Enkripsiyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Sa kriptograpiya, ang enkripsiyon(encryption) ay ang proseso ng pagbabago ng impormasyon na tinatawag na plaintext(simpleng teksto) gamit ang isang sipero o algoritmo upang ito ay hindi mabasa maliban na lamang ng mga indibidwal na may hawak ng espesyal na kaalaman na tinatawag na "susi"(key).

Aplikasyon[baguhin]

Ang enkripsiyon ay ginagamit ng mga militar at pamahalaan ng mga bansa mula pa noong sinaunang panahon upang isagawa ang isang sikretong komunikasyon. Sa modernong panahon, ang enkripsiyon ay ginagamit upang protektahan ang mga data na naglalakbay sa networko ng kompyuter, mobil na telepono at marami pang iba.