Gerzeh

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Gerzeh, Girza o Jirzah ay isang sementeryo ng predinastikong Ehipto na matatagpuan sa kahabaan ng kanluraning bangko ng Ilog Nilo at tinatawag ngayong al-Girza. Ang kulturang Gerzeh ay isang kulturang materyal na tinukoy ng mga arkeologo. Ang Gerze ang ikalawa sa tatlong mga yugto ng kulturang Naqada at kaya ay tinatawag na Naqada II. Ito ay pinangunahan ng Amratia(Naqrada I) at sinundan ng Protodinastiko o Semainian(Naqada III).