Felix Manalo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Felix Ysagun Manalo (10 Mayo 1886 – 12 Abril 1963) kilala bilang Ka Felix ay ang tagapagtatag at unang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Nairehistro niya ang Iglesia Ni Cristo sa pamahalaan ng Pilipinas noong Hulyo 27,1914 kaalinsabay ng pagsiklab ng unang digmaang pangdaigdig sa Punta Sta. Ana,Manila. Siya ang ama ni Eraño G. Manalo na sumunod sa kanya bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo nang siya ay pumanaw. Siya ang lolo ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo na si Eduardo V. Manalo.

Ang tunay niyang pangalan ay Felix Manalo Ysagun. Ngunit upang magbigay pugay sa pagkamatay ng kaniyang ina, mas pinili nitong gamitin ang apilyedo ng ina na Manalo kaysa sa apilyedo ng kaniyang ama na Ysagun. Kaya't binago niya ang pagkakasunod ng pangalan niya at ginawang Felix Ysagun Manalo at ito na ang ginamit niya sa kaniyang mga rehistro, lisensiya at iba pang mga kasulatan, papeles at mga dokumento.



TalambuhayRelihiyonPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Relihiyon at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.