Exo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Exo
Exo sa Singapore noong Nobyembre 2012
Kabatiran
Pinanggalingan Seoul, Timog Korea
Genre
Taong aktibo 2011–present
Mga tatak S.M. Entertainment
Mga nakaugnay na akto
Sityo EXO.SMTOWN.com
Mga kasapi

Ang Exo o EXO (EK-soh; Koreano: 엑소) ay isang boyband na Koreano-Tsino na nilikha ng S.M. Entertainment. Sila ay nabuo noong 2011 at nahahati sa dalawang pangkat, ang Exo-K at Exo-M para sa pag-awit ng mga kantang Koreano at Mandarin. Ang kanilang pangalan ay mula sa exoplanet [1] na planetang nasa labas ng Solar System.

Ang dalawang album ng grupo na 2012 debut EP Mama at 2013 comeback studio album XOXO ay isang malaking komersiyal na tagumpay na naipagbili ng higit na 1.5 milyong unit sa buong mundo. Sa kanilang album na XOXO, ang Exo ang naging pinakabatang boy band na nanalo ng Album of the Year sa Mnet Asian Music Awards at ang pinakamabilis na bumentang K-pop artist sa 12 taon.

Kasaysayan[baguhin]

Inanunsiyo noong Enero 2011 ng prodyuser na si Lee Soo-Man ng S.M. Entertainment ang kanyang plano na magdebut ng isang bagong boyband sa Marso o Abril 2011. Ito ay temporaryong pinangalanang M1 na binubuo ng pitong kasapi mula sa isang litratong naileak online. Noong Mayo 2011 sa Hallyu business seminar sa Stanford University, ipinaliwanag ni Lee ang stratehiyang paghahati ng grupo sa dalawang maliliit na mga pangkat na M1 at M2 at ipopromote ang parehong mga awitin sa Timog Korea at Tsina na aawit ng mga kantang Koreano at Mandarin. Ang balita ng pagdedebut ng bagong grupo ay hindi nangyari noong Mayo 2011 at muling lumitaw ang balita tungkol sa grupo noong Oktubre 2011. Ang pangalan ng grupo na Exo ay naging pinal noong Disyembre 2011 na may mga pangalang Exo-K para sa pangkat na Timog Koreano at Exo-M para sa pangkat na Tsino. Ang 12 kasapi ay isa isang ipinakilala sa mga 23 iba ibang trailer na inilabas mula Disyembre 2011 hanggang Pebrero 2012. Sina Kai, Lu Han, Tao, at Chen ang mga unang kasaping ipinakilala at sila ay nagdebut sa isang unang pagtatanghal sa telebisyon sa taunang Daejun event ng SBS noong Disyembre 29, 2011.

Ang prologue single ng Exo-K at Exo-M na "What Is Love" ay inilabas noong Enero 30, 2012 sa iTunes at iba't ibang mga nagtitinda ng musika sa Tsina at Timog Korea. Ang single ay nagpeak na 88 sa Gaon single chart ng Timog Korea. Noong Marso 9, 2012, inilabas ng grupo ang kanilang ikalawang prologue single na "History" na isinulat at prinodyus nina Thomas Troelsen at Remee. Ang single ay nagpeak na 68 sa Gaon Single Chart at nagpeak na 6 sa China's Sina Music Chart. Ang isang concert ng grupo ay idinaos sa Seoul's Olympic Stadium noong Marso 31. Ang mga 3,000 fans mula sa 8,000 aplikasyon ang napili na dumalo. Ang ikalawang concert ay idinaos sa Great Hall ng University of International Business and Economics sa Beijing noong Abril 1.

Inilabas ng Exo-K at Exo-M ang kanilang debut single na "Mama" noong Abril 8 na sinundan ng EP na Mama noong Abril 9. Noong Abril, ang Exo-K ay nagdebut ng kanilang pagkanta sa The Music Trend ng Timog Korea samantalang ang Exo-M ay nagdebut ng kanilang performance sa Top Chinese Music Awards sa Tsina ng parehong araw. Pagkatapos ng isang araw, ang "Mama" ay naging number one sa mga iba't ibang online retailers at music chart sa Tsina. Ang album ng Exo-M ay naging number two sa China's Sina Album Chart, number five sa South Korea's Gaon Album Chart, at number twelve sa Billboard World Albums Chart. Ang album ng Exo-K ay nagpeak na number one sa Gaon Album Chart at number eight sa Billboard World Albums Chart. Ang music video ng Exo-M's "Mama" ay naging number one sa Chinese streaming websites samantalang ang bersiyon ng Exo-K ay umabot ng number seven sa YouTube's Global Chart.

Ang album nilang XOXO ay inilabas noong Hunyo 2013 sa dalawang bersiyon, isang Koreanong edisyong "Kiss" at isang edisyong Mandarin na "Hug". Pagkatapos ng ilang araw, ang mga kanta ng XOXO ay nanguna sa halos lahat ng real time chart mula sa mga online music websites ng Timog Korea at mainland China. Ang dalawang bersiyon ay nagpeak na number one sa Billboard World Album Chart pagkatapos ng isang linggo. Ang lead single na "Wolf" ay nagpeak na number one sa tatlong mga music program ng Timog Korea na tinawag na "triple win".

Mga miembro[baguhin]

Exo-K[baguhin]

Pangalan Araw ng kapanganakan[2][3] edad posisyon[4][5][6] Nasyonalidad
Suho 22 Mayo 1991(1991-05-22) 23 Leader, vocals Watawat ng Timog Korea Timog Korea
Baekhyun 6 Mayo 1992(1992-05-06) 22 Lead vocals
Chanyeol 27 Nobyembre 1992(1992-11-27) 21 Vocals, rap
D.O. 12 Enero 1993(1993-01-12) 21 Lead vocals
Kai 14 Enero 1994(1994-01-14) 20 Vocals, rap
Sehun 12 Abril 1994(1994-04-12) 20 Vocals, rap

Exo-M[baguhin]

Pangalan Araw ng kapanganakan[2][3] edad posisyon[7] Nasyonalidad
Xiumin 26 Marso 1990(1990-03-26) 24 Vocals Watawat ng Timog Korea Timog Korea
Lu Han 20 Abril 1990(1990-04-20) 24 Lead vocals Watawat ng Republikang Bayan ng Tsina Republikang Popular ng Tsina
Kris 6 Nobyembre 1990(1990-11-06) 23 Leader, Vocals, rap
Lay 7 Oktubre 1991(1991-10-07) 22 Vocals
Chen 21 Setyembre 1992(1992-09-21) 22 Lead vocals Watawat ng Timog Korea Timog Korea
Tao 2 Mayo 1993(1993-05-02) 21 Vocals, rap Watawat ng Republikang Bayan ng Tsina Republikang Popular ng Tsina
  • Nationality states where the member holds their current citizenship

Diskograpiya[baguhin]

Studio albums
Extended plays

Mga Tour[baguhin]


Joint tours


Supporting act
Residency shows
  • SM Town Week: Christmas Wonderland (2013)

External links[baguhin]

sanggunian[baguhin]

  1. "SM introduces new boy group member, KAI". Allkpop. 2011-12-22. http://www.allkpop.com/2011/12/sm-introduces-new-boy-group-member-kai. Hinango noong 2012-04-09. 
  2. 2.0 2.1 "EXO-M Official Profile". http://exo-m.smtown.com/Profile. Hinango noong June 23, 2013. 
  3. 3.0 3.1 "EXO-K Official Profile". http://exo-k.smtown.com/Profile. Hinango noong June 23, 2013. 
  4. "EXO-K's Baekhyun: 'Sun Gun'" (sa Korean). The Star. 2012-05-11. http://thestar.chosun.com/site/data/html_dir/2012/05/07/2012050701804.html. Hinango noong 2013-07-03. 
  5. "EXO-K's Chanyeol: 'Reversal Voice'" (sa Korean). The Star. 2012-05-11. http://thestar.chosun.com/site/data/html_dir/2012/05/07/2012050701801.html. Hinango noong 2013-07-03. 
  6. "EXO-K's D.O. is DOmestic" (sa Korean). The Star. 2012-05-11. http://thestar.chosun.com/site/data/html_dir/2012/05/07/2012050701795.html. Hinango noong 2013-07-05. 
  7. Top Idol Magazine: EXO-M Exclusive with Taiwan (in Chinese) , Issue #12, pp. 4-13. Retrieved 2013-07-05.