Glen Davis

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Glen Davis
Glen Davis Celtics 2008.jpg
Position Power forward
Nickname "Big Baby"
League NBA
Height 6 ft 9 in (2.06 m)
Weight 289 lb (131 kg)
Team Boston Celtics
Nationality USA
Born 1 Enero 1986 (1986-01-01) (edad 28)
Watawat ng Louisiana Baton Rouge, Louisiana
High school University HS,
Baton Rouge, Louisiana
College LSU
Draft 2nd round, 35th overall, 2007
Seattle SuperSonics
Pro career 2007–present
Awards 2005 Member of USA Basketball Under 21 Team
2005 Louisiana Freshman of the Year
2005 First Team All-Louisiana
2005, 2006, & 2007 NABC All-District 8 Second Team
2005 Dick Vitale Diaper Dandy of the Year, SEC
2005 SEC Freshman of the Year (Coaches)
2006 SEC Player of the Week (2/20, 2/27)
2006 All-Tournament Team
2006 College Player of the Year
2006 All-Atlanta NCAA Region
2006 SEC Player of the Year (AP, Coaches, College Insider)
2006 Second Team All-American (AP)
2006 First Team All-American (College Insider, Wooden Award)
2007 USBWA First Team All-District
2007 First Team All-SEC (Coaches, AP)

Si Ronald Glen Davis (ipinanganak noong 1 Enero 1986, sa Baton Rouge, Louisiana), na mas kilala bilang si Glen "Big Baby" Davis, ay ang 6'9", 289 lbs na dating power forward ng Louisiana State University college basketball team, at sa kasalukuyan ay naglalaro para sa Boston Celtics ng NBA. Si Davis ay na-draft ng Seattle Supersonics bilang 35th overall pick noong 2007 NBA Draft. Ang karapatan para sa kontrata ni Davis ay na-trade sa Boston Celtics kasama ni Ray Allen para kay Delonte West, Wally Szcerbiak, at sa 5th overall pick ng 2007 NBA Draft na si Jeff Green.

Karera sa kolehiyo[baguhin]

Ibinoto si Davis ng mga coach ng Southeastern Conference bilang 2006 SEC Player of the Year, at napangalanan din upang mapabilang sa All-SEC first team. Noong 2006, bilang isang sophomore, pinangunahan ni Davis ang Tigers sa kanilang unang paglahok sa Final Four simula noong 1986. Sila ay nalalag sa torneyo noong National Semifinals, kung saan natalo ang Louisiana State University sa UCLA matapos makalamang ng malaki ang UCLA sa first half. hindi na nagawang makalapit ng LSU. Mababa ang naging shot percentage ni Davis sa nasabing laro kung saan gumawa siya ng 17 puntos, at apat lamang ang napasok niya sa kanyang 10 freethrows bago ma-foul out sa laro.

Karera bilang propesyunal na basketbolista[baguhin]

Noong 20 Marso 2007, ipinahayag ni Davis sa press ang kanyang pagpasok sa 2007 NBA Draft imbes na bumalik sa LSU sa kanyang huling taon.[1] Siya ay pumirma ng kontrata sa agent na si John Hamilton ng Performance Sports Management.[2] Si Davis ay na-draft ng Seattle Supersonics bilang 35th overall pick ng 2007 NBA Draft. Ang karapatan para sa kontrata ni Davis, kasama ni Ray Allen ay na-trade para sa 5th overall pick ng 2007 NBA Draft na si Jeff Green.

Si Davis ay kabilang sa 2007 summer league team ng Celtics. Sa naganap na trade, inaasahan ni Davis na mahaba ang kanyang magiging playing time sa kanyang unang professional season. Bagama't ang kanyang pangunahing posisyon ay power forward, si Davis ay maari ding maglaro bilang backup center sa regular season.[3]

Mga sanggunian[baguhin]

Mga panlabas na kawing[baguhin]

Sinundan:
Brandon Bass
SEC Men's Basketball Player of the Year
2006
Susunod:
AP: Chris Lofton
Coaches: Derrick Byars

Padron:2007 NBA Draft