Gloria, Oriental Mindoro

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Gloria
—  Bayan  —
Mapa ng Oriental Mindoro na nagpapakita sa lokasyon ng Gloria.
Bansa Pilipinas
Lalawigan Oriental Mindoro
Distrito Pangalawang Distrito ng Oriental Mindoro
Mga barangay 27
Lawak
 • Kabuuan 245.52 km2 (94.80 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 42,012
Zip Code 5209
Kodigong pantawag 43
Kaurian ng kita Pangatlong Klase
PSGC 175206000
Sensus ng populasyon ng
Gloria, Oriental Mindoro
Senso Populasyon +/-
1990 30,102
1995 35,771 3.5%
2000 38,667 1.68%
2007 40,561 0.66%
2010 42,012 0.49%

Ang Bayan ng Gloria ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Oriental Mindoro, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2000, ito ay may populasyon na 38,667 katao sa 7,640 na kabahayan.

Ang bayan ay dating isang barangay na tinatawag na "Maligaya", at ang pinakamalaking barangay noong administrasyon ni Pangulong Diosdado Macapagal. Ang mga politiko sa pook, na pinangunahan ni Nicolas Jamilla Sr., dating pinuno ng mga gerilya, ay nakipaglaban sa pagpapabago ng barangay Maligaya para maging bagong bayan. Ang pangalan ay isinunod sa pangalan ng anak na babae ng pangulo, si Gloria, na 10 taon gulang pa lamang noon, at ngayon ay ang ika-14 na pangulo ng Pilipinas. Kauna-unahan ang gloria ang salitang Latin sa luwalhati, karangalan (hal.: Gloria in excelsis Deo = Kaluwalhatian sa kaitaasan sa Diyos). Si Jamilla ang unang punong bayan ng bayan ng Gloria.

Mga Barangay[baguhin]

Ang bayan ng Gloria ay nahahati sa 27 na mga barangay.

  • Agsalin
  • Agos
  • Andres Bonifacio
  • Balete
  • Banus
  • Banutan
  • Buong Lupa
  • Bulaklakan
  • Gaudencio Antonino
  • Guimbonan
  • Kawit
  • Lucio Laurel
  • Macario Adriatico
  • Malamig
  • Malayong
  • Maligaya (Pob.)
  • Malubay
  • Manguyang
  • Maragooc
  • Mirayan
  • Narra
  • Papandungin
  • San Antonio
  • Sta. Maria
  • Santa Theresa
  • Tambong
  • Alma Villa

Mga Kawing Panlabas[baguhin]


Coordinates: 12°59′ N 121°28′ E