Ekonomiya ng Pilipinas
Ang Pilipinas ay isang umuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Noong 2004, ito ay nasa ika-24 na puwesto ng World Bank ayon sa kanyang kapantayan ng lakas ng pagbili. Ang Pilipinas ay isa sa mga bagong bansa sa mundo na nagiging industriyalisado. Ang mahahalagang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas ay kinabibilangan ng agrikultura, tulad ng pagpoproseso ng pagkain, pananahi, at electronics at paggawa ng mga bahagi ng sasakyan. Karamihan sa mga industriyang ito ay nasa bahaging Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar. Ang pag-mimina ay may malaking potensyal sa Pilipinas. ha
[baguhin] Kasaysayan
Simula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagkaroon ng magkakahalong kasaysayan ng sensya ng pag-unlad at paglago. Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon.[1][2] Ang mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehime ni Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986 ang nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.[2] Ang opisyal na palitan ng piso-dolyar noong 1966 ay 3.90 piso kada dolyar ngunit bumagsak sa 20.53 piso kada dolyar nang mapatalsik si Marcos noong 1986. Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 sa ilalim ni Marcos ay 1.8% lamang.[3] Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025. Nang maging Pangulo si Marcos noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa dalawang bilyong dolyar. Nang mapatalsik si Marcos noong 1986, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay umabot ng 28 bilyong dolyar.[4][5]Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8 bilyong dolyar ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.[5] Noong 1975, ang 57% ng mga pamilyang Pilipino ay iniulat na mahirap.[5] Isang malalang resesyon noong 1984-85 ang naganap ang nagpakita ng pagliit ng ekonomiya ng mahigit 10%, at ang walang kasiguraduhan sa administrasyong Aquino mula 1986 hanggang 1992 ay lalong nagpalala ng aktibidad sa ekonomiya. Noong panahon ni Fidel Ramos(mula 1992 hanggang 1998), sinimulan niya ang malawakang reporma para palaguin ang kalakalan at ang pamumunuhang ng mga dayuhan. Bilang resulta, nakitaan ang Pilipinas ng panahon ng mabilis na pag-unlad, ngunit ang Krisis Pinansyal sa Silangang Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Joseph Estrada(na pangulo mula 1998-2001) na ipagpatuloy ang reporma ni Ramos. Ang administrasyong Estrada ay inakusahan ng cronyism, korupsiyon at inkompetensiya na nagdulot ng kawalang pagtitiwala ng mga imbestor na dayuhan. Ito ay karagdagang napinsala nang sa kanyang ikalawang taon, si Estrada ay inakusahan ng paggamit ng impluwensiya niya sa imbestigasyon ng isang kaibigang nasangkot sa pagmamanipula ng stock market. Ang mga kaguluhan gaya ng mga pambobomba, mga pagdukot, mga klima at iba pa ay nag-ambag sa mga problema sa ekonomiya. Tungo sa dulo ng administrasyon ni Estrada, ang deficit ay dumoble sa 100 bilyong dolyar mula 49 bilyong dolyar noong 1998. Gayunpaman, ang rate ng GNP noong 1999 ay tumaas sa 3.6 porsiyento mula 0.1 porsiyento noong 1998 at ang rate ng paglago ng GDP ay 3.2 porsiyentro mula sa -0.5 porsiyento noong 1998. Ang utang ng bansa ay umabot sa 2.1 trilyong piso noong 1999. Ang utang sa loob ng bansa ay P986.7 bilyong piso samantalang ang utang sa mga dayuhan ay umabot sa US$52.2 bilyong dolyar. Sa kadahilan naman ng impeachment at ang pag-alis ni Pangulong Estrada ay nagdulot ng mababang pag-unlad. Ang administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Gloria Arroyo ay nagtutulak ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya. Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Sa pamumuno ni Arroyo(2001-2010), ang aberaheng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay 4.5% ngunit sa sa kabila ng paglago, ang kahirapan ay lumala sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo.[6] Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso. Pagkatapos ng pagbagal ng paglago sa 3.8% noong 2008 at 1.1% noong 2009, ang real taon-sa-taong paglago ng GDP ay umahon sa 7.6% noong 2010. Ang paglago ay bumagal noong 2011 sa 3.7 % . Ang mga remittance ng mga OFW ay nasa rate na taunang paglagong 8% at patuloy na bumubuo ng mga 10% ng GDP. ANg taunang paglago ng GDP ay may averaheng 4.6% sa loob ng nakaraang dekada ngunit nangangailangan ng isang mas mataas na pinanatiling landas ng paglago sa ekonomiya na hindi bababa sa 7%-8% kada sa karamihan ng mga pagtatantiya upang makasulong sa pagpapagaan ng kahirapan sa taunang paglago ng populasyon ng Pilipinas na isa sa may pinakamataas na populasyon sa Asya. Ang bahagi ng populasyon na mahirap ay tumaas mula 24.9% hanggang 26.5% sa pagitan ng 2003 at 2009 na katumbas ng karagdagang 3.3 milyong mga mahihirap na Pilipino.[6]
[baguhin] Mga sanggunian
- ↑ http://www.insead.edu/facultyresearch/faculty/documents/5771.pdf
- ↑ 2.0 2.1 http://www.state.gov/outofdate/bgn/philippines/195236.htm
- ↑ http://books.google.com/books?id=z1cpiEJMAi8C&pg=PA295
- ↑ http://www.indymedia.org.uk/en/2012/09/500590.html
- ↑ 5.0 5.1 5.2 http://www.philippinehumanrights.org/news/statements/227-the-marcos-legacy-of-fraudulent-and-illegitimate-debts
- ↑ 6.0 6.1 https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/rp.html
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.