Gloria Diaz

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Gloria Diaz
Kapanganakan 10 Marso 1947
Ilocos
Pagkamamamayan Pilipinas
Hanapbuhay Artista

Si Gloria María Aspillera Díaz-Daza o mas kilala sa pangalang Gloria Diaz ay ang kauna-unahang babaeng Pilipina na naguwi nang korona ng Miss Universe noong 1969 na ginanap sa Miami Beach AuditoriumMiami Beach, Florida, United States of America noong Ika-19 nang Hulyo,1969. Siya rin ay isang popular at matagumpay na aktress sa bansang Pilipinas.

Mula sa kanyang pagkapanalo, limang taon muna ang nakalipas bago niya naisipang pumasok sa mundo nang pag-aartista at pelikula. Sa una niyang pelikula ginampanan niya ang karakter na Isabel sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1975.Ito ang kanyang pinakaunang pelikulang ginawa kasama sina Vic Vargas ang kanyang katambal at si Elizabeth Oropesa bilang kontrabida.

Kapanganakan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak sa Ilokos at kabilang sa 12 na anak nina Jaime Diaz at Teresa Aspillera.Si Rio Diaz na isa sa kanyang mga kapatid ay naging isa ring artista at minsan na ding lumaban sa patimpalak nang pagandahan.Nagkaroon ito nang Colon Cancer at namatay matapos ang pakikibaka/pakikipagsapalaran nito sa sakit.

Kapatid[baguhin | baguhin ang batayan]

Pamangkin[baguhin | baguhin ang batayan]

Personal na Buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa kasalukuyan,mayroong dalawang anak na babae si Gloria Diaz kay Bong Daza na sina Isabelle Daza at Ava Daza.Mayroon din silang kinupkop na lalaki na si Raphael at mayroon na silang dalawang apo dito.

Miss Universe 1969[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Hulyo 19,1969,Tinanghal si Gloria Diaz bilang pinakamagandang babae sa buong mundo at ang kauna-unahang babaeng pilipina na nagwagi at tanghaling Miss Universe.Itoy ipinasa sa kanya ni Martha Vasconcellos nang Brazil,Miss Universe 1968.Itoy ginanap sa Miami Beach AuditoriumMiami Beach, Florida, United States of America na nilahokan nang 61 na kandidata mula sa ibat ibang panig nang mundo.

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.