Hari ng Arabyang Saudi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hari ng Kaharian ng Arabyang Saudi
ملك المملكة العربية السعودية
Kaharian
Coat of arms of Saudi Arabia.svg
Eskudo ng Kaharian ng Arabyang Saudi
Abdullah of Saudi Arabia.jpg
Nakaupo:
Abdullah ng Arabyang Saudi

Istilo: The Custodian of the Two Holy Mosques
Tagapagmana: Prinsipe Sultan bin Abdulaziz
Unang kaharian: Ibn Saud ng Arabyang Saudi
Pagkakatatag: Setyembre 23, 1932
Arabyang Saudi

Ang lathalaing ito ay bahagi ng mga serye:
Politika at pamahalaan ng
Arabyang Saudi



Mga ibang bansa · Kalipunan ng mga mapa
 Portal ng Pulitika
tingnan · usapan · baguhin

Ang Hari ng Arabyang Saudi ang pinuno ng estado at ng kaharian ng Arabyang Saudi. Siya ang nagsisilbing Pinuno ng Kaharian ng Saudi at ng Tahanan ng Saud.

Sa loob ng Arabyang Saudi ang hari ay kilala sa taguring 'Ang Tagapag-ingat ng Dalawang Banal na Moske (خادم الحرمين الشريفين), na tumutukoy sa pagkakasaklaw ng Arabyang Sadui sa moske ng Masjid al Haram sa Mecca at Masjid al-Nabawi sa Medina.

Mga Hari ng Arabyang Saudi (1932 - kasalukuyan)[baguhin]

Pangalan Larawan Haba ng buhay Simula ng pamumuno Tapos ng pamumuno
Abdul Aziz (Ibn Saud) IbnSaud.jpg 1876 - 1953 Setyembre 22, 1932 Nobyembre 9, 1953
Saud 1902 - 1969 Nobyembre 9, 1953 Nobyembre 2, 1964 (napatalsik)
Faisal 1906 - 1975 Nobyembre 2, 1964 Marso 25, 1975 (pinatay)
Khalid Khalid of Saudi Arabia - 1941.jpg 1912 - 1982 Marso 25, 1975 Hunyo 13, 1982
Fahd 1921 - 2005 Hunyo 13, 1982 Agosto 1, 2005
Abdullah Abdullah of Saudi Arabia.jpg 1924 - Agosto 1, 2005 kasalukuyan

Sinimulang pamunuan ni Haring Abdul Aziz ang ngayo'y Arabyang Saudi noong 1902, sa muling pagtatalaga niya ng kanyang pamilya bilang hari ng Riyadh. Sumunod niyang sinakop ang Nejd (1922) at ang Hejaz (1925). Mula sa pagiging Sultan ng Nejd, patungong Hari ng Hejaz at Nejd, at sa wakas bilang Hari ng Arabyang Saudi (1932).

Mga anak niyang lalaki ang iba pang mga naging hari, at lahat ng mga magiging kahalili ni Haring Abdullah ay mga anak rin niya. Ang mga anak ni Ibn Saud ang itinuturing na pangunahing may karapatan sa pagkahari sa Arabyang Saudi. Ito ang naging kakaiba sa Kaharian ng Saudi sa iba pang mga kanluraning kaharian, na kalimitang may malaki, malinaw na pamilyang maharlika at pagkakasunod-sunod ng palitan.

Ang Hari ng Arabyang Saudi ang itinuturing ring Puno ng Tahanan ng Saud at Punong Ministro. Ang Prinsipeng Tagapagmana ang siya ring "Katulong na Punong Ministro." Naghirang ang mga haring sumunod kay Faisal nang "ikalawang Katulong na Punong Ministro" bilang kasunod na tagapagmana ng Prinsipeng Tagapagmana. Ang kasalukuyang Prinsipeng Tagapagmana ng Arabyang Saudi ay ang kapatid na lalaki sa magulang ni Abdullah, si Prinsipe Sultan, at itinakda na isang kapulungan ng pamilya ang pipili ng mga tagapagmana sa mga susunod na henerasyon. Ang Ikalawang Katulong o ang ikatlo sa tagapagmana ay si Prinsipe Nayef.

Ang Arabyang Saudi ay napapasailalim sa mga batas Islam at sinasabing estadong Islam, subalit maraming Muslim ang nagsasabing ang kaharian o monarkiya ay hindi Islamikong sistema ng pamahalaan. Nagmula ang kaugaliang ito mula sa doktrina ng mga Sunni, na mas gusto ang pagpili ng tagapamuno sa pamamagitan ng kung sino ang karapat-dapat , kahit pa ang caliphate ay naging sistemang namamana matapos ang unang apat na Caliphs (ang Rashidun).

Tingnan rin[baguhin]

Line of succession to the Saudi Arabian Throne