Ginang Ples

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mrs. Ples
Mrs. Ples
Catalog number STS 5
Common name Mrs. Ples
Species Australopithecus africanus
Age 2.05 mya
Place discovered Sterkfontein, South Africa
Date discovered 18 April 1947
Discovered by Robert Broom, John T. Robinson


Bungo ni "Ginang Ples", Transvaal Museum Pretoria.

Ang Ginang Ples ang palayaw ng pinakakumpletong bungo ng isang specimen ng Australopithecus africanus na natagpuan sa Timog Aprika. Ito ay natuklasan nina Robert Broom at John T. Robinson noong 18 Abril 1947. Ang kapasidad ng bungo nito ay mga 485 kubikong sentimetro. Ang fossil na ito ay pinetsahan gamit ang kombinasyon ng paleomagnetismo at mga pamamaraang uranium-lead na may edad na mga 2.05 milyong taong gulang.