Felipe VI ng Espanya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Felipe VI ng Espanya

Si Felipe VI ng Espanya (pagbigkas sa wikang Kastila: [feˈlipe], na bininyagan bilang Felipe Juan Pablo Alfonso de Todos los Santos [et omnes sancti] de Borbón y de Grecia, Ingles: Philip John Paul Alphonse of All Saints of Bourbon and Greece na nangangahulugang Felipe Juan Pablo Alfonso ng Lahat ng mga Santo ng Bourbon at Gresya; ipinanganak noong 30 Enero 1968), ay ang kasalukuyang Hari ng Espanya. Siya ang pangatlong anak at nag-iisang anak na lalaki ni Haring Juan Carlos at ni Reyna Sofía ng Espanya. Naging Hari siya ng Espanya pagkatapos magbitiw sa tungkulin bilang Hari ang kanyang ama at nagsimula siya naging Hari noong Hunyo 19, 2014.[1][2]

Noon siya'y Prinsipe pa lamang, dinadala niya ang opisyal na mga pamagat na Prinsipe ng Asturias, Prinsipe ng Girona, Prinsipe ng Viana, Duke ng Montblanc, Konde ng Cervera, at Panginoon ng Balaguer dahil siya'y maliwanag na tagapagmana ng trono ng Espanya.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]




TalambuhayEspanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.