Elektronikong liham

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Halimbawa ng isang binuksang e-liham.

Ang elektronikong liham (Inggles: electronic mail, pinapaiksi na e-mail[1] o email), maari ring paiksihin na e-liham, ay isang paraan ng paggawa, pagpadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga elektronikong sistemang pangkomunikasyon. Sa ngayon, karamihan ng mga sitemang e-liham ay gumagamit ng World Wide Web.

Ang kaunaunahang e-mail ay ipinadala ni Ray Tomlimson ng ARPANET noon 1971. Ang e-mail na ito ay nagsimula sa maliit na program lamang na ginagamit lang sa isang maliit na network. Ang unang e-mail na ipinadala ni Tomlinson ay sa sarili lamang niya bilang isang eksperimento.

Maaari ring maglaman ang mga e-liham ng mga attachment na naglalaman ng mga larawan at dokumento.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Digest, Reader's (2001). 1,001 Computer Hints & Tips. Pleasantville, New York / Montreal, Canada: The Reader's Digest Association, Inc.. ISBN 076213388. 



Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.