FarmVille

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

"Farmville"

Ang “Farmville” ay isang farming simulation social network game na ginawa ng kompanyang Zynga noong 2009. Katulad nito ang larong Happy Farm, Farm Town at Harvest Moon kung saan, bilang may-ari ng farm, aalagaan mo ang sarili mong bukid. Katulad ng karaniwang ginagawa sa bukid, sa larong ito kinakailangan mo ring mag-araro ng lupa, magtanim ng buto, alagaan ang mga tanim, anihin ang mga halaman, mag-alaga ng mga hayop at iba pang gawaing pangbukid.

Ito ay malalaro sa pamamagitan ng Adobe Flash application sa mga social networking websites katulad ng Facebook at Microsoft’s MSN Games. Malalaro din ito bilang applications para sa iPhone, iPod Touch at iPad. Ang larong ito ay isang freemium game kung saan libre itong malalaro ng mga tao pero may option silang bilhin ang mga premium content nito. Ang Farmville ay lubusang sumikat sa Facebook ngunit di naglaon ay bumaba din ang popularidad nito. Sa tala noong Setyembre 2011, ang Farmville ay pangatlo na lamang sa pinakapopular na laro sa Facebook. Nangunguna naman ang “CityVille” at “The Sims Social” rito.

Gameplay

Bago magsimulang sa bukid, ang manlalaro ay kinakailangan munang gumawa ng sariling “avatar” na maari niyang palitan ano mang oras niya gustuhin. Katulad ng lahat ng magsasaka, ang manlalaro ay magsisimula sa isang tipak ng lupa bitbit ang kakaunting pera o “farm coins” na siyang gagamitin bilang kapital sa pagpapalago ng bukid. Ang manlalaro ay nakakakuha naman ng XP o experience points sa bawat aksiyong kanyang gagawin katulad ng pag-aararo at pagbili ng mga gamit. Habang dumarami ang XP na nakukuha sa laro, ang manlalaro ay umaangat din ang level o antas sa game. Habang ang manlalaro naman ay nakakakuha ng mga items at naglelelevel up sa laro, ang mga halaman at mga hayop na hindi mo pa maaring bilhin noon ay unti-unting nagiging available sa tindahan at maari mo itong bilhin ng iyong farm coins o farm cash.

Halaman

Ang pinaka paraan para makatubo ka ng maraming pera sa larong ito ay ang pagtatanim at pag-aani ng mga halamang tanim. Para makapagpatubo at makapagpalaki ng halaman, kailangan munang bumili ng manlalaro ng mga buto sa tindahan at saka itanim ito at alagaan. Maari mo lamang anihin ang itinanim na halaman sa takdang oras at depende ito halaman kung gaano katagal ito lalaki. Ngunit kapag hindi mo naman ito naani kaagad ay maari itong malanta at maaring ikalugi ito ng iyong bukid. Ngunit sa larong ito maari kang bumili ng mga bagay na kayang mag pa-“unwither” sa nalanta mong halaman. Maari ka din makabili ng mga bagay na kayang pabilisin ang pagtubo ng iyong mga tanim. Ngunit mabibili mo lang ito sa karampatang farm coins at farm cash. Habang ang antas ng manlalaro ay tumataas, nagiging available din sa tindahan ang mga halamanag mas may kalidad at mas mabebenta sa mas mataas na presyo.

Livestock

Ang manlalaro ay maaari ding bumili ng mga livestock (katulad ng baka, kambing, manok) at puno ( katulad ng cherry trees) sa Farmville. Ang mga puno at livestock ay hindi namamamatay sa laro kaya isa rin itong magandang pagkunan ng pera sa game.

Interaksiyon at pagreregalo

Katulad ng ibang laro ng Zynga, maari kang makipag-interaksiyon sa iyong mga kaibigan sa Facebook na naglalaro din ng Farmville. Maaring imbitahan ng players ang kanilang mga neighbors o kaibigan sa kanilang farms. Maari rin kayong magbigayan ng regalo sa isa’t isa at magkumpleto ng mga tasks para makakuha ng mga gantimpala at mas mapalaki kaagad ang kita ng bukid.

Dekorasyon

Upang mas mapaganda ang itsura ng iyong bukid, may mabibili din sa laro na mga iba’t ibang palamuti na maari mong ilagay sa bukid. Maari kang maglagay ng mga gusali, bakod, gnomes, banderitas at iba pa. May mga dekorasyon ding may tema katulad ng mga Hallooween themed decorations, winter themed, Christmas themed at iba pa.

Gantimpala

Ang Farmville ay pinangaralang “Best New Social/Online Game” ng Game Developer’s Conference noong 2010.