Eliot Spitzer

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Eliot Spitzer
Eliot Spitzer

Gobernador ng New York Eliot Spitzer


Kasalukuyan
Panunungkulan
1 Enero 2007
Lieutenant David Paterson
Sinundan si George Pataki

Panunungkulan
1 Enero 1999 – 31 Disyembre 2006
Gobernador George Pataki
Sinundan si Dennis Vacco
Sinundan ni Andrew Cuomo

Kapanganakan 10 Hunyo 1959 (1959-06-10) (edad 55)
Bronx, New York
Kabansaan Amerikano
Partidong politikal Demokratiko
Asawa Silda Wall Spitzer
Mga anak 3
Tirahan Ehekutibong Mansiyon ng Estado ng New York
Manhattan, New York
Alma mater Pamantasang Princeton
Paaralan ng Batas ng Harvard
Propesyon Abogado
Relihiyon Hudyo (pero sekular, liberal, o hindi-relihiyoso) [1][2][3]

Si Eliot Laurence Spitzer (isinilang 10 Hunyo 1959) ay isang Amerikanong abogado at politiko ng Partidong Demokratiko. Naglingkod siya bilang Abogado Heneral bago naging Gobernador ng New York noong 2007.

Ipinanganak at lumaki si Spitzer sa Bronx ng Lungsod ng New York. Nag-aral muna siya sa Pamantasang Princeton, at pagkatapos sa Pamantasan ng Harvard para mag-aral ng batas. Sa Harvard niya nakatagpo ang kaniyang magiging asawang si Silda Wall Spitzer, ang nagtatag ng Children for Children, isang hindi-pangkalakal na samahan. Matapos matanggap ang kaniyang titulong Juris Doctor, sumali siya sa kompanyang pang-abugasyang Paul, Weiss, Rifkind, Wharton & Garrison. Pagkalipas ng dalawang taon, sumapi naman siya sa tanggapan ng abogadong pangdistrito ng Manhattan, na pinamumunuan ni Robert M. Morgenthau, para usigin ang sindikato ng mga kriminal. Noong 1992, inilunsad niya ang isang matagumpay na imbestigasyon na sumira sa kapangyarihan ng pamilyang Gambinong lumulukob sa industriya ng mga pananamit at pagtatrak ng Manhattan. Sa mga sumunod na anim na taon, naghanapbuhay siya sa mga tanggapang pambatas ng Skadden, Arps, Slate, Meagher & Flom at Constantine and Partners. Noong 1998, tinalo niya ang nakaupong Republikanong si Dennis Vacco, ng ilang maliit na boto lamang, at naging nahalal na Attorney General ng Estado ng New York.

Pagkagobernador[baguhin]

Iskandalo kaugnay ng prostitusyon[baguhin]

Noong 10 Marso 2008, ibinalita ng The New York Times na tinangkilik ni Spitzer ang serbisyo ng Emperors Club VIP, isang kompanyang pamprostitusyon, noong gabi ng Febrero 13, 2008 [4] at nakipagtagpo sa isang hostes na nagkakahalaga ng $1,000-bawat-oras. Nagtagal ang pagsasama nila ng may higit sa dalawang oras[5] sa loob ng silid na may bilang na 871 ng Mayflower Hotel sa Washington, D.C., kung saan nakatala ang tunay na pangalan ni Spitzer at maging ang kaniyang adres sa Fifth Avenue, Manhattan.[6][7][8]

Noong 12 Marso 2008, nagpasyang magretiro si Spitzer dahil sa kontrobersiya. Papalitan siya ni David A. Paterson, ang kasalukuyang Tenyente Gobernador ng New York.[9]

Mga talasanggunian[baguhin]

Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito: