Ekonomika

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ekonomiks)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang ekonomika[1] (Ingles: economics) bilang isang agham panlipunan, ay ang pag-aaral sa paglikha, pamamahagi, at pagkonsumo ng kalakal.[2]

Ang salitang "ekonomika" na hango sa salitang Wikang Kastila "economica" ay mula sa mga salitang Griyego οἶκος [oikos], na nangangahulugang "pamilya, sambahayan, estado" at νόμος [nomos], o "kaugalian, batas" at may literal na kahulugan na "pangangasiwa ng sambahayan" o "pangangasiwa ng estado". Ang isang ekonomista ay isang tao na gumagamit ng konseptong pang-ekonomika at mga datos sa kanyang trahabo, o isang tao na nakatamo ng isang degree sa paksang ito mula sa isang pamantasan.[2] Ang larangang ito ay mahahati sa iba't ibang paraan. Pinakapopular dito ang mikroekonomika (sa antas ng indibidual na pamimili) sa makroekonomika (nagtipon-tipong resulta). Maari rin itong mahati sa positive laban sa normatibo, karaniwan(mainstream) laban sa heterodokso, at ayon sa sangay. Ang ekonomika ay may tuwirang paglalapat sa kalakalan, personal na gastusin, at pamahalaan. Mayroong mga teorya na nabuo bilang bahagi ng teoryang pang-ekomika at nailapat sa mga pamimili na walang kaugnayan sa pera sa mga larangang kasinlawak ng kilos ng kriminal, pananaliksik sa agham, kamatayan, politika, kalusugan, edukasyon, pamilya, panliligaw (dating), at iba pa. Pinahihintulutan ito dahil tungkol sa pagpapasya ang ekomomika.[2]

Nagsisimula ang ekonomiya sa premiso(premise) o proposisyon na kakaunti ang kayamanan at kinakailangang mamili sa pagitan ng mga napapaligsahang alternatibo. Sa ibang salita, binibigyan ng pansin ng ekonomika ang mga tradeoff. Sa kakulangan, kung pipili sa isang alternatibo, nangangahulugang sinusuko ang isang pang alternatibo—ang halaga ng pagkakataon (opportunity cost). Nililikha ng halaga ng pagkakataon ang isang tahasang ugnayan ng halaga sa pagitan ng nagpapaligsahang alternatibo. Sa karagdagan, sa parehong nakasalig sa merkado (market oriented) at nakaplanong ekonomika, kadalasang di na tahasang ipinapaliwanag ang dami ng kakulangan sa pamamagitan ng kaugnay na halaga.[3]

Tinutukoy ang ekonomika na "malungkot na agham". Unang binansag ito ni Thomas Carlyle, na pinaboran ang isang sistema ng ekonomika na nakabatay sa pang-aalipin, upang tanggihan ang mga nangungunang ekonomista noong dekada 1840, na mga karaniwang libertaryo na sumasalungat sa pang-aalipin. Ngayon, kadalasang ginagamit ito para banggitin ang pabibigay diin sa kakulangan sa ekonomiya.[3]

Mga nilalaman

[baguhin] Mikroekonomika

[baguhin] Mga pamilihan

Isang pamilihan
New York Stock Exchange. Ang pamilihan ng stock(stock market) ang pamilihan kung saan ang mga stock ng mga kompanya ay iniisyu at kinakalakal sa pamamagitan ng mga stock exchange.

Ang mikroekonomika (Ingles: microeconomics) ang pag-aaral ng ekonomika na sumusuri ng mga indibidwal na manlalaro sa isang pamilihan at ang istraktura ng mga pamilihang ito. Ito ay ummukol bilang hindi mapaliliit na saligang kapayakan ang mga pribado, publiko at mga domestikong manlalaro. Ang mikroekonomika ay nag-aaral kung paanong nag-uugnayan ang mga manlalarong ito sa pamamagitan ng mga indibidwal na pamilihan(kung ipagpapalagay na may kakulangan ng mga makakalakal na unit at regulasyon ng pamahalaan. Ang isang pamilihan ay maaaring umukol sa isang produkto o sa mga serbisyo bilang paktor ng produksiyon. Ang teoriya ng mikroekonomika ay nagsasaalang alang ng mga agregato(kabuuan) ng kantidad na hinihingi ng mga mamimili at kantidad na sinusuplay ng mga nagtitinda na nag-aaral ng bawat posibleng presyo kada unit. Pinag-aaralan din nito ang komplikadong interaksiyon sa pagitan ng mga manlalaro ng pamilihan sa pamamagitan ng pagbili at pagbebenta. Ang teoriyang ito ay nagsasaad na ang mga pamilihan ay maaaring umabot sa isang ekwilibrium sa pagitan ng hinnging kantidad at sinuplay na kantidad sa paglipas ng panahon.

Sinusuri rin ng mikroekonomika ang iba't ibang mga istraktura ng pamilihan gaya ng perpektong kompetisyon(tunggalian) kung saan ang pamilihan ay sumasangkot sa isang minimum na bilang ng mga manlalaaro at isang sapat na bilang ng produktong kinakalakal; hindi perpektong kompetisyon na kinabibilangan ng monopolyo na isang dominante o nag-iisang suplayer sa isang pamilihan at mga epekto nito sa kaigihan ng ekonomiya; dupolyo kung saan may dalawang tagatinda ng produkto at oligopolyo kung saan may maraming mga bilang ng mamimili at tagatinda.

[baguhin] Produksiyon, gastos, kaigihan

Sa mikroekonomika, ang produksiyon ang konbersiyon ng mga input sa output. Ito ay isang proseso na gumagamit ng mga input upang lumikha ng komoditad para sa pagpapalit o direktang paggamit. Ang produksiyon ay isang daloy kaya isang bilis ng ouput kada yugto ng panahon.

Ang gastos ng oportunidad ay tumutukoy sa ekonomikong gastos ng produksiyon: ang halaga ng susunod na pinakamahusay na oportunidad ay nawala. Ito ay inilalarawan bilang nagsasaad ng payak na ugnayan sa pagitan ng kakulangan at pagpipilian. Ang gastos ng oportunidad ng isang gawain ay isang elemento ng pagsisiguro na ang kakulangan ng mga mapagkukunan ay ginagamit ng maigi sa paraang ang gastos ay tinitimbang laban sa halaga ng gawaing ito sa pagpapasya kung marami o kulang nito. Ang mga gastos ng oportunidad ay hindi limitado sa mga gastos ng pananalapi ngunit maaaring masukat ng tunay gastos ng nawalang output, libangan o anupamang bagay na nagbibigay ng alternatibong benepisyo. Ang mga input na ginagamit sa proseso ng produksiyon ay kinabibilangan ng mga pangunahing paktor ng produksiyon gaya ng mga serbisyo ng paggawa, kapital at lupain. Ang iba pang mga input ay kinabibilangan ng panggitnang mga kalakal na ginagamit sa pang huling mga kalakal gaya ng bakal sa isang bagong kotse. Ang kaigihang(efficiency) ekonomiko ay naglalarawan kung paano ang sistema ay lumilikha ng ninanais na output sa isang ibinigay na hanay ng mga input at magagamit na teknolohiya. Ang kaigihian ay napabubuti kung mas maraming output ang nalilikha ng hindi binabago ang mga input o sa ibang salita ang halaga ng tinatapong produkto ay napapaliit. Ang pinakamalawak na tinatanggap na pangkalahatang pamantayan ang kaigihang Pareto na naaabot kung wala nang karagdagang pagbabago ay makakagawa sa isang indibidwal na mas mabuti nang walang ginagawang indibidwal na mas masahol.

[baguhin] Suplay at pangangailangan

Ang presyong P ng isang produkto ay tinutukoy ng balanse sa pagitan ng produksiyon sa bawat presyo (suplay na S) at ang mga kagustuhan ng mga may kakayahang bumili sa bawat presyo (pangangailangang D). Ang diagramang ito ay nagpapakita ng positibong paglipat sa pangangailangan(demand) mula D1 hanggang D2 na nagreresulta sa pagtaas ng presyo (P) at kantitad na nabenta (Q) ng produkto.

Ang mga presyo at kantidad ay inilalarawan bilang pinakadirektang mapagmamasdang katangian ng mga kalakal na pinoprodyus at pinapalit sa ekonomiya ng pamilihan. Ang teoriya ng suplay at pangangailangan ay nagpapaliwanag ay tumutulong sa mga halagang nililika at kinokonsumo. Sa mikroekonomika, ito ay lumalapat sa presyo at pagtukoy ng output para sa isang pamilihan na may perpektong kompetisyon na kinabibilangan ng kondisyon na walang mga mamimili o tagatinda na sapat na malaki upang magkaroon ng kapangyarihan ng pagtatakda ng presyo. Sa isang ibinigay na pamilihan ng komoditad, ang pangangailangan ang ugnayan ng bilang ng lahat ng mga mamimili na handang bumili ng bawat unit ng presyo ng kalakal. Ang teoriya ng pangangailangan ay naglalarawan ng mga indibidwal na konsumer bilang makatwirang pumnipili ng pinakaninanais na bilang ng bawat kalakal, ibinigay na sahod, mga presyo, panlasa at iba pa. Ang termino para dito ay 'tinatakdaang pagpapalaki ng paggamit' na ang sahod at kayamanan ang mga paghihigpit sa pangangailangan. Dito, ang paggamit ay ang pinagpapalagay na ugnayan ng bawat indibidwal na konsumer para sa pagraranggo ng iba't ibang kumpol ng mga komoditad bilang mas o hindi mas ninanais.

Ang batas ng pangangailangan ay nagsasaad na sa pangkalahatan, ang presyo at bilang na kailangan sa isang ibinigay na pamilihan ay kabaligtarang magkaugnay. Ang ibig sabihin nito, kung mas mataas ang presyo ng produkto, mas hindi magiging handa ang mga tao na bilhin ang produktong ito. Kung ang presyo ng produkto ay bumagsak, ang mga konsumer ay tutungo ng relatibo sa mas mahal na mga produkto(epektong paghalili). Sa karagdagan, ang kapangyarihang pagbili mula sa pagbagsak ng presyo ay nagpapataas ng kakayahan na makabili(epekto ng sahod). Ang ibang mga paktor ay maaaring magbago ng pangangailangan. Halimbawa, ang pagtaas ng sahol ay lilipit sa kurba ng pangangailangan para isang normal na kabutihang panlabas na relatibo sa pinagmulan. Ang lahat ng mga determinante ay pinakalaganap na inuunawa bilang konstanteng mga paktor ng pangangailangan at suplay. Ang suplay ang ugnayan sa pagitan ng presyo ng kalakal at bilang ng makukuha para sa pagtitinda sa presyong ito. Ito ay maaaring ikatawan bilang isang tabla o grapo na naguugnay ng presyo at bilang na sinusuplay. Ang mga prodyuser ay pinagpapalagay na mga nagpapalaki ng tubo na ang ibig sabihin ay nagtatangka itong lumikha at magsuplay ng halaga ng mga kalakal na magdadala dito ng pinakamataas na tubo. Ang suplay ay karaniwang ikinakatawan bilang direktong proporsiyonal na ugnayan sa pagitan ng presyo at bilang na sinuplay. Ang ibig sabihin, sa mataas ang presyo na ang isang kalakal ay mabebenta, mas marami ang isusuplay ng mga prodyuser. Ang mas mataas na presyo ay gumagawa ritong nagbibigay ng tubo upang magtaas ng produksiyon. Gaya ng sa panig ng pangangailangan, ang posisyon ng suplay ay maaaring lumipat na sabihin mula sa pagbabago ng presyo ng produktibong input o teknikal na pagpapabuti. Ang batas ng suplay ay nagsasaad na sa pangkalahatan, ang pagtaas ng presyo ay magdudulot ng pagpapalawig ng suplay at ang pagbagsak ng presyo ay nagdudulot ng pagliit ng suplay. Dito, ang mga tagatukoy ng suplay gaya ng presyo ng kahalili, gastos ng produksiyon, nilapat na teknolohiya at iba't ibang mga paktor na input ng produksiyon ay lahat inuunawa bilang konstante para sa isang spesipikong yugto ng panaho ng pagsisiyasat ng suplay. Ang ekwlibirium ng pamilihan ay nangyayari kung ang bilang ng sinuplay ay katumbas ng bilang ng kinailangan. Sa isang presyo na mababa sa ekwilbrium, may kakulangan sa bilang ng sinuplay kumpara sa bilang na kinailangan. Ito ay pinagpalagay na nagtataas ng presyo. Sa isang presyo na mataas sa ekwilbrium, may labis na bilang ng sinpulay kumpara sa bilang na kinailangan. Ito ay nagtutulak sa presyo ng pababa. Ang modelo ng suplay at pangangailangan ay humuhula na para sa isang ibinigay na kurba ng suplay at pangangailangan, ang presyo at bilang ay magiging matatag sa presyo na gumagamawa sa bilang na sinuplay na katumbas sa bilang na kinailangan. Gayundin, ang teoriya ng pangangailangan at suplay ay humuhula ng bagong presyo-kombinasyon ng bilang mula sa paglipat sa pangangailangan. Sa isang ibinigay na bilang ng pangkonsumer na kalakal, ang punto sa kurba ng pangangailangan ay tumutukoy sa halaga o marhinal na utilidad sa mga konsumer para sa unit na ito. Ito ay sumusukat kung ano ang handa para sa kostumer na magbayad para sa unit na ito. Ang tumutugong punto sa kurba ng suplay ay sumusukat ng marhinal na gastor na pagtaas ng kabuuang gastos sa suplayer para sa tumutugong unit ng kalakal. Ang presyo sa ekwilibrium ay tinutukoy ng suplay at pangangailangan. Sa isang perpektong kompetitibong pamilihan, ang suplay at pangangailan ay tumutumbas sa marhinal na gastos at marhinal na utilidad sa ekwilbrium.

[baguhin] Mga negosyo(firm)

Ang mga tao ay kalimitang hindi nakikipagkalakalan ng direkta sa mga pamilihan. Bagkus, sa panig ng suplay, maaaring ang mga ito ay magtrabaho at magprodyus sa pamamagitan ng mga firm(negosyo). Ang pinakahalatang mga uri ng mga firm ang mga korporasyon, sosyohan, at mga tiwala(trusts). Ayon kay Ronald Coase, ang tao ay nagsisimulang mag-organisa ng kanilang produksiyon sa mga firm kapag ang halaga ng pagnenegosyo ay naging mas mababasa kesa sa paggawa nito sa pamilihan. Ang mga firm ay nagsasama ng paggawa(labor) at kapital at maaaring magtamo ng mas dakilang mga ekonomiya ng skala(kapag ang aberaheng presyo kada unit ay bumababa habang maraming mga unit ay pinoprodyus) kesa sa indibidwal na pamilihang pangangalakal.

Sa perpektong kompetetibong mga pamilihan na pinag-aralan sa teoriya ng suplay at pangangailangan, mayroong maraming mga prodyuser na wala sa mga ito ang malaking nakakaimpluwensiya ng presyo. Ang industriyal na organisasyon ay lumalahat mula sa espesyal na kaso upang pag-aral ang stratehikong pag-aasal ng mga firm na mayroon malaking kontrol sa presyo. Ito ay nagsaalang-alang ng istraktura ng gayong mga pamilihan at ang mga interaksiyon nito. Ang karaniwang mga istraktura ng pamilihang pinag-aralan bukod sa perpektong kompetisyon ay kinabibilangan ng monopolistikong kompetisyon, iba't ibang anyo ng oligopolyo at monopolyo.

Ang manedyerial na ekonomika ay naglalapat ng mikroekonomikong analisis sa spesipikong mga pagpapasya sa mga firm o ibang mga pinangangasiwaang unit. Ito ay mabigat na humahango mula sa kwantitatibong mga paraan gaya ng pagsasalik ng mga operasyon at pagpoprograma at mga paraang estadistikal gaya ng regresyong analisis sa kawalan ng katiyakan at perpektong kaalaman. Ang nagpapaisang tema ang pagtatangka upang i-optimisa ang mga pagpapasyang negosyo, kabilang ang unit-gastos na minimisasyon at maksimisasyon ng tubo sa ibinigay na mga layunin ng firm at mga pagtatakda(constrainsts) na itinakda ng teknolohiya at mga kondisyon ng pamilihan.

[baguhin] Kawalang katiyakan at teoriya ng laro

Ang kawalang katiyakan sa ekonomika ang hindi alam na pagkakataon ng pakinabang o pagkalugi kahit pa ito ay mabibilang na panganib o hindi. Kung wala nito, ang pag-aasal ng sambahayan ay hindi maaapektuhan ng kawalang katiyakan sa pagkakaroon ng trabaho at mga pagkakataon ng kita, pananalapi at mga kapital na pamilihan ay liliit sa pagpapalit ng isang instrumento sa bawat yugto ng pamilihan at walang magiging industriyang pangkomunikasyon. Sa ibinigay na mga iba't ibang anyo nito, mayroon iba't ibang mg aparan ng pagkakatawan ng kawalang katiyakan at pagmomodelo ng mga tugon dito ng mga ahenteng ekonomiko. Ang teoriya ng laro ang sangay ng nilalapat na matematika na nagsasaalang alang ng mga stratehikong interaksiyon sa pagitan ng mga ahente na isang uri ng kawalang katiyakan. Ito ay nagbibigay ng pundasyong matematikal ng industriyal na organisasyon upang imodelo ang iba't ibang uri ng pag-aasal ng mga kompnaya, halimbawa sa isang oligopolistikong industry(mga ilang tagatinda) ngunit pantay ring mailalapat sa negosasyon ng sahod, baratilyo, disenyo ng kontrata, at anumang sitwasyon kung saan ang mga indibidwal na ahente ay sapat na kaunti upang magkaroon ng madadamang mga epekto sa bawat isa. Bilang paraan na mabigas na gumagamit ng ekonomika ng pag-aasal, ito ay nagpo-postula na ang mga ahente ay pumipili ng mga stratehiya upang palakihin ang kanilang kabayaran(pay-offs) kung ibinigay ang mga stratehiya ng ibang mga ahente na kahit papaano ay sa isang bahagi mayroon magkakatunggaling mga interes. Dito, ito ay naglalahat ng mga pakikitungong maksimisasyon na binubuo upang siyasatin ang mga aktor ng pamilihan gaya ng suplay at pangangailangang modelo at pumapayag sa hindi kompletong impormasyon ng mga aktor. Ang larangan ito ay nagmumula sa 1944 na Klasikong Teoriya ng mga laro ni John von Neumann at Oskar Morgenstern. Ito ay may malaking mga aplikasyon na tila sa labas ng ekonomika sa mga iba't ibang paksa gaya ng pormulasyo ng mga stratehiyang nukleyar, etika, agham politika at ebolusyonaryong biolohiya.

Ang pag-ayaw sa panganib(risk aversion) ay maaaring pumukaw ng gawain na sa maiging gumaganang mga pamilihan ay nagpapakinis ng panganib at nagbabatid ng impormasyon tungkol sa panganib gaya ng mga pamilihan para sa kasiguruhan, mga kontrata ng hinaharap ng komoditad, at mga instrumentong pananalapi. Ito ay nagsisisayast rin ng pagpepresyo ng mga instrumentong pananalpi, mga pinansiyal na istraktura ng mga kompanya, kaigihan at karupukan ng mga pamilihang pananalapi, mga krisis pinansiya at kaugnay na patakaran ng pamahalaan o regulasyon.

Ang ilang mga organisasyo nng pamilihan ay maaaring magsanhi ng kawalang kaigihan na kaugnay ng kawalang katiyakan. Batay sa artikulong "Market for Lemons" ni George Akerlof, ang paradaym na halimbawa ang ng isang hindi maaasang pamilihan ng mga ginamit na sasakyan. Ang asymetria ng impormasyon ay lumilitaw dito kung ang tagatinda ay nag-aangkin ng mas mahalagang impormasyon kesa sa namimilia ngunit walang pabuya sa paglalantad nito. Ang mga kaugnay na problema sa kaseguruhan ang adbersong seleksiyon gaya ng sa pinaka-nanganganib ay pinakamalamang na magpaseguro(insure) gaya ng mga walang habas na motorista at ang moral na panganib gaya ng mga resulta ng kaseguruhan sa mas mapanganib na pag-aasal gaya ng walang habas na pagmamaneho ng sasakya. Ang parehong mga problema ay maaaring magtaas ng presyo ng kaseguruhan(insurance) at magbawas ng kaigihan sa pagtataboy sa mga kundi ay nagnanais na mga transaktor mula sa pamilihan(hindi kompletong pamilihan). Sa karagdagan, ang pagtatangka na bawasan ang isang problema na sabihing adbersong pagpili sa pamamagitan ng pagmamandato ng kaseguruhan(insurance) ay maaaring magdagdag ng isang pa na sabihing moral na panganib. Ang impormasyong ekonomika na nag-aaral ng mga gayong problema ay may kaugnayan sa mga paksang gaya ng kaseruhan, batas ng kontrata, disenyo ng mekanisko, pamperang ekonomika at pangangalaga ng kalusugan. Ang mga nilalapat na paksa ay kinabibilangan ng pamilihan at mga legal na remedyo gaya ng garantiya(warranties, minandato ng pamahalaang parsiyal na kaseguruhan, muling pag-iistraktura o batas ng bangkarota, inspeksiyon at regulasyon para sa kalidad at paghahayag ng impormasyon.

[baguhin] Pagkabigo ng pamilihan

Ang terminong "pagkabigo ng pamilihan" ay sumasakop sa ilang mga problema na nagpapahina ng pamantayang mga ekonomikong pagpapalagay. Bagaman inuuri ng mga ekonomista ang mga pagkabigo ng pamilihan ng magkakaiba, ang mga sumusunod na mga kategorya ay umaahon sa mga pangunahing aklat.

Ang mga asymetria ng impormasyon at mga pamilihang hindi kompleto ay maaaring magresulta sa ekonomikang kawalang kaigihan ngunit sa isa ring posibilidad ng pagbuti ng kaigihan sa pamamagitan ng pamilihan, legal at mga regulatoryong remedya.

Ang natural na monopolyo o ang pagsasanib ng mga konsepto ng praktikal at teknikal na monopolyo ay isang sukdulang kaso ng pagkabigo ng kompetisyon bilang isang pagpipigil sa mga prodyuser. Ang problema ay inilalarawan bilang isa kung saan na ang marami ng isang produkto ay ginawa, mas mababa ang unit na gastos. Ang ibig sabihin nito ay may ekonomikong saysay lamang na magkaroon ng isang prodyuser.

Ang mga publikong kalakalal ang kalakal na kulang sa suplay sa isang tipikal na pamilihan. Ang mga naglalarawang katangian ay ang mga tao ay maaaring kumonsumo ng mga publikong kalakal na hindi nagbabayad para sa mga ito at ang mas higit sa isang tao ay maaaring kumonsumo ng kalakal sa parehong panahon.

Ang mga eksternalidad ay nangyayari kung saan mayroon malaking panlipunang gastor o pakinabang mula sa produksiyon o konsumpsiyon na hindi nakikita sa mga presyo ng pamilihan. Halimabwa, ang polusyon ng hangin ay maaaring lumikha ng negatibong eksternalidad at ang edukasyon ay maaaring lumikha ng positibong eksternalidad(kaunting krimen etc). Ang mga pamahalaan ay kalimitang nagtatakda ng buwis] at kundi ay naghihigpit ng pagtitinda ng mga kalakal na may mga negatibong eksternalidad sa pagsisikap na itama ang mga pagbaluktot ng presyo na sanhi ng mga eksternalidad na ito. Ang elementaryong teoriya ng pangangailangan-at-suplay ay humuhula ng ekwilibrium ngunit hindi ang bilis ng pagsasayos para sa mga pagbabago ng ekwilibrium sabhi ng paglipat sa pangangailangan o suplay.

Sa maraming mga area, ang ilang anyo ng pagiging madikit ng presyo ay pinostula upang isaalang alang ang mga kantidad kesa sa mga presyo na umayos sa maikling panahon sa mga pagbabago sa panig ng pangangailangan o sa panig ng suplay. Ito ay kinabibilangan ng pamantayang analisis ng siklo ng negosyo sa makroekonomika. Ang analisis ay kalimitang umiikot sa mga dahilan ng gayong pagdikit ng presyo at ang mga implikasyon nito sa pag-aabot ng ini-hipotesis na pangmatagalang takbong ekwilibrium. Ang mga halimbawa ng gayong pagiging madikit ng mga presyo na sa mga partikular na pamilihan ay kinabibilangan ng rate ng sahod sa mga pamilihan ng trabaho at ipinaskil na mga presyo sa mga pamilihang lumihis sa perpektong kompetisyon.

Ang makronekonomikang instabilidad(hindi matatag) ay isang pangunahing pinagmumulan ng kabiguan ng pamilihan na ang pangkalahatang kawalan ng konpidensiya sa negosyo o panlabas na sindak(shock) ay maaaring magpahinto ng produksiyon at distribusyon na nagpapahina ng mga ordinaryong pamilihan na kundi ay ligtas.

Ang mga ilang espesyalisadong larangan ng ekonomika ay umuukol ng mas marami sa kabiguan ng pamilihan kesa sa iba. Ang ekonomika ng publikong sektor ay isang halimbawa dahil kapag ang mga pamilihan ay nabigo, ang ilang uri ng mga regulatoryo o programa ng pamahalaan ang lunas. Ang karamihan sa pangkapaligirang ekonomika ay umuukol sa mga eksternalidad o mga masama sa publiko.

Ang mga opsiyong patakran ay kinabibilangan ng mga regulasyon na nagpapakita ng gastor-benepsiyong analisis o mga solusyon ng pamilihan na nagbabago ng mga pabuya gaya ng mga kabayaran ng emisyon o muling paglalarawan ng mga karapatan ng pag-aari.

[baguhin] Publikong sektor

Ang publikong pananalapi ang larangan ng ekonomika na umuukol sa pagbabadyet ng mga kita(revenus) at gastor ng entidad na publikong sektor na karaniwan ay pamahalaan. Ang paksang ito ay tumutugon sa mga bagay gaya ng isidensiya ng buwis(sino talaga ang nagbabayad ng partikular na buwis), gasot-benepisyong analisis ng mga programa ng pamahalaan, mga epekto sa ekonomikong kaigihan at pamamahagi ng sahod ng iba't ibang mga paggasta at buwis at mga politikang piskal. Ang huli na aspeto ng public pagpiling teoriya ay nagmomodelo ng publikoong sektor na pag-aasal na analogoso sa mikroekonomika na sumasangkot sa mga interaksyon ng may sariling interse na mga botante, mga politika at mga burokrata.

Ang karamihan sa ekonomika ay positibo na naghahangad na ilarawan at hulaan ang ekonomikong penomena. Ang normatibong ekonomika ay naghahangad na tukuyin kung anong ang mga ekonomiya ay dapat maging tulad.

Ang kapakanang ekonomika ang normatibong sangay ng ekonomika na gumagamit ng mga teknikang mikroekonomika upang sabay na matukoy ang naglalaang kaigihan sa loob ng ekonomiya at pamamahagi ng sahod na kaugnay nito. Ito ay nagtatangkang sukatin ang panlipunang kapakanan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga ekonomikong gawain ng mga indibidwal na bumubuo sa lipunan.

[baguhin] Makroekonomika

Ang makroekonomika ay sumusuri ng ekonomiya sa kabuuan upang ipaliwanag ang malawak na mga agregato at mga interaksiyon gamit ang isang pinasimpleng anyo ng teoriya ng pangkalahatang ekwilibrium. Ang gayong mga agregator ay kinabibilangan ng pambansang kita at ouput, bilang ng kawalang trabaho, inplasyon ng presyo at mga subagregato gaya ng kabuuang pagkonsumo at paggasta ng pamumuhunan at mga bahagi nito. Ito ay nag-aaral rin ng mga epekto ng patakarang pansalapi at patakarang piskal.

[baguhin] Paglago

Ang ekonomika ng paglago ay nag-aaral ng mga paktor na nagpapaliwanag ng paglagong ekonomiko na pagtaas ng output per capita sa loob ng mahabang yugto ng panahon. Ang parehong mga paktor ay ginagamit upang ipaliwanag ang pagkakaiba sa lebel ng output per capita sa pagitan ng mga bansa, sa partikular ay kung bakit ang ilang mga bansa ay lumalago ng mas mabilis kesa sa iba at kung ang mga bansa ay nagtatagpo sa parehong mga rate ng pagbabago. Ang pinaka pinag-aaralang mga paktor ay kinabibilangan ng rate ng pamumuhunan, paglago ng populasyon at pagbabagong teknolohikal. Ang mga ito ay kinatawan sa mga anyong teoretikal at empirikal gaya ng sa neoklasiko at endohenyosong mga modelo ng paglago at sa pagkukwenta ng paglago.

[baguhin] Siklo ng negosyo

Ang ekonomika ng dakilang depresyon ang nag udyok ng pagkakalikha ng makroekonomika bilang hiwalay na disiplana ng larangan ng pag-aaraln. Sa panahon ng dakilang depresyon sa Estados Unidos noong mga 1930, si John Maynard Keynes ay sumulat ng aklat na pinamagatang "Pangkalahatang Teoriya ng Trabaho, Interest at Salapi na bumabalangkas sa mga mahalagang teoriya ng ekonomikang Keynesian. Pinangatwiran ni Keynes na ang agregatong pangangailangan para sa mga kalakal ay maaaring maging hindi sapat habang nangayari ang mga pagbagsak ng ekonomiya na nagtutungo sa hindi kinakailangang mataas na kawalang trabaho at kawalan ng mga potensiyal na output. Dahil dito, kanyang itinaguyod ang isang aktibong mga tugong patakaran ng publikong sektor(pamahalaan) kabilang ang mga aksiyon ng patakarang pananalapi ng sentral na bangko at mga aksiyon ng piskal na patakaran ng pamahalaan upang patatagin ang output sa siklo ng negosyo. Kaya ang isang sentral na konklusyon ng ekonomikong Keynesian ay sa ilang mga sitwasyon, walang malakas na automatikong mekanismo ang nagpapagalaw ng ouput at pagkakaroon ng trabaho patungo sa buong lebel ng pagkakaroon ng trabaho. Ang modelong IS/LM ni John Hicks ang naging pinakaimpluwensiyan na interpretasyon ng Pangkalatahang Teoriya.

[baguhin] Inplasyon at patakarang pang-salapi(monetary)

Ang inplasyon ang sitwasyong ekonomiko na nararanasang kapag ang suplay ng pera tungo sa ekonomiya ay tumataas at kalaunan ay nagreresulta sa pagtaas ng mga presyo ng mga mahalagang kapatial at mga kinokonsumong kalakal at mga serbisyo. Ang inplasyon ay pangkalahatang nangyayari sa ilalim ng dalawang mga sirkumstansiya- paghila ng pangangailangan (demand pull) at pagtulak ng gastos (cost push) na Inplasyon. Sa mga gayong instansiya na ang mga anti-inplasyonaryong patakaran ay pinapatupad. Ang mga pangunahing reporma at resolba ay inilalapat sa Patakarang Pang-salapi(monetary) at Patakarang Piskal ng isang bansa. Ang mga patakarang pang-salapi(monetary) ay karaniwang nilalapat ng mga Sentral na Bangko samantalang ang mga Patakarang Piskal ay ginagamit at pinapatupad ng katawang pampamahalaan sa pakikipagtulangan ng Bangkong Apex.

Ang pera ang paraan ng huling pagbabayad ng mga kalakaal sa karamihan ng mga ekonomiyang sistema ng presyo at ang unit ng account kung saan ang mga presyo ay karaniwang isinasaad. Ang isang labis na angkop na pangungusap ni Propesor Walker na isang kilalang ekonomista ay: "Ang pera ay kung ano ang ginagawa ng pera...". Ang pera ay may pangkalahatang pagtanggap, isang relatibong konsistensiya sa halaga, dibisibilidad, pagiging matibay, portabilidad(pagiging madadala), ellastiko sa suplay at nakaliligtas sa konpidensiya ng publikong masa. Ito ay kinabibilangan ng kurensiyang hinahawakan ng mga publikong hindi bangko at mga matsetsekeng mga deposito. Ito ay inilarawan bilang isang panlipunang konbensiyon, tulad ng wika na magagamit para sa isa na sa malaking dahilan ay dahil sa ito ay magagamit para sa iba Inflation is an economic situation experienced when the supply of money into the economy rises and subsequently results in rise in prices of essential capital and consumer goods and services. Inflation generally occurs under two circumstances- Demand Pull and Cost Push Inflation. It is in such instances that Anti-Inflationary measures are implemented. The primary reforms and resolves are applied in the Monetary Policy and Fiscal Policy of the nation. Monetary policies are usually applied by Central Banks, whereas Fiscal Polices are utilized and implemented by the Governmental body in coordination with the Apex Bank.

Bilang midyum ng pagpapalitan, ang pera ay nagpapadali ng [[pangangalakal. Ito ay ay pangunahing isang sukat ng halaga at sa mas mahalagang paglalarawan ay imbak(store) ng halaga na basehan ng paglikha ng kredito. Ang ekonomikong tungkulin nito ay maaring isalungat sa barter(hindi pamperang pagpapalitan]]. Dahil sa malawak na uri ng mga nililihang kalakal at mga espesyalisadong mga prodyuser, ang barter ay maaaring magtakakda ng mahirap na mahanap na dobleng koinsidensiya ng mga kagustuhan sa kung ano ang ipinapalit, halimbawa sa mga mansanas at isang aklat. Ang pera ay maaaring magbawas ng gastos ng pagpapalitan ng transaksiyon dahil sa handa nitong pagiging matatanggap. Sa gayon, hindi magastos para sa tagatinda na tumanggap ng pera bilang kapalit kesa sa kung ano nililiha ng tagabili.

Sa lebel ng ekonomiya, ang teoriya at ebidensiya ay konsistente sa positibong ugnayang tumatakbo mula sa kabuuang suplay ng pera tungko sa nominal na halaga ng kabuuang output sa tungo sa pangkalahatang lebel ng presyo. Sa dahilang ito, ang pangangasiwa ng suplay ng pera ay isang mahalagang aspeto ng patakarang pampera(monetary).

[baguhin] Tingnan din

[baguhin] Mga sanggunian

  1. "Ekonomika". UP Diksyonaryong Filipino. (2001).
  2. 2.0 2.1 2.2 Economics from the English-language Wikipedia. Retrieved November 9, 2006.
  3. 3.0 3.1 Economics from the English-language Wikipedia. Retrieved November 14, 2004.

Mga pansariling kagamitan
Mga ngalan-espasyo

Naiiba pa
Mga gawain
paglilibot
pakikihalubilo
Mga kagamitan
Sa ibang wika