Gago

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang Gaga (paglilinaw).
Si "Tartaglia ang Utal". Isang tagapagpatawa at payaso. Isa siyang tauhan sa komedyang Italyano noong 1652.

Ang gago[1] [lalaki] o gaga [babae] (Ingles: stutterer, stupid, simpleton[2], fool[3], idiot[4]) ay tumutukoy sa isang taong may labis na katangahan na may katorpehan. Tumutukoy din ito sa isang taong pautal-utal kung magsalita at nalilito, partikular na kapag kinakabahan o ninenerbiyos. Kung minsan, ginagamit din pamalit dito ang tange, tanga[4], tonto[4], tonta, estupido, at mangmang. Subalit dapat tandaan na may pagkakaiba ang isang tunay na mangmang sa isang taong hindi lang marunong sumulat at bumasa, sapagkat maaaring magkaroon ng karunungan o kaalaman ang mga hindi marunong bumasa o sumulat. Bagaman may pagkakaiba, iniiwasan ang paggamit ng mga salitang ito, sapagkat katulad ng salitang mangmang na katumbas ng illiterate sa Ingles o hindi marunong bumasa at sumulat, nagpapahiwatig din ito ng katangahan o walang kaalaman at karunungan ng isang tao. Ayon kay Juan Flavier, may taong mas gugustuhin pang matawag na ulol kesa masabihang mangmang o tanga sapagkat may kasabihan ang mga matatanda na nagpapahiwatig na "may pag-asa" pang gumaling o bumait ang mga nauulol o nababaliw, samantalang wala nang pag-asa pa ang isang tanga.[5] Kabilang pa sa mga salita o pariralang katumbas ng gago ang mulala, lula, utu-uto, taong kulang-kulang ang pag-iisip, tanghol, tunggak, hangal, maang, gunggong (huwag ikalito sa gonggong), at pati na rin sa taong tulala.[4]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Gago, gaga, stupid, stutterer". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990. 
  2. Sa Ingles: ang simpleton ay maaari ring tumukoy sa isang "payak lamang na tao".
  3. De Guzman, Maria Odulio (1968/2005). "Gaga, simpleton, fool". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.  Check date values in: |date= (help)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Gaboy, Luciano L. "Idiot, taong tanga, at iba pang mga salita". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com. 
  5. "Literacy, literate, illiterate, mangmang, tanga, pp. 171-172 at 204". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970/2007.  Check date values in: |date= (help)



Tao Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.