Etileno

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang etileno isang halamang hormon na lumalabas sa reproductive stage o panahon ng pamumulaklak. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng flower formation o pagkakaroon ng bulaklak ang mga piling halaman. Ang etileno ay gaseous o isang singaw na uri ng hormone ay siya ring aktibong gamit sa pagpapahinog ng mga bungang kahoy na ikinakalakal at iniluluwas sa bansa. Isang halimbawa ng napagkukunan ng etileno ay ang dahon ng saging at kakawate. Kaya naman ang mga saging at mangga sa pamilihan ay nilalagyan ng dahon na ito dahil ang dumidilaw na dahon ng halaman ay may natural na etileno na nagpapabilis sa pagpapahinog ng prutas. Ang karaniwang gamit ng laboratory-produced ethylene ay flower inducer o pampapabulaklak at pagpapahinog sa mga bungang kahoy sa pamilihan. Sa pangkalahatang kaalaman, ang anumang halaman na naguumpisang manilaw o matuyo dahil sa sakit o pagkatuyot ay siyang likas na pinagmumulan ng natural na etileno.



Kimika Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.