Gumaca, Quezon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Gumaca
—  Bayan  —

Sagisag
Mapa ng Quezon na nagpapakita sa lokasyon ng Gumaca.
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Rehiyong IV-A)
Lalawigan Quezon
Distrito Ika-4 na Distrito ng Quezon
Mga barangay 59
Pamahalaan
 • Punong-bayan Kgg. Erwin P. Caralian - July 1, 2010 - kasalukuyan (Lakas-Kampi-CMD)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 63,778
Zip Code 4307
Kaurian ng kita Ika-1 klase
PSGC 045619000
Websayt http://www.gumaca.gov.ph/

Ang Bayan ng Gumaca ay isang ika-1 klaseng bayan sa lalawigan ng Quezon, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2007, ito ay may populasyon na 63,778[1].

Kasaysayan[baguhin]

Dating kilala bilang Bumaka (makipaglaban), ang kasalukuyang bayan ng Gumaca ay isang pinaglalagiang naitatag sa may timog na bahai ng ilog Palanas noong ika-14 na siglo ng isang grupo ng mga tao mula sa Borneo at Peninsulang Malay.

Ang pinakaunang kilalang pinuno ay si Lakan Bugtali. Ang kanyang nasasakupan ay umaabot sa mga rehiyon malapit sa Gusuan, na tinatawag na ngayong Lawa ng Lamon, mula sa Gamao papunta sa hilaga, patungo sa isla sa kabilang ibayo ng lawa na tinatawag na ngayong isla ng Alabat, patungo sa timog-kanlurang dadaan sa hilagang-silangang bahagi ng ngayong bayan ng Calauag, sa pinagmumulan ng Talolong, na bumabaybay sa bayan ng Lopez, at sa mga ilog ng Pandanan at sa hilagang-kanluran hanggang sa may itaas na bahagi ng ilog Kalilayan. Binubuo ito ng 93 mga barangay. Kaya naman nang ang unang mga Espanyol na dumating dito noong 1574 na pinamumunuan ni Fr. Diego Oropesa, itinatag nila ang grupo ng mga barangay na mayroong kanya-kanyang kalinangan at pamahalaan.

Mula 1574 hanggang 1670 ang bayan ng Gumaca ay pinamumunuan ng mga prayleng Espanyol. At mula 1671 hanggang 1893 ang bayan ay pinamumunuan na nang mga Espanyol at Pilipinong Gobernadorcillos. Mula 1893 hanggang 1900 ang mga namumuno sa bayan ay tinatawag na Capitan Municipal at mula 1901 ang namumuno sa bayan ay inihahalal na nang mga tao at tinatawag na Presidente Municipal. Taong 1963 ang taguri ay pinalitan na bilang mga Punong-bayan ng bayan.

Makikitang walang anumang batas na nabanggit na nagtatalaga sa bayan ng Gumaca bilang isang bayan at hindi rin ito nanggaling sa kung ano pa mang bayan. Ito pa nga ang nagsilang nang ilang bayan na ang pinakanatatangi ay ang bayan ng Lopez dahil sa ito ang pinakamalaki at pinakamaunlad sa bahaging iyon ng lalawigan.

Sa ilalim ng Batas ng Republika bilang 9495, na base sa magiging desisyon nang mga mamamayan nang lalawigan ng Quezon, ito ang magiging kapitolyo nang mabubuong bagong lalawigan kung maaaprubahan.

Pamahalaan[baguhin]

  • Punong-bayan: Kgg. na Inhenyiro Erwin P. Caralian
  • Pangalawang Punong-bayan: Kgg. Raquel M. Mendoza
  • Mga Konsehal:
    • Kgg. Dotty Canela (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Elchor P. Caralian (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Rico Javinez Bañal (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Allan Arcaya (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Geordil S. Castillo (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Ruvilon Juancho T. Mercurio (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Edsel U. Libranda (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Felix T. Arcaya (Kasapi ng SB)
    • Kgg. Rolfe Andrie D. Caralian (Pangulo ng Pederasyon ng SK)

Mga Barangay[baguhin]

Ang bayan ng Gumaca ay nahahati sa 59 na mga barangay.

  • Adia Bitaog
  • Anonangin
  • Bagong Buhay (Pob.)
  • Bamban
  • Bantad
  • Batong Dalig
  • Biga
  • Binambang
  • Buensuceso
  • Bungahan
  • Butaguin
  • Calumangin
  • Camohaguin
  • Casasahan Ibaba
  • Casasahan Ilaya
  • Cawayan
  • Gayagayaan
  • Gitnang Barrio
  • Hardinan
  • Inaclagan
  • Inagbuhan Ilaya
  • Hagakhakin
  • Labnig
  • Laguna
  • Lagyo
  • Mabini (Pob.)
  • Mabunga
  • Malabtog
  • Manlayaan
  • Marcelo H. Del Pilar
  • Mataas Na Bundok
  • Maunlad (Pob.)
  • Pagsabangan
  • Panikihan
  • Peñafrancia (Pob.)
  • Pipisik (Pob.)
  • Progreso
  • Rizal (Pob.)
  • Rosario
  • San Agustin
  • San Diego Poblacion
  • San Diego
  • San Isidro Kanluran
  • San Isidro Silangan
  • San Juan De Jesus
  • San Vicente
  • Sastre
  • Tabing Dagat (Pob.)
  • Tumayan
  • Villa Arcaya
  • Villa Bota
  • Villa Fuerte
  • Villa Mendoza
  • Villa Nava
  • Villa Padua
  • Villa Perez
  • Villa M. Principe
  • Villa Tañada
  • Villa Victoria

Mga Paaralan[baguhin]

Mababang na Paaralan[baguhin]

  • Paaralang Sentral ng Silangang Gumaca
  • Paaralang Sentral ng Kanlurang Gumaca

Mataas na Paaralan[baguhin]

  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Bantad
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Camohaguin
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Gumaca
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Inaclagan
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Panikihan
  • Pambansang Mataas na Paaralan ng Villa Perez
  • Holy Child Academy
  • San Vicente Rural High School
  • Lamon Bay School of Fisheries

Kolehiyo[baguhin]

Mga tala[baguhin]

  1. "2007 Census of Population". Philippine National Statistics Office. http://www.census.gov.ph/data/census2007/index.html. Nakuha noong 2009-01-09. 

Kawing Panlabas[baguhin]