Ezekias

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Ezekias, Ezequias, o Hezekiah (namuhay noong bandang 700 BK, pangalang nangangahulugan sa Hebreo bilang "Makapangyarihang Diyos" o "ang Lakas ng Diyos"; ihambing sa kahulugan ng pangalang Ezekiel) ay ang ikalabindalawang hari ng Kaharian ng Juda, na hindi ibinibilan ang pamumuno ng reynang si Athaliah. Naghari siya mula bandang 720 BK hanggang 692 BK. Tumindig siya laban sa Asirya noong 712 BK subalit nagapi ni Sennacherib (o Senaquerib). Ayon sa Lumang Tipan ng Bibliya, napaglabanan niya ang sumunod na paglusob ni Sennacherib dahil may isang salot na dumapo sa hukbong pangkati ng mga Asiryo. Sinasabing hinikayat siya ng propetang si Isaiah upang ibalik ang teokratikong espiritu at lansagin ang idolatriya.[1]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Hezekiah". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa titik na H, pahina 332.



TalambuhayBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.