Fushigi Yūgi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Fushigi Yūgi
Fushigi Yugi.jpg
pabalat ng manga
ふしぎ遊戯
Genre Drama, Fantasy, Romance
Manga
Tagalikha Yuu Watase
Tagalathala Shogakukan
Magasin Shōjo Comic
Orihinal na Pagpapalabas Mayo 1992Hulyo 1996
Bolyum 18
Telebisyong Anime
Studyo Studio Pierrot
Istasyon Watawat ng Japan TV Tokyo
Flag of the Philippines GMA Network ANIMAX
Ang Portada ng Anime at Manga


Ang Fushigi Yūgi (ふしぎ遊戯; Wikang Filipino: Mahiwagang Larô o Mahiwagang Dulâ) ay isang manga Hapon at anime na inakdâ ni Yū Watase.

Banghay[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsisimula ang kuwento sa pagpapakilala sa magkaibigang dalagang sina Miaka Yūki at Yui Hongo ("Julie" sa Pilipinong dub). Napunta sila isang araw sa pinagbabawal na bahagi ng Pambansang Aklatan, at mayroon silang nagtagpuang kakaibang aklat na pinamagatang "Ang Aklat ng Kalawakan ng Apat na Diyos". Nang buksan nila ang aklat at binasa ang unang pahina, nahigop sila ng aklat at napasok sa mundong nasa loob ng kuwento, na katulad sa sinaunang Tsina.

Itataguring "Katalonan ni Suzaku" si Miaka ng Imperyo ng Kōnan, at ang siyang itinadhanang magtitipon sa Pitong Mandirigmang Makalangit ni Suzaku upang maitawag ang diyos na si Suzaku at makamit ang tatlong kahilingan. Magiging kasintahan niya ang isa sa Pitong Mandirigma na si Tamahome, ang siyang nagtanggol sa kanila nina Julie nang pagtangkaan silang saktan ng mga salarin nang una silang mapadpad sa mundo ng aklat. Bunga nito, sa halip na naisin ni Miaka na gamitin ang isa sa tatlong hiling upang makapasa siya sa kaniyang pinupusuang mataas na paaralan, mas nagustuhan niyang gamitin ito upang magkasama sila nina Tamahome.

Ang kaniyang kaibigang si Julie Hongo naman ang tinaguriang Katalonan ni Seiryū, na ang siyang diyos naman ng bansa ng Kutō. Niloko siya ni Nakago, ang pianakamataas na heneral ng bayang iyon, upang maniwalang tinalikuran siya ni Miaka at nagahasa siya. Dahil dito at sa pinagseselosan niya si Tamahome, nagsikap si Yui na magkapaghiganti kay Miaka.

Sa kabuonan ng kuwento, inilalarawan ang mga pagsubok na hinaharap ng dalawang dalaga, mapatadhana man o personal. Magiging lubos silang magkatunggali at nag-uunahan sa kung sino ang makakapagtawag sa kani-kanilang diyos upang makahingi ng ipinangakong tatlong kahilingan.

Sa telebisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Mayroong limampu't dalawang (52) tagpò sa telebisyon ang Fushigi Yūgi na hinati sa dalawang bahagi. Dagdag pa nito, mayroon din itong dalawang (2) espesyal na tagpong pantelebisyon, at may kabuuang labing tatlo (13) OAVs, na hinati sa mga sumusunod: Serye 1 (3 senaryo), Serye 2 (6 na senaryo) at Fushigi Yuugi Eikoden (4 na senaryo)

Ang Fushigi Yugi anime ay nailathala sa Singapore sa ilalim ng Odex. At lumabas naman ito sa Hapan sa ilalim naman ng Shogakukan. Lumabas din ito sa wikang Ingles sa Hilagang Amerika sa ilalim ng VIZ Media. Sa Singapore, lumabas ito sa wikang Ingles sa tulong ni Chuang Yi.

Mga tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pangunahing tauhang si, Miaka Yūki, ang Katalonan ng Suzaku, at ang Pitong Mandirigmang Makalangit ni Suzaku ay bahagi ng Imperyo ng Kōnan. Si Suzaku ang diyos ng bansang ito, hango sa pulang ibon na si Zhū Qué, ang tagapagbantay ng Katimugan sa astrolohiyang Tsino.

Mga maka-Suzaku[baguhin | baguhin ang batayan]



Si Tasuki o Kō Shun'u (Genro)
  • Tasuki (翼宿)
    • Tunay na pangalan: Kō Shun'u (Genro) (Hou Chun Yu sa Wikang Tsino)
    • Ipinanganak noong: ika-18 ng Abril
    • Edad: 17
    • Taas: 178 cm
    • Armas: Pamaypay na yari sa bakal
    • Pag-uugali: Maingay, mahilig sa apoy, tapat, mapagpatawa, takot sa tubig, ayaw sa babae maliban kay Miaka


Si Chichiri o Hōjin Ri
  • Chichiri (井宿)
    • Tunay na pangalan: Hōjin Ri
    • Ipinanganak noong: ika-21 ng Mayo
    • Edad: 24
    • Taas: 1.75m
    • Armas: Kulam, patpat, sumbrero, kapa
    • Pag-uugali: Payapa, mabait, tuso , matalino at masayahin


Si Mitsukake o Myo Juan
  • Mitsukake (軫宿)
    • Tunay na pangalan: Myo Juan (Miao Niu An sa Wikang Tsino)
    • Ipinanganak noong: ika-7 ng Mayo
    • Edad: 22
    • Taas: 1.99m
    • Armas: Nakakapagpagaling sa pamamagitan ng palad
    • Pag-uugali: Matangkad na tahimik


Si Chiriko o Ō Dōkun
  • Chiriko (張宿)
    • Tunay na pangalan: Ō Dōkun (Wong Tao Hui sa Wikang Tsino)
    • Edad: 13
    • Armas: Ang kanyang pambihirang katalinuhan
    • Pag-uugali: Matalino, tuso, at pinaka-bata sa grupo


Mga maka-Seiryū[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Yui Hongo ("Julie Hongo")
    • Ipinanganak noong: ika-26 ng Oktubre
    • Edad: 15
    • Taas: 162 cm
    • Pag-uugali: Matalino ngunit madaling manipulahin


Si Nakago o Gi Ayurhu
  • Nakago (Kinikilalang pinuno ng lahat na mandirigma ng Seiryu, ang kanyang malamig na pag-uugali at dating ay ang tumutulak kay Yui na magdesisyon ng masama noong bandang simula ng istorya. Lahat ng taga-Seiryū ay takot kay Nakago. Ang kanyang lakas ay higit pa sa pinagsama-samang lakas ng mga mandirigma ng Suzaku.)
    • Tunay na pangalan: Gi Ayuru
    • Ipinanganak noong: ika-17 ng Nobyembre
    • Edad: 25
    • Taas: 193 cm
    • Armas / Kapangyarihan: Hindi pa alam, madaling magmanipula ng kanyang enerhiya o lakas
    • Pag-uugali: Malamig ang puso, hindi nagpapakita ng emosyon, galit sa mundo.


Si Soi o Haku Kaen
  • Soi
    • Tunay na pangalan: Haku Kaen (Bai Hua Wan sa Intsik)
    • Ipinanganak noong: ika-30 ng Oktubre
    • Edad: 19
    • Taas: 170 cm
    • Armas / Kapangyarihan: May kakayahang magmanipula ng kidlat, panahon, at elektrisidad. Isa ring bihasa sa iba't ibang istilo sa kama
    • Pag-uugali: Hindi nagmumungkahi kapag may napansin na pagkakamali, malapit ang loob kay Nakago at gagawin ang lahat para sa kanya.


Si Miboshi
  • Miboshi
    • Tunay na pangalan: Hindi pa alam
    • Ipinanganak noong: ika-4 ng Disyembre
    • Edad: Hindi pa alam
    • Taas: Hindi pa alam
    • Armas / Kapangyarihan: May kakayahang sumanib sa katawan ng ibang tao,at kayang magpalabas ng mga halimaw
    • Pag-uugali: Sobrang sama


Si Amiboshi
  • Amiboshi (Ang kakambal ni Suboshi, ang pagkawala niya noong unang bahagi ng istorya ang syang naging dahilan ng pagkabaliw ni Suboshi.)
    • Tunay na pangalan: Bu Koutoku
    • Alyas: Kaika
    • Ipinanganak noong: 26 August
    • Edad: 15
    • Taas: 168 cm
    • Armas / Kapangyarihan: Gumagamit ng kapangyarihan gamit ang plawta
    • Pag-uugali: Walang hilig sa away o gulo.gustong maging suzaku wariors


  • Suboshi
    • Tunay na pangalan: Bu Shunkaku
    • Ipinanganak noong: ika-26 ng Agosto
    • Edad: 15
    • Taas: 168 cm
    • Armas / Kapangyarihan: Pag-galaw ng bagay sa pamamagitan ng isip, may armas na Ryuuseisui
    • Pag-uugali: Umiibig kay Yui. Isang baliw.


Si Ashitare
  • Ashitare
    • Tunay na pangalang: Hindi pa alam
    • Ipinanganak noong: ika-21 ng Nobyembre
    • Edad: 35
    • Taas: 213 cm


Si Tomo
  • Tomo
    • Tunay na pangalan: Hindi pa alam
    • Alyas: Ragun (Ruo Chuin sa Intsik)
    • Ipinanganak noong: ika-13 ng Oktubre
    • Edad: 21
    • Taas: 184 cm
    • Armas/Kapangyarihan: Paggawa ng ilusyon gamit ang kabibeng "Shin"
    • Pag-uugali: Dahil pinabayaan siya ng kanyang mga magulang mula sa kanyang pagkabata ay lumaking masama si Tomo. May gusto siya kay Nakago, ngunit hindi niya ito masabi sa kanya nang harap-harapan. Dahil dito ay hindi sila nagkakasundo ni Soi, ngunit kaya nilang magtrabaho nang sabayan kung kinakailangan.


Mga Nagboses sa Wikang Hapon[baguhin | baguhin ang batayan]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Louver's Fushigi Yuugi Universe.