Hanae Mori

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Si Hanae Mori (森 英恵 Mori Hanae, ipinanganak noong Enero 8, 1926, sa Yoshika, Shimane) ay isang tagapagdisenyo ng moda sa bansang Hapon. Siya pa lamang ang nag-iisang babaeng Hapones na nakapagtanghal ng kaniyang mga kuleksiyon sa mga entabladong lakaran ng mga modelo sa Paris at New York. Siya rin ang unang babaeng Asyano na natanggap bilang opisyal na mayroong bahay-disenyuhang haute couture ng fédération française de la couture (Pederasyong Pranses ng Mataas na Moda) sa Pransiya. Siya ang itinuturing na pinaka naparangalang disenyador ng moda sa Hapon.[kailangan ng sanggunian] Dahil sa isa siya sa unang mga babae na nagkaroon ng karera sa pagmomoda sa Hapon, malawakan siyang itinuturing bilang isang ikono o larawan ng kababaihang malaya.[kailangan ng sanggunian] Ang kaniyang bahay ng moda, na nagbukas sa Hapon noong 1951, ay lumaki upang maging isang negosyong nagkakahalaga ng $500 milyon nang sumapit ang dekada ng 1990.


HaponNegosyo Ang lathalaing ito na tungkol sa Hapon at Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.