Felidae

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Felids[1]
Hangganan ng fossil: 25–0 milyong taon ang nakalilipas
Huling Oligoseno-Kamakailan
Tiger (Panthera tigris)
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Mammalia
Orden: Carnivora
Suborden: Feliformia
Pamilya: Felidae
G. Fischer de Waldheim, 1817
Subfamilies

Felinae
Pantherinae
Machairodontinae
Proailurinae[2]

Talaksan:Felidae range.png
Felidae ranges

Ang Felidae ang pamilya ng mga pusa. Ang isang kasapi ng pamilyang ito ay tinatawag na isang felid. Ang pinakapamilyar na felid ang domestikadong pusa(house cat) na unang naugnay sa mga tao mga 10,000 taon ang nakalipas. Ang pamilyang ito ay kinabibilangan rin ng ibang lahat na mga pusang ligaw kabilang ang mga malalaking pusa. Ang mga umiiral na felid ay nabibilang sa isa sa dalawang mga subpamilya: Pantherinae (na kinabibilangan ng mga tigre, leon, jaguar at leopardo) at ang Felinae(na kinabibilangan ng cougar, mga lynx, ocelot at ang domestikong pusa). Ang mga unang felid ay lumitaw sa panahong Oligoseno mga 25 milyong taon ang nakalilipas. Sa mga panahong prehistoriko, may ikatlong subpamilya na tinatawag na Machairodontinae na kinabibilangan ng mga "pusang may ngiping saber" gaya ng mahusay na kilalang Smilodon. Mayroon ding ibang mga superpisyal na tulad ng pusang mga mamalya gaya ng marsupial sabertooth na Thylacosmilus o ang Nimravidae na hindi kabilang sa pamilyang Felidae sa kabila ng pagiging magkamukha. Ang mga felid ay mga pinakastriktong karnibora ng 13 panlupaing mga pamilya sa order na Carnivora bagaman ang tatlong mga pamilya ng pangdagat na mga mamalya na binubuo ng superpamilyang Pinnipedia ay kasing karniboroso ng mga felid.

Ebolusyon[baguhin]

Mayroong 41 na alam na espesye ng felid sa daigdig ngayon. Ang lahat ng ito ay nagmula sa parehong ninuno.[1] Ang taxon na ito ay nagmula sa Asya at kumalat sa mga kontinente sa pamamagitan ng pagtawid sa mga lupaing tulay. Gaya ng iniulat sa hornal na Science, ang pagsubok ng mitokondriyal na DNA at nukleyar na DNA nina Warren Johnson at Stephen O'Brien ng U.S. National Cancer Institute ay nagpapakita na ang mga sinaunang(ancient) pusa ay nag-ebolb sa walong mga pangunahing lipi na nag-diberhente sa kurso ng hindi bababa sa 10 mga migrasyon( sa parehong mga direksiyon) mula sa kontinente hanggang kontinente sa pamamagitan ng lupaing tulay na Bering at Isthmus ng Panama na ang henus na Panthera ang pinakamatanda at ang henus na Felis ang pinakabata. Tinantiya nila na ang 60 porsiyento ng mga modernong espesye ng mga pusa ay umunlad sa huling mga milyong taon.[3] Ang karamihan ng mga felid ay may isang bilang ng haploid na 18 o 19. Ang mga pusa ng Bagong Daigdig(ang mga nasa Sentral at Timog Amerika) ay may bilang ng haploid na 18 na posibleng sanhi ng kombinasyon ng dalawang mga mas maliit na kromosoma sa isang mas malaking kromosoma. [4] Bago ng pagkakatuklas na ito, malaking hindi nagawa ng mga biologo na itayo ang isang puno ng pamilya ng mga pusa mula sa fossil rekord dahil ang mga fossil ng iba't ibang mga espesye ng pusa ay lahat labis na magkakamukha na pangunahing lamang magkakaiba sa sukat. Batay sa analisis ng DNA, ang mga pinakamalapit na kamag-anak ng mga felid ang mga asyatikong linsang.[5] [6] Ang karamihan ng mga espesye ng felid ay nagsasalo ng isang anomalyang henetiko na pumipigil sa mga itong makalasa ng pagiging matamis.[7]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Wozencraft, W. C. (16 Nobyembre 2005). Wilson, D. E., at Reeder, D. M. (mga patnugot). ed. Mammal Species of the World (ika-3 edisyon ed.). Palimbagan ng Pamantasang Johns Hopkins. pp. 532–548. ISBN 0-801-88221-4. http://www.bucknell.edu/msw3. 
  2. McKenna, Malcolm C.; Susan K. Bell (2000-02-15). Classification of Mammals. Columbia University Press. pp. 631. ISBN 978-0-231-11013-6. 
  3. Mott, Maryann (2006-01-11). "Cats Climb New family Tree". National Geographic News. http://news.nationalgeographic.com/news/2006/01/0111_060111_cat_evolution.html. Nakuha noong 2006-07-15. 
  4. Vella, Carolyn; et al. (2002). Robinson's Genetics for Cat Breeders and Veterinarians, 4th ed.. Oxford: Butterworh-Heinemann. ISBN 0-7506-4069-3. 
  5. Eizirik E., Murphy W.J., Koepfli K.P., Johnson W.E., Dragoo J.W., O'Brien S.J. (2010). "Pattern and timing of the diversification of the mammalian order Carnivora inferred from multiple nuclear gene sequences". Molecular Phylogenetics and Evolution 56: 49–63. doi:10.1016/j.ympev.2010.01.033. 
  6. Gaubert P., Veron G. (2003). "Exhaustive sample set among Viverridae reveals the sister-group of felids: the linsangs as a case of extreme morphological convergence within Feliformia". Proceedings of the Royal Society, Series B 270 (1532): 2523–30. doi:10.1098/rspb.2003.2521. 
  7. Xia, Li; Weihua Li, Hong Wang, Jie Cao, Kenji Maehashi, Liquan Huang, Alexander A. Bachmanov, Danielle R. Reed, Véronique Legrand-Defretin, Gary K. Beauchamp and Joseph G. Brand (July 2005). "Pseudogenization of a Sweet-Receptor Gene Accounts for Cats' Indifference toward Sugar". Public Library of Science 1 (1): e3. doi:10.1371/journal.pgen.0010003. . PMID 16103917. http://www.plosgenetics.org/article/info:doi/10.1371/journal.pgen.0010003. Nakuha noong 2008-06-30.