Germaine Greer

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Germaine Greer
Si Germaine Greer noong 2006 sa "Humber Mouth" Hull, isang pagdiriwang sa panitikan
Trabaho Akademikong manunulat
Nasyonalidad Australyano
Etnisidad Puti
Edukasyon Pamantasan ng Melbourne
Panahon 1970–kasalukuyan
Paksa Kasaysayan ng Sining, Panitikang Ingles, peminismo
(Mga) kilalang gawa The Female Eunuch

Si Germaine Greer (ipinanganak Enero 29, 1939 sa Melbourne, Australya) ay Australyanong manunulat, akademiko, mamamahayag, at iskolar ng makabagong panitikang Ingles, malawak na kinikilala bilang isa sa mga mahahalagang boses ng peminista ng huling bahagi ng ika-20 siglo.[1][2][3]

Nagkaroon ng kontrobersiya ang mga kaisipan ni Greer simula nang naging mabili sa buong mundo ang kanyang aklat na The Female Eunuch noong 1970. May-akda rin siya ng iba pang mga aklat na kinabibilangan ng, Sex and Destiny: The Politics of Human Fertility (1984); The Change: Women, Ageing and the Menopause (1991) at Shakespeare's Wife (2007). Naglilingkod siya ngayon sa Pamantasan ng Warwick bilang Propesor Emeritus ng Panitikang Ingles at Paghahambing na mga Pag-aaral.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Jardine, Lisa. Growing up with Greer, The Guardian, 7 March 1999.
  2. Bone, Pamela. "Western sisters failing the fight", The Australian, 8 March 2007.
  3. "Germaine Greer," Encyclopaedia Britannica, 2007.