Gregorio Zara

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Gregorio Y. Zara (1902 - 1978) ay isang Pilipinong imbentor mahigit 30 gamit sa eroplano tulad ng Earth Induction Compass at Vapor Chamber, ilang enerhiya na ginagamitan ng araw tulad ng Solar Energy Device, Solar Water Heater, Solar Stove at Solar Battery. Siya ang may-akda ng isang physical law of electrical kinetic resistance na tinatawag na Zara effect.

Gantimpala[baguhin | baguhin ang batayan]

Dahil ito binigyan siya ng parangal tulad ng Presidential Diploma of Merit (1959), Distinguished Service Medal, Presidential Gold Medal and Diploma of Honor for Science and Research, at Cultural Heritage Award for Science Education and Aero Engineering noong 1966.

Personal na Buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak noong [[Marso 8], 1902 sa Lipa, Batangas si Gregorio. Kinakitaan na ng likas na katalinuhan kaya't nagtapos siya sa elementarya at mataas na paaralan na Valedictorian. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas bago nagpatuloy sa Massachusetts Institute of Technology at nagtapos ng BS Mechanical Engineering. Kinuha niya ang Master's Degree sa Aeronautical Engineering sa University of Michigan.

Ang kanyang Doctorate Degree sa nakuha sa Sorbonne University of Paris. Nabigyan si Gregorio ng Brevet d' Invention Award ng Ministre de Industrie ng Kaharian ng Belgium dahil sa kanyang imbensyong Earth Induction Compass. Ang compass na ito ay nakapagbibigay impormasyon kahit nasa itaas pa ng ere ang eroplano. Siya rin ang nakaimbento ng Vapor Chamber kung saan maaaring pag-aralan at obserbahan ng sinuman ang di-nakikitang (invisible) mga partikulo ng radioactive sources. Ang kanyang Solar Energy Device ay nakapag-iipon (converge) ng sikat ng araw hanggang 3,000 °F at ang kanyang Solar Water Heater na maaaring makapag-init ng tubig hanggang 180°F sa loob lamang ng 7 minuto; ang kanyang Solar Stove na maaaring makapagluto ng iba't ibang pagkain at ang Solar Battery na nakakapag-andar ng radio at electric fan.