipas ng panahon ay pumalit sa mas naunang mga populasyon ng Neanderthal at Homo erectus.[12] Ang petsa ng pinakamaagang matagumpay na paglisan mula sa Aprika ay noong mga 60,000 taong nakakalipas. Ang dalawang mga piraso ng genome ng tao ay magagamit sa pagtukoy ng kasaysayan ng mga modernong tao: Ang mitochondrial DNA at Y chromosome Ang lahat ng mga taong nabubuhay ngayon ay nagmana ng parehong Mitochondria[13] mula sa isang babaeng tao na nabuhay sa Aprika noong mga 160,000 taong nakakalipas[14][15] na pinangalanang Mitochondrial Eve(walang kaugnayan sa Eba ng bibliya). Ang lahat ng mga nabubuhay na lalake ngayon ay nagmana ng mga Y chromosome mula sa lalakeng nabuhay noong 140,000 taong nakakalipas sa Aprika na pinangalanangY-chromosomal Adam(wala ring kaugnayan sa Adan ng bibliya). Ang unang linya na sumangay mula sa Mitochondrial Eve ang haplogroup na L0. Ang haplogroup na ito ay matatagpuan sa mga taong San at Sandawe ng Silangang Aprikan gayundin sa Mbuti.[16][17] Ang mga pangkat na ito ay sumanga sa simula ng kasaysayan ng mga modernog tao at nanatiling relatibong hiwalay ng henetikal mula nito. Ang inapo ng L1-6 ang mga haplogroup na L1, L2 at L3 at nakarestrikto sa Aprika. Ang mga makro haplogroup na M at N na mga linya ng iba pang populasyon ng daigdig sa labas ng Aprika ay nagmula sa L3. Ang mga mutasyon na naglalarawan ng makro haplogroup na CT (lahat ng mga haplogroup na Y maliban sa A at B) ay nauna sa paglisan mula sa Aprika. Ang inapong makro grupo nito ang DE na nakarestrikto sa Aprika. Ang mga mutasyon na nagtatangi ng haplogroup na C from sa ibang mga inapo ng CR ay nangyari noong mga 60,000 taong nakakalipas sa sandaling pagkatapos ng unang paglisan mula sa Aprika. Ang Haplogroup F ay nagmula noong mga 45,000 taong nakakalipas sa Hilagang Aprika o sa Timog Asya. Ang higit sa 90% ng lalake ngayong hindi katutubo sa Aprika ay direktang nagmula sa linyang lalake ng unang tagadala ng haplogroup F. Sa isang pag-aaral ng 53 populasyon mula sa data ng analysis ng malawakang genome na SNP at International HapMap Project (Phase II) at CEPH ay nagmumungkahi ang ang mga grupong populasyon ay nahuhulog lamang sa tatlong mga pangkat henetiko: Mga Aprikano, Eurasyano(na kinabibilangan ng mga katutubo ng Europa, Gitnang Silangan at Timog kanlurang Asya) at mga Silangang Asya(na kinabibilangan ng mga katutubo ng Asya, Hapon, Timog Silangang Asya, Amerika at Oceania)[18] [18][19] Natukoy ng pag-aaral na ang karamihan ng mga pagkakaiba sa pangkat etniko ay maituturo sa genetic drift. Ang mga modernong populasyon ng Aprika ang may pinakamalaking pagkakaiba sa henetiko at ang mga modernong Eurasyano ay medyo higit kesa mga modernong Silangang Asyano. [19] Ang pag-aaral ay nagmumungkahing ang natural selection ay maaaring humugis ng genome ng tao ng mas mabagal kesa sa nakaraang paniniwala at ang mga paktor gaya ng migrasyon sa loob at sa mga kontinente ay mas mabigat na nakaimpluwensiya sa distribusyon ng mga pagkakaibang henetiko.[20] Ang ilang mga siyentipiko ay naniniwala na ang tanging kaunting mga tao ang lumisan sa Aprika sa isang migrasyon na pumuno sa ibang mga lugar ng daigdig. Ito ay batay sa katotohanang ang tanging mga inapo ng haplogrop na L3 ang tanging matatagpuan sa labas ng kontinenteng Aprika. Tinatayang mula sa isang populasyon ng 2,000 hanggang 5,000 mga indibidwal sa Aprika, ang tanging isang maliit na pangkat na posibleng 150 hanggang 1,000 mga tao ay tumawid sa Pulang Dagat mula sa Ethiopia. Sa lahat ng mga linyang umiiral sa Aprika, ang tanging ang mga babaeng inapo ng isang linya na mtDNA haplogroup L3 ang matatagpuan sa labas ng Aprika. Ang mga babaeng inapo ng L3 na mga linyang haplogroup na M at N ay matatagpuan ng napakababang mga prekwensiya sa Aprika at lumilitaw na mga kamakailang pagdating. Ang isang posibleng paliwanag ay ang mga mutasyong ito ay nangyari sa Silangang Aprika sa sandaling bago ang paglisan mula sa Silangang Aprika at sa epektong tagapagtatag ay naging nananaig na mga haplogroup. Sa alternatibo, ang mga mutasyon ay maaaring lumitaw sa sandaling pagkatapos ng paglisan mula sa Aprika. Ang ibang mga siyentipiko ay nagmungkahi ng modelo ng dalawang mga paglisan mula sa Aprika. Ang modelong ito ay nagpapaliwanag kung bakit ang Haplogroup N ang nanaig sa Europa at kung bakit ang Haplogroup M ay hindi umiiral sa Europa. Sa alternatibo, ang isang maliit na tagapagtatag na populasyong Europeo na sa simula ay naghayag ng parehong mga Haplogroup M at N ay maaaring nawalan ng Haplogroup M sa pamamagitan ng random genetic drift na nagresulta mula sa isang bottleneck. Mula sa Malapit na Silangan, ang mga populasyong ito ay kumalat sa silangan tungo sa Timog Asya noong mga 50,000 taong nakakalipas at sa Australiya noong 40,000 taong nakakalipas. Ang Europa ay naabot ng Cro-Magnon noong mga 40,000 taong nakakalipas. Ang Silangang Asya(Korea, Hapon) ay naabot noong mga 30,000 taong nakakalipas. Ang Hilagang Amerika ay naabot noong mga 30,000 taong nakakalipas o kalaunan noong 14,000 taong nakakalipas. Ang pangkat na tumawid sa Pulang Dagat ay naglakbay sa kahabaan ng rutang baybayin sa baybayin ng Arabya at Persia hanggang maabot ang India na lumilitaw na unang pangunahing puntong tirahan. Ang haplogroup M ay matatagpuan ng mataas sa mga katimugang rehiyong baybayin ng Pakistan at India at may pinakamalaking pagkakaiba sa India na nagpapakita na ang mutasyon ay nangyari dito. Ang 60 porsiyento ng populasyon ng India ay kabilang sa haplogroup M. Ang mga katutubo ng islang Andamanese ay kabilang rin sa M. Ang mga Andamese ay pinaniniwalaang mga supling ng ilang pinakamaagang tumira sa Asya dahil sa mahabang isolasyon nito mula sa pangunahing lupain ng Asya. Ang mga ito ang ebidensiya ng rutang pangbaybayin. Dahil ang mga Andamanese at New Guinean ay may maitim na balat at may teksturang Aprikano ng buhok, ang mga siyentipiko ay naniniwala na ang lahat ng mga ito ay bahagi ng ilang mga lumisan mula sa Ethiopia at tumawid sa Pulang Dagat noong mga 60,000 taong nakakalipas. Mula sa Arabya tungo sa India, ang proporsiyon ng haplogroup M ay tumaas ng pasilangan. Sa silangang India, ang M ay mas madami sa N sa rasyo ng 3 sa 1. Ang M ay nananaig sa Timog Silangang Asya ngunit sa mga katutubong Australyano, ang N ay muling lumitaw bilang ang mas karaniwang linya. Ang mga hindi tuloy tuloy na distribusyon ng Haplogroup n mula sa Europa hanggang Australiya ay maipapaliwanag ng mga epektong tagapagtatag at mga bottleneck ng mga populasyon.

Kasalukuyang ebolusyon ng mga tao [baguhin]

Ang natural na seleksiyon ay nangyayari sa mga kasalukuyang modernong populasyon ng tao.[21] Halimbawa, ang populasyon na nanganganib sa malalang sakit na kuru ay may malaking sobrang representasyon ng anyo ng immune na prion protein gene G127V kesa sa hindi mga immune na allele. Ang prekwensiya ng mutasyon na ito ay sanhi ng survival ng mga taong immune.[22][23] Ang ibang mga direksiyong pang-ebolusyon sa ibang mga populasyon ng tao ay kinabibilangan ng paghaba ng panahong reproduktibo, pagbawas sa mga lebel ng cholesterol, blood glucose at blood pressure. [24] Ang Lactase persistence ang isang halimbawa ng kamakailang ebolusyon sa tao.

Mga pagkakaiba sa mga modernong tao [baguhin]

Ang mga kasalukuyang ebidensiyang henetiko at arkeolohikal ay sumusuporta na ang kasalukuyang nabubuhay na mga tao ay nag-ebolb sa Silangang Aprika.[25] Ang unang mga migrasyon mula sa Aprika ng mga tao ay noong mga 60,000 taong nakakalipas. Ang kasalukuyang mga pag-aaral sa henetika ay nagpapakita na ang mga tao sa kontinenteng Aprika ang may pinakamaraming pagkakaiba sa gene.[26] Gayunpaman, kung ikukumpara sa ibang mga dakilang bakulaw, ang mga sekwensiya ng gene ng tao ay magkakatulad.[27] Gayunpaman, may mahalagang pagkakaibang biolohikal sa mga homo sapiens. Ang mga katangian gaya ng kulay ng balat, kulay ng mata, kulay at tekstura ng buhok, taas at anyo ng katawan, at mga katangiang pang bungo ay iba iba sa buong mundo. Halimbawa, ang mga gene na nagsasanhi sa mga matandang tao na magdigest na lactose ay matatagpuan sa mga populasyon na may mahabang mga kasaysayan ng domestikasyon ng mga baka na nagmumungkahi na ang natural na seleksiyon ay pumabor sa gene na nakasalalay sa gatas ng baka. Ang ilang mga sakit na namamana sa gene gaya ng Sickle cell anemia ay madalas sa mga populasyon mula sa mga lugar na ang malaria ay endemiko sa buong kasaysayan. Ang mga populasyon na tumira sa mga spesipikong klima gaya ng arktiko o tropikal o matataas na altitudo ay mas malamang na magkaroon ng mga phenotye na mapapakinabangan sa pagtitipid ng enerhiya sa mga kapaligirang ito. Ang pagiging maliit at mataba sa mga malalamig na klima, ang pagiging matangkad at payat sa mga maiinit na rehiyon at ang mga may mataas na kakayahan ng baga sa mga matataas na altitudo. Ang pagkakaiba sa kulay ng balat ng mga tao ay nag-iiba iba na ang mga may mas matiim na balat ay nasa ekwador kung saan ang karagdagang proteksiyon mula sa araw ay nagbibigay ng kapakinabangang pang-ebolusyon. Ang mga may mas maputla o puting balat ay nasa mga taong nasa polo kung saan ang kaunting liwanag ng araw at ang mas maputlang balat ay nagpapabuti ng sintesis ng bitamina D.

Sanggunian [baguhin]

  1. Liu H, Prugnolle F, Manica A, Balloux F (August 2006). "A geographically explicit genetic model of worldwide human-settlement history". Am. J. Hum. Genet. 79 (2): 230–7. doi:10.1086/505436. . PMID 16826514. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=1559480. "Currently available genetic and archaeological evidence is generally interpreted as supportive of a recent single origin of modern humans in East Africa. However, this is where the near consensus on human settlement history ends, and considerable uncertainty clouds any more detailed aspect of human colonization history." 
  2. "This week in Science: Out of Africa Revisited". Science 308: 921. 2005-05-13. doi:10.1126/science.308.5724.921g. 
  3. Stringer C (June 2003). "Human evolution: Out of Ethiopia". Nature 423 (6941): 692–3, 695. doi:10.1038/423692a. PMID 12802315. 
  4. Johanson D. "Origins of Modern Humans: Multiregional or Out of Africa?". ActionBioscience. American Institute of Biological Sciences. http://www.actionbioscience.org/evolution/johanson.html. 
  5. "Modern Humans – Single Origin (Out of Africa) vs Multiregional". http://www.asa3.org/ASA/education/origins/migration.htm. 
  6. "Musical behaviours and the archaeological record: a preliminary study". http://www.mus.cam.ac.uk/~ic108/lithoacoustics/BAR2002/BARpreprint.pdf. 
  7. Spoor F, Leakey M.G, Gathogo P.N, Brown F.H, Antón S.C, McDougall I, Kiarie C, Manthi F.K. & Leakey L.N. (2007), "Implications of new early Homo fossils from Ileret, east of Lake Turkana, Kenya", Nature 448(7154): p. 688-691.
  8. Green RE, Krause J, et al. A draft sequence of the Neandertal genome. Science. 2010 May 7;328(5979):710-22. doi:10.1126/science.1188021 PMID 20448178
  9. ^ Reich D, Green RE, Kircher M, et al. (December 2010). "Genetic history of an archaic hominin group from Denisova Cave in Siberia". Nature 468 (7327): 1053–60. doi:10.1038/nature09710. PMID 21179161.
  10. Reich D ., et al. Denisova admixture and the first modern human dispersals into southeast Asia and Oceania. Am J Hum Genet. 2011 Oct 7;89(4):516-28, doi:10.1016/j.ajhg.2011.09.005 PMID 21944045.
  11. Reid GBR, Hetherington R (2010). The climate connection: climate change and modern human evolution. Cambridge, UK: Cambridge University Press. p. 64. ISBN 0-521-14723-9. http://books.google.com/books?id=AAja8FTPF6QC&pg=PA64. 
  12. Meredith M (2011). Born in Africa: The Quest for the Origins of Human Life. New York: PublicAffairs. ISBN 1-58648-663-2. http://books.google.com/books?id=WrR9OShae2wC&pg=PT148. 
  13. Jones, Marie; John Savino (2007). Supervolcano: The Catastrophic Event That Changed the Course of Human History (Could Yellowstone be Next?). Franklin Lakes, NJ: New Page Books. ISBN 1-56414-953-6. http://books.google.ca/books?id=tSIa0VQn1NQC&lpg=PA138&dq=all%20%20people%20alive%20today%20have%20inherited%20the%20same%20Mitochondria&pg=PA138#v=onepage&q&f=true. 
  14. Cann RL, Stoneking M, Wilson AC (1987). "Mitochondrial DNA and human evolution". Nature 325 (6099): 31–6. Bibcode 1987Natur.325...31C. doi:10.1038/325031a0. PMID 3025745. 
  15. Vigilant L, Stoneking M, Harpending H, Hawkes K, Wilson AC (September 1991). "African populations and the evolution of human mitochondrial DNA". Science 253 (5027): 1503–7. Bibcode 1991Sci...253.1503V. doi:10.1126/science.1840702. PMID 1840702. 
  16. Gonder MK, Mortensen HM, Reed FA, de Sousa A, Tishkoff SA (March 2007). "Whole-mtDNA genome sequence analysis of ancient African lineages". Mol. Biol. Evol. 24 (3): 757–68. doi:10.1093/molbev/msl209. PMID 17194802. 
  17. Chen YS, Olckers A, Schurr TG, Kogelnik AM, Huoponen K, Wallace DC (April 2000). "mtDNA variation in the South African Kung and Khwe-and their genetic relationships to other African populations". Am. J. Hum. Genet. 66 (4): 1362–83. doi:10.1086/302848. . PMID 10739760. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=1288201. 
  18. 18.0 18.1 Coop G, Pickrell JK, Novembre J, Kudaravalli S, Li J, Absher D, Myers RM, Cavalli-Sforza LL, Feldman MW, Pritchard JK (June 2009). Schierup, Mikkel H.. ed. "The role of geography in human adaptation". PLoS Genet. 5 (6): e1000500. doi:10.1371/journal.pgen.1000500. . PMID 19503611. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=2685456. 
  19. 19.0 19.1 Brown, David (June 22, 2009). "Among Many Peoples, Little Genomic Variety". The Washington Post. http://www.washingtonpost.com/wp-dyn/content/article/2009/06/21/AR2009062101726_pf.html. Nakuha noong 2009-06-25. 
  20. "Geography And History Shape Genetic Differences In Humans". Science Daily. June 7, 2009. http://www.sciencedaily.com/releases/2009/06/090605091157.htm. Nakuha noong 2009-06-25. 
  21. Darwin Lives! Modern Humans Are Still Evolving
  22. Medical Research Council (UK) (November 21, 2009). "Brain Disease 'Resistance Gene' evolves in Papua New Guinea community; could offer insights Into CJD". Science Daily (online) (Science News). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-22. http://www.sciencedaily.com/releases/2009/11/091120091959.htm. Nakuha noong 2009-11-22. 
  23. doi:10.1056/NEJMoa0809716
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand
  24. doi:10.1073/pnas.0906199106
    This citation will be automatically completed in the next few minutes. You can jump the queue or expand by hand
  25. Liu, Hua; Prugnolle, Franck; Manina, Andrea; Balloux, François (2006). "A geographically explicit genetic model of worldwide human-settlement history". The American Journal of Human Genetics 79 (2): 230–237. doi:10.1086/505436. . PMID 16826514. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=1559480. 
  26. Jorde, L.; Watkins, W; Bamshad, M; Dixon, M; Ricker, C.; Seielstad, M.; Batzer, M. (2000). "The distribution of human genetic diversity: a comparison of mitochondrial, autosomal, and Y-chromosome data". American Journal of Human Genetics 66 (3): 979–988. doi:10.1086/302825. . PMID 10712212. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=1288178. 
  27. Race, Ethnicity, and Genetics Working Group (2005). "The use of racial, ethnic, and ancestral categories in human genetics research". American Journal of Human Genetics 77 (4): 519–532. doi:10.1086/491747. . PMID 16175499. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=1275602.