Ghost Fighter

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
YuYu Hakusho
Pinapakita ng larawan ang isang batang lalaki sa isang luntiang uniporme na may makintab na buhok at isang hitaikakushi sa noo. Sa babang harapan ng lalaki ay isang babaeng nakatirintas na buhok at nakasuot ng bughaw at dilaw na uniporme. Naglalarawan naman sa likura ang mga bughaw na alapaap at pulang pamagat na Hapon na さよなら現世!!の巻.  Sa itaas ng mga titik ang pamagat na "Jump Comics", ang bilang na "1", at ang kanji pagbabasa na 幽☆遊☆白書 (Yū Yū Hakusho).  Nasa baba ng larawan ang pangalan ng may-akda, 冨樫 義博 (Yoshihiro Togashi).
Pabalat ng YuYu Hakusho bolyum 1 na nilabas ni Shueisha
幽☆遊☆白書
(Yū Yū Hakusho)
Genre Sining pandigma, Pantasyang Bangsia
Manga
Tagalikha Yoshihiro Togashi
Tagalathala Shueisha
Ingles na Tagapanihala Flag of the United States Watawat ng Canada Viz Media
Magasin Weekly Shōnen Jump
Ingles na Magasin Flag of the United States Watawat ng Canada Shonen Jump
Orihinal na Pagpapalabas Disyembre 1990Hulyo 1994
Bolyum 19 (Talaan ng mga bolyum)
Telebisyong Anime
Studyo Studio Pierrot
Tagalisensya Flag of the United States Watawat ng Canada Funimation
Watawat ng Australia Watawat ng New Zealand Madman Entertainment
Flag of the United Kingdom MVM Films
Istasyon Fuji Television, Animax
Ingles na Istasyon Flag of the United States Cartoon Network, Colours TV
Orihinal na animasyong bidyo
Eizō Hakusho
Direktor Noriyuki Abe
Studyo Studio Pierrot
Inilabas noong 21 Setyembre 19945 Oktubre 1994
Oras ng pagpapalabas 27 minuto (bawat isa)
Kabanata 2
Orihinal na animasyong bidyo
Eizō Hakusho II
Direktor Noriyuki Abe
Studyo Studio Pierrot
Inilabas noong 16 Disyembre 19957 Pebrero 1996
Oras ng pagpapalabas 23 minutes (each)
Kabanata 4
Related works
Ang Portada ng Anime at Manga


Ang Ghost Fighter o YuYu Hakusho (幽☆遊☆白書 Yū Yū Hakusho?, lit. "Ghost Files" o "Poltergeist Report"[1]) ay isang seryeng manga[2] at anime na sinulat at ginuhit ni Yoshiro Togashi. Sa Ingles na distribusyon at prankisa, binabaybay ang pamagat ng serye bilang Yu Yu Hakusho samantalang sa Viz Media, binabaybay ito bilang YuYu Hakusho. Sa Tagalog na anime, kilala ito bilang Ghost Fighter.

Kuwento ito ni Eugene (Yuseke Urameshi sa Ingles na bersyon), isang kabataang pabaya na nasagasaan ng kotse at namatay habang sinasagip ang buhay ng isang bata. Pagkatapos ng ilang mga pagsubok na binigay sa kanya ni Jericho (Koenma sa Ingles na bersyon), ang anak ng hari ng kabilang buhay, binuhay siya at tinalaga bilang spirit detective (espiritung tiktik), na mag-iimbistiga sa mga iba't ibang mga kaso na kinakasangkutan ng mga demonyo at espiritu sa mundo ng mga tao.

Mga Tauhan[baguhin]

Yusuke Urameshi (Eugene) - Si Yusuke (Eugene) ang pangunahing tauhan sa manga at anime na Yu yu Hakusho (Ghost Fighter). Malapit na kaibigan niya si Kuwabara(Alfred), Kurama(Dennis) at Hiei(Vincent). Ang kanyang guro na si Genkai (Jeremiah)ang nagturo sa kanya kung papaano lumaban na lubos na nagpalakas sa kanya upang matapos ang mga misyon na ipinapagawa ni Koenma(Jericho). Siya ang maituturing na pinakamalakas sa apat at naturingan na leader ng Kupunan ng mga Tao sa paligsahan ng masasamang espiritu. Lugod sa kaalaman ni Eugene, siya ay isa ring kalahating tao katulad ni Vincent at ni Dennis. Kung saan siya ang naging tagapagmana at naging hari sa mundo ng mga masasamang espiritu sa kaharian ni Raizen. Kilala si Eugene sa paggamit ng Ray Gun na kanyang ginamit upang matalo ang lahat ng kanyang mga kalaban.

Kazuma Kuwabara (Alfred) - Si Kuwabara, na mas kilala sa pangalan na Alfred sa Pilipinas ay matalik na kaibigan ni Eugene sa anime na Ghost Fighter. Bago sila magkakilala ni Eugene, silang dalawa ay mortal na magkaaway ngunit sa di inaasahang pangyayari ng namatay si Eugene sa unang kabanata ng anime ay napaglapit silang dalawa. Dito ay napagalaman na si Alfred ay hindi naman talaga tinuturing na kaaway si Eugene. Datapwat tinuturing lamang niya itong Karibal. Isa sa pinakakilalang teknik na ginagamit ni Alfred ay ang Spiritwal na Espada na kung saan ginagawa nyang purong enerhiya ang kanyang spiritwal na lakas.

Yoko Kurama (Dennis) - Si Dennis ang isa sa mga pinakatangitangi na karakter sa anime dahil sa bukod na malakas na spiritwal na kapangyarihan siya rin ang pinaka matalinong miyembro sa kupunan ni Eugene. Si Dennis ay may dalawang katauhan, kung siya ay sa mundo ng mga tao siya ay tinatawag na Shuichi Minamino at Dennis naman sa kanilang samahan. Siya rin ay may katangian kung saan ang kanyang itsura ay nagbabago sa anyong lobo at kabalikat nito ay ang pagtaas ng spiritwal niyang lakas at paggamit ng mga teknik na nagagamit lamang niya sa anyong lobo. Dahil rin dito, mas nagiging mapusok siya at mas malupit sa kanyang mga kalaban. Madalas niyang ginagamit ang teknik na rose whip na parang tangkay ng rosas na ginawang latigo ngunit ito ay may lakas at tibay na mas malakas pa sa isang bakal. Napag alaman din sa anime na si Dennis ay namuhay na isang magnanakaw sa mundo ng masasamang espiritu na kung saan ay nakasama nya si Yomi sa kanyang pagnakaw ng mga kayamanan.

Jaganshi Hiei (Vincent) - Si Vincent ang pinakamaliit at panghuling miyembro na bumubuo sa mga pangunahing tauhan ng Ghost Fighter. Bagama't maliit, matuturing na malakas at walang kinatatakutan si Vincent. Pinakita sa anime na siya ang tipong nangangahas makipaglaban sa pinakamalakas na miyembro ng kalaban. Siya ay nakasuot na purong itim at may puting bandana na kung saan tinatago niya ang kanyang pangatlong mata. Sa grupo ni Eugene, siya ang pinakatahimik at pinaka mapusok ngunit mataas ang respeto niya kay Eugene at sa iba pa niyang kasamahan. Siya rin ay may kakambal na babae na ang pangalan ay Mikaela (Yukina) ngunit linilihim niya ito sa kanya. Isa sa pinaka kilalang teknik na ginagamit ni Vincent ay ang Black Dragon Spirit na kung saan binubuksan nya ang kanyang pangatlong mata upang magamit at mapalabas ang maitim na apoy. Siya rin ay isa sa pinakamabilis gumalaw at napagkakamalan na kaya niyang mag teleport ngunit sa lingid na kaalaman nila ay maliksi lamang gumalaw sa Vincent.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Togashi, Yoshihiro (Mayo 2003). YuYu Hakusho. 1. Viz Media. p. 5. ISBN 1-56-931904-9. 
  2. "Zatch Bell Vol. 1 & 2 Review". IGN. 8 Setyembre 2005. http://comics.ign.com/articles/649/649091p1.html. Nakuha noong 21 Hulyo 2009. 

Ugnay panlabas[baguhin]