Fares

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tingnan ang Pérez para sa Kastilang apelyido, at ang Peretz para sa pangalang Hudyo.

Si Fares ay isang ninuno ni David. Nangangahulugan ang pangalan ito ng "pumupuslit".[1] Ayon sa Aklat ng Henesis (Henesis 38:29), si Fares ang anak na lalaki ni Tamar at ni Juda. Kakambal siya ni Zaraj[1] o Zerah.[2]. Dahil kay Fares, napasama si Tamar sa kalahian ni Hesus.[1] Binabaybay dina ng kanyang pangalan bilang Pharez, Pיrez; sa Hebreo: פֶּרֶץ / פָּרֶץ, may ibig sabihing "bumiyak", modernong transliterasyon: Péreẓ o Páreẓ, Tiberianong transliterasyon: Péreṣ o Pāreṣ. Batay sa teksto, tinawag siyang Perez (o Peres) dahil siya ang unang ipinanganak sa mga kambal, kaya't nabiyak ang sinapupunan [3]. Ayon sa mga dalubhasa ng Bibliya, isang eponimong etiyolohikong mito ang salaysay ng pagsilang na ito, na hinggil sa etnolohikal na orihen o pinagmulan ng mga bahagi ng tribo ni Juda.[4][5]. Itinala sa Aklat ni Rut si Perez bilang bahagi ng pangninunong henealohiya ni Haring David [6], at lumaon o nagresultang binanggit ito sa Aklat ni Mateo noong itinukoy ang henealohiya ni Hesus.[7] Binabanggit naman sa kuwento ng ukol sa "ang sulat sa dingding" (nasa Aklat ni Daniel) ang isang salitang Arameo o Aramaiko na minsang isinusulat bilang Phares.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C.. (2000). "Fares, at Zaraj". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 65.
  2. Genesis 38:29
  3. Genesis 38:29
  4. J. A. Emerton, Judah and Tamar
  5. Cheyne at Black, Encyclopedia Biblica.
  6. Ruth 4:18-22
  7. Matthew 1:3