Francisco Balagtas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Francisco Baltazar)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Francisco "Balagtas" Baltazar
Kapanganakan Abril 2, 1788
Bigaa, Bulacan
Kamatayan Pebrero 20, 1862
Udyong, Bataan
Iba pang pangalan Balagtas
Hanapbuhay Manunulat
Kilala dahil sa Florante at Laura
Ito ang artikulo sa Pilipinong makata. Para sa bayang ipinangalanan sa kanya, tingnan ang Balagtas, Bulacan.

Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunulat. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.[1]

Talambuhay ni Balagtas[baguhin | baguhin ang batayan]

Unang mga taon[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Francisco Balagtas Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa.11 taong gulang noong lumuwas ng Maynila,upang makahanap ng trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan tungkol sa relihiyon Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila. Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.

Buhay bilang isang manunulat[baguhin | baguhin ang batayan]

Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura. Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa panliligaw kay Selya, isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya sa pagligaw kay Selya, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na siya muling makita ni Selya. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng labing-isang anak kay Juana Tiambeng.Isinulat niya ang Florante at Laura sa papel ng De Arroz.

Huling mga araw[baguhin | baguhin ang batayan]

Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae ng mayamang si Alferez Lucas sa di umano'y pagpanot sa buhok niya. Nakalaya siya noong 1861. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang mga anak noong Pebrero 20, 1862. Namatay siya sa gulang na 74, dahil sa sakit na pulmonya at dahil narin sa kanyang katandaan.

Ang kaniyang mga sinulat[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Orosmán at\Zafira – isang komedya na may apat na bahagi
  • Don Nuño at Selinda – isang komedya na may tatlong bahagi
  • Auredato at Astrome – isang komedya na may tatlong bahagi
  • Clara Belmore – isang komedya na may tatlong bahagi
  • Abdol at Misereanan – isang komedya
  • Bayaceto at Dorslica – isang komedya na may tatlong bahagi,
  • Alamansor at Rosalinda – isang komedya
  • La India elegante y el negrito amante
  • Nudo gordeano
  • Rodolfo at Rosemonda
  • Mahomet at Constanza
  • Claus (isinalin sa Tagalog mula sa Latin)
  • Florante at Laura, isang awit ; pinaka-tanyag na gawa ni Balagtas
  • Ang Batang prado ng 8-brave caa annex(hindi masyadong sikat)

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Quirino, Carlos. Preface for Apolinario Mabini’s Hand-Written Version of Francisco Baltasar’s “Florante at Laura” (Pambungad para sa Kopya ng “Florante at Laura” ni Francisco Baltasar na nasa sulat-kamay ni Apolinario Mabini), nasa wikang Ingles, ang kopya ni Mabini ay isinalin sa Ingles ni Tarrosa Subido (nasa kaliwa ang Tagalog samantalang nasa kanan ang katumbas sa Ingles), National Historical Commission, Bureau of Printing, Manila, 1964 (unang paglilimbag), at Vertex Press, Lungsod ng Quezon, 1972 (pangalawang paglilimbag), may 119 pahina, nasa bukod na mga pahinang v-xx ang pambungad (preface) at paunang-salita ng tagapagsalinwika (translator’s foreword)


Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]