Ekspedisyong Villalobos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang 'Ekspedisyong Villalobos' ay isang ekspedisyon sa Pilipinas na pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos. Umalis ito sa Navidad,Mexico noong Nobyembre 1, 1542. Ang layunin nito ay marating ang Islas del Poniente(Pilipinas). Narating ng ekspedisyon ang isla ng Palau noong Pebrero 2, 1543.

Ang ekspidisyong ito ay pinamumunuan ni Ruy Lopez De Villalobos kasam ang anim na barko at 370 katao. Sila ay umalis sa Juan Gallego ( Navidad ), Mexico noong Nobyembre 1542. Noong mga unang buwan ng 1543, narating nila ang Saranggani sa Timo Cotabato. Binalak nilang magtatag ng pamayanan at nagsimula na silang magtanim. Subalit ng lumaon, marami sa kanila ang namatay sa gutom at marahil sa mga lason na taglay ng iba't ibang uri ng halaman at hayop sa pag-aakalang ang mga ito ay makakain. Hindi rin naging matagumpay ang paglalakbay na ito maliban sa pagpapangalan sa ating bayan na Pilipinas bilang parangal kay Haring Philip ng Espanya.