Espigmomanometro

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Presyon na 126/70 mmHg bilang resulta sa elektronikong espigmomanometro.
Isang mekanikal na espigmomanometro na may punyos para sa mga matatanda.

Ang espigmomanometro o ispigmomanometro ay isang aparatong panukat sa presyon ng dugo.[1] May dalawang bahagi ang isang espigmomanometro: isang punyos (cuff) na binibintog upang limitahan ang daloy ng dugo, at ang isang manometro, de-asoge, mekanikal o elektroniko man, na nagsusukat ng presyon. Ginagamit ito kasabay ng paraan upang maisuri ang presyon ng dugo sa simula, at ang presyon nito kapag hindi hinaharangan ang daloy ng dugo: halimbawa, sa mekanikal na espigmomanometro, ginagamit ito kasabay ng estetoskopyo.

Nagmula ang salitang "espigmomanometro" sa salitang esfigmomanómetro sa Espanyol, na nagmula naman sa Griyegong sphygmós (pulso), kasama ang salitang pang-agham na manometro (panukat ng presyon). Inimbento ito noong 1881 ni Samuel Siegfried Karl Ritter von Basch, isang doktor mula sa Austria.

Talasanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Sphygmomanometer n.- instrumentong panukat ng presyon ng dugo; ispigmomanometro.". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.