Encantadia (seryeng pantelebisyon)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Encantadia
Encantadia dvd.jpg
Uri Telefantasya: action, adventure, drama, fantasy, romance
Gumawa Suzette Doctolero
Pinangungunahan ni For the complete list, see the Encantadia Cast and Characters
Bansang pinagmulan Pilipinas
Bilang ng mga kabanata Book 1: 160 episodes
Over All (Book 1,2 & 3): 258 episodes
Paggawa
Oras ng pagpapalabas 30-45 Minuto
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilan GMA Network
Orihinal na pagtakbo Mayo 2, 2005Disyembre 9, 2005
Mga ugnay
Opisyal na websayt

Ang Encantadia ay isang pantasyang teleserye (telefantasya) na palabas ng GMA Network.

Tingnan Din[baguhin]

Ito ay isang trilohiya ng kasaysayan ng Encantadia, isang lugar ng pantasya.

Ang mga ito ay ang:

Unang Aklat: Encantadia

Ikalawang Aklat: Etheria, ang ikalimang kaharian ng Encantadia

Ikatlong Aklat: Encantadia, pag-ibig hanggang wakas

Mga Kaharian sa Encantadia[baguhin]

Ang Kaharian ng Encantadia ay nahahati sa apat na kaharian:

Lireo[baguhin]

Encantadia. Sila ang tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin. Ito ay itinatag ng unang reyna ng lireo na si Cassiopea. Si Cassiopea rin ang tumulong sa pagkawala ng Etheria at kasama sa konseho ng Encantadia. Sa simula ng serye si Mine-a kung saan ay sinundan ng kanyang anak na babae na si Amihan, na kalaunan ay humalili sa kanya bilang bagong reyna ng mga diwata. Si Pirena ay nagkaroon ng matingding hangarin maagaw ang korona na dapat ay sa kanya,kaya nagtagumpay siya kunin ang brilyante ng apoy sa mga diwata. Doon nagsimula ang unang digmaan sa lireo.

Sapiro[baguhin]

Ang Sapiro ay makikita sa hilagang bahagi ng Encantadia. Sila ang tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa. Ito ay itinatag ni Haring Meno ng Sapiro. Si Haring Meno ay kasama sa konseho ng Encantadia. Kapatid ni Asval na tumulong kay Ybbrahim para malaman ang itinatagong lihim ng kaharian ng Sapiro. Nagkaroon ng anak na si Armeo na naging sumunod na Hari ng Sapiro,at nagkaroon sila ni amihan ng anak na nagngangalang Lira. Nagkaroon din siya ng anak kay Alena. Una si Kalil subalit namatay siya at sumunod si Armea.

Adamya[baguhin]

Ang Adamya ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Encantadia. Ang mga Adamyan ang tagapangalaga ng Brilyante ng Tubig. Ang Adamya ay pinamumunuan ni Aegen. Ang mga naninirahan dito ay kilala silang kaliitit at pala-kaibigan.

Sa unang umaga ng pagbagsak ng Etheria, nglaho si Aegen at sa kanyang puwesto ay pumalit ang dalwang magkapatid na nagngangalang Imok at Imaw. Mayroong hawak si Imaw na isang tungkod na nagpapakita ng mga maaring hinaharap o kasalukuyan ng isang magaganap.

Hathoria[baguhin]

Ang Hathoria ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng encantadia ng pinatay ng ama ni hagorn ang kanyang lolo doon nag simula ang paghihiganti ng mag-ama kinalaban nila si mine-a pero hindi sila nag wagi sa digmaan pinatay ni raquim ang ama ni hagorn at pinatay din ni hagorn ang ama ng pangalawang sang'gre at doon kumampi si pirena ang tagapangalaga ng brilyante ng apoy ginusto ni hagorn na mapunta sa kanya ang lahat ng brilyante pero hindi sya nagtagumpay.

Epekto ng Enca sa Kulturang Popular sa Pilipinas[baguhin]

Ang Enca ay talagang nakakaapekto hindi lang sa damdamin ng mga Pilipino kundi pati na rin sa trend ng panunuod ng tao. Ngayon, ang tao ay nahuhumaling sa mga palabas na may mahika, lumilipad na mga enkantada, mga kapangyarihan ng apoy, tubig, hangin at lupa, pati na rin ang mga gawi at lengguahe ng palabas na tinatawag na enchanta.

Kaya naririnig na sa mga tao ang mg salitang avisala, pashnea, at iba pa.

At sa loob ng isang taon, napamahal na sa Pilipino ang tinaguriang nangungunang telefantasya sa bansa. Matapos ang isang taon, namaalam na sa ere ang ating paboritong Enc Pero ang mga alaala ng palabas ay hinding-hindi nating makakalimutan.

Panlabas na kawing[baguhin]